Samantalang 'yung tatlo na nasa harap ko nag pipigil ng tawa.

*****
Tomorrow

Klay's POV

Maaga akong nagising dahil sa maaga ang meet up namin nila Jp sa university dahil ngayon kami iaano sa company na papasukan namin para sa OJT. Kinakabahan ako jusko naman nakapag ayos na rin ako ng presentableng kasuotan ngayon sinusuot ko na ang black shoes ko para maka larga na rin dahil 6:30 na at 7:00 ang call time namin.

"Ma aalis na po ako!" pag sabi ko kay Mama na nasa kusina.

"Sige mag iingat ka!" tugon nito.

Kaya naman lumarga na ako at pinara ko na 'yung e-jeep na paparating na kaya sumakay na ako at nag bayad ng 24 pesos. Mabilis lang kapag sa e-jeep ako sumasakay halos mga saba 15 munites lang ang byahe at nakarating na ako sa GHU. Kaya naman pag bukas palang ng pinto ay bumaba na ako agad at nag lakad na ng mabilis papunta sa room namin dahil 5 minutes nalang mag se-seven na. Sa awa ng diyos nakarating na ako at ayun nag di-discuss si Prof Isaac sa mga gagawin dun. Habang nag sasabi si Sir Isaac may pumuntang isang lalaki sa room namin na naka ayos na tila pang kompanya talaga huhu sinusundo na pala kami at may pa service pa ka shala.

"Kinakabahan ako anteehh!" pag sabi ko kay Jp na katabi ko sa upuan.

"Hindi ka nag iisa!" sabi rin nito sa akin.

Nag si tayuan na kaming lahat at ayun sumakay na kami sa van na puti. Ka shala naman may service pa talaga kami edi maganda para iwas gastos ng pamasahe pa punta at pa uwi. Halos naging isang oras din ang byahe namin ng makarating kami sa pupuntahan namin. Bumaba na kaming lahat sa isang matayog na kompanya ng tinignan ko ang pangalan ng kompanya ay C Company ang pangalan nito huu jusko eto na ang simula charot. Kaya naman pumasok na kami sa loob at shet kung gaano ka init sa labas ay grabe naman ang lamig sa loob jusko. Nag tungo na kami sa  isang room na may nakalagay sa pinto nito na Trainees Room kapag pasok palang namin ay shala ang luwang at ang ganda kaya naman nung sinabihan kami na maupo sa ay naupo na kami. Ilang sandali lang ay nay pumasok na mga tao at ayun mas lalo akong kinabahan.

"Hello everyone! welcome to C Company and I am Paolo Venturaz the secretary of Mr. CEO. Mr  CEO would like to greet you today but unfortunately he have a business meeting" wika ni Sir Paolo. Pogi niya mga teh!

Kaya naman ayun nung sinabihan kami na mag pakilala isa-isa eh mas kinabahan ako ewan ko kung bakit. Nang ako na ang mag papakilala bigla namang may pumasok pa na isang lalaki sa room.

"Sorry i'm late traffic kasi, oh hi Klay!" nagulat ako nang tinawag ako sa pangalan ko sabay kaway sa akin.

"Evan?!" tanong ko pa.

"Ehem!" pag linis ng lalamunan ni sir Isaac at alam ko ang pahiwatig nun.

"Good Day! i an Clyde Lopez but you can call me Klay, and yes I am a transwoman. And my expectation on this company is i will gain more knowledge to know more what business is" wika ko sabay upo nalang.

Nakita ko si Evan na naka tingin sa akin sabay kindat nginitian ko nalang ito sabay focus sa sinasabi ni Sir Paolo. Nang matapos mag salita si Sir Paolo ay ayun ina-sign na kami kung saan designated na department kami si Jp sa Financial Department na punta ako naman hindi ko pa alam.

TRANS SERIES ll: Ikaw at Ikaw [TransxMan]Where stories live. Discover now