KABANATA 11: AGONY

33 3 0
                                    

AUTUMN'S POV

Maaga akong nagising kinabukasan kahit pa magkaiba ang oras dito sa Amadeus at dun sa Pilipinas. Ahead ng 2 hours ang Pinas kaya naman 4AM pa lang dito sa Amadeus pero dahil nasanay ako na 6AM ay gising na, heto ako ngayon at bumangon na. Kinuha ko agad ang laptop ko at nagsimulang magtipa. Isa sa mga pinangako ko bago ako umalis sa Pilipinas ay yung hindi ko iiwan ang pagsusulat.

Nang makatapos na ako ng dalawang chapter ay napatingin ako sa orasan ng phone ko. Muntik pa nga akong magka-heart attack dahil 8AM na ang naka-display pero naalala ko na naka-Philippine Time yun kaya naman bago ako bumaba sa first floor ay inayos ko na muna ang time setting ng phone ko to Amadeus time. Pagbaba ko ay nagulat ako dahil sa patong-patong na libro sa lamesa ng living room. Sa aking estimate ay higit sa 15 books ang naroon.

"Oh gising ka na pala," bungad na bati sa akin ni Ms. Shina.

"G-good morning po," medyo utal kong bati sa kaniya saka siya tinapunan ng tingin.

Natawa naman ito dahil sa reaksyon ko, "chill ka lang. Kumain ka na muna. Mamaya pa natin yan aasikasuhin," wika nito saka tinuro yung mga patong-patong na librong tinitingnan ko kanina.

"Ah..." tanging nasabi ko dahil mukhang hindi ko yun malulusutan pa.

"Relax," malambing na wika niya saka lumapit sa akin. "Don't worry dahil fan ka naman nila for sure most of the information about them ay alam mo na. So, yung poproblemahin mo na lang ay yung mga behind-the-scenes story ng boys," mahabang lintiya niya.

"Sana nga po," saad ko. Ewan ko ba if nape-pressure lang ako o I made a wrong decision na pumayag sa offer na ito.

"Tara na muna dun sa kusina para makakain ka na," turan ni Ms. Shina saka hinawakan ang mga balikat ko at dahan-dahang tinulak palayo doon sa sala.

Hinayaan ko na lamang siya sa kaniyang ginagawa sapagkat may pagtatalo pang nagaganap sa isip ko tungkol sa naging desisyon ko. Napansin siguro ni Ms. Shina ang pagiging lutang ko kaya naman pinaupo niya na lang ako sa upuan at siya na lang ang nag-asikaso ng hapag-kainan.

"Let's eat na," pag-aya niya sa akin noong makaupo na siya sa tapat ko.

Pilit naman akong ngumiti sa kaniya, "salamat po," wika ko.

Ngumiti naman ito sa akin saka kami nag-umpisang kuamin. Habang kumakain ay ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin dahil ilang beses ko siyang nahuling sinusulyapan ako.

"Ako na lang po ang magliligpit at maghuhugas," sambit ko noong matapos na kaming kumain. Patayo na sana ako noong hawakan niya ang kamay ko kaya naman may pagtatanong ko siyang tiningnan.

"Alam ko na lahat ng ito ay bago sa iyo since local artist lang naman ang hinahawakan mo, but I hope na hindi mo susukuan agad ito dahil lang sa nararamdaman mo. I will be here as long as kailangan mo. And once I saw you ready and comfortable na, saka kita bibitawan," pagpapalakas ng loob nito.

Ngumiti naman ako sa kaniya, "salamat po, Ms. Shina," wika ko rito dahil kahit papaano ay gumaan naman ang loob ko.

"Oh paano, iiwan muna kita rito. Kukunin ko lang ang phone ko sa sala para tawagan yung boys since may rehearsal sila mamaya," wika nito sa akin.

Marahan na lamang akong tumango kaya naman naging cue na siguro yun ni Ms. Shina upang umalis na ng kusina at pumunta ng living room. Paglabas ni Ms. Shina ay inumpisahan ko na iligpit ang pinagkainan namin at pagkatapos ay hinugasan ko na rin ito. Nilinis ko na rin pati yung pinaglutuan ni Ms. Shina bago ko napagdesisyunan na puntahan na siya sa living room upang simulan na ang training ko. Naabutan ko siyang may kausap pa rin sa kaniyang phone.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CDS #4: Loving You From AfarWhere stories live. Discover now