CHAPTER 3

5 4 0
                                    

I don't think I can give the handkerchief back to its owner. Friday na ngayon at nakasakay na ako sa kotse namin, we were now heading home. Si Zach ay nasa passenger seat at nakikipag-kwentuhan kay Tatay Noel. Hindi ko masundan ang usapan nila dahil masyado pa akong preoccupied sa nangyari kanina.

Speaking of… hindi ko na naituloy ang balak kong pagbigay sa panyo. His best friend came just in time when I was about to approach him. Hindi ko na din itinuloy dahil mukhang may usapan sila na pupunta kung saan dahil sa excited na boses ng babae at ang agad nilang pag-alis.

Weekends na bukas and it's time for our family. Sa susunod na linggo naman ay baka hindi ko rin maibigay dahil siguradong magiging busy siya dahil sa nalalapit na foundation day. I heaved a sigh and lean to the back rest of the back seat.

Napansin ni Tatay Noel ang ginawa ko dahil tiningnan niya ako mula sa rearview mirror. Marahan siyang ngumiti ng magtama ang tingin namin. Agad din naman niyang binalik ang mata sa daan.

“Ayos ka lang, Zephy?” tanong niya. Napalingon din si Zach sa akin. “Tahimik ka ngayon, napansin ko. Ganyan ka lang naman kung may… bumabagabag sa ‘yo.”

Ah, this family is really so observant. Reason why I love my family so much. I smiled to Tatay Noel, but still aware of Zach’s glaring stare.

“I’m okay po, Tatay.”

Umiling ang matanda, sa daan pa rin ang paningin. “Sa halos anim na taon kong pagiging driver n’yong dalawa ni Zach ay kilala ko na kayo. Para ko na kayong mga apo…”

Oh, I know what's next now.

“Alam ko kung kailan kayo masaya, totoong masaya. Kung kailan kayo malungkot. Kung kailan kayo napapagod na. Kung kailan kayo galit dahil sa isang school mate o badtrip dahil sa isang bagay na hindi niyo nagastuhan.”

Nagkatinginan kami Zach. His eyes is like telling me to speak up with what I am feeling. I shook my head reason for him heave a sigh.

“Palagi lang naman nandito si Tatay, Zephy. Makikinig ako sa lahat ng gusto niyong sabihin.” pagpapatuloy ni Tatay.

I nodded, “I never forget that, Tay.”

Tumingin ulit sa akin si Tatay Noel. “Mabuti kung gano’n, Zephy. Naalala ko ang Daddy niyo sa inyo nung ka-edad niyo siya.” bahagyang tumawa si Tatay Noel.

Nakarating kami sa bahay na wala pa si Mom and Dad, minsan ay nauunang umuwi si Mommy tuwing friday pero mukhang hindi kasama ang araw na ito sa ‘minsan’ng’ ‘yon. Binati ko muna si Nanay Matilda at Ate Myrna na nasa kusina bago ako nagpaalam na magpapalit lang ng damit. Binilin ni Nanay Matilda na pagkatapos kong magbihis ay dumiretso sa garden, sa may gazebo.

Papasok na sana ako sa kwarto ko ng marinig ang boses ng kakambal sa likod ko, hinarap ko siya. Kaka-akyat niya pa lang. Sumandal ako sa pader sa tabi ng pintuan ng kwarto ko.

“I don't like you being like this.” he started. I lifted my right brow. “Hindi ka pa nga niya kilala madalas ka nang wala sa sarili mo, paano kung makilala kana niya, Zeph? What will happen to you?”

Napakurap-kurap ako at bahagyang ngumiti. My soft brother is now finally appearing.

“I feel like I wouldn't like the changes that'll happen to you if…”

“C’mon, Zach. Stop overthinking things.”

“How can I? When I knew you very well…”

Lumapit ako at ginulo ang buhok niya. Napasimangot ako dahil mas matangkad na siya sa akin. I used to be a bit taller than him when we were younger. Matangkad naman kami pareho pero sadyang mas matangkad siya, life’s just so unfair.

Making You Mine (SHS Series 1)Where stories live. Discover now