Chapter Four-The Last Mission

Start from the beginning
                                    

"Ano?!" napatayo siya sa kinauupuan niya ako naman ay nagulat kaya muli siyang huminga ng malalim at saka umupo.

"Pasensya na.. Hindi ba sa susunod na buwan ka pa magkaka-sweldo? Hindi magkakasya diyan ang 2,000 pesos mo." sabi niya.

"Okay lang po 'yun! Nakapag-groceries naman po ko eh" sabi ko sabay tawa. Tanging mangoes at pagkain lang ang ibinili ko tapos mga sabon lang at shampoo at pamasahe ubos ang 3,000 ko T_T

"Ikaw talaga, Oh siya.. Maraming salamat Abigail"

"Walang anuman po Tita Jamie!" nakangiti kong sinabi. Ngumiti rin naman siya.

"Dito ko matutulog" bulong niya sa akin habang kumakain kami ng noodles.. Tutal gabi na.. Tumango ko at ngumiti

"Yes! First time niyo dito tita?"

"Aray!!!"

Pinukpok ako ng kaserola ni tita huhu. Ang sakeett T-T

"Tita bakit niyo naman po ko pinukpok! Huhuhuhu!" mangiyak-ngiyak kong sinabi habang hinihimas ang ulo ko.

"Naku! Abigail hanggang ngayon hindi ka parin nagbabago. Tatang@-Tang@ ka parin! Hindi ko ito first time! Baka nakakalimutan mo apartment ko ito!" sigaw niya.

"Hehehehe. Oo nga no?" ngayon lang nag-sink in sa utak ko na apartment pala ito ni Tita Jamie.

Nagtawanan lang kami at itinapon ko na ang noodles namin tsaka natulog.

-Jasper's PoV-

Pagkagising ko agad akong naligo at nagbihis. Pagkababa ko ng hagdan kumain ako kaagad. Habang kumakain. Tinignan ko ang oras.

Tss, 6:30 palang. -_-

Pagkatapos kong kumain maingat kong hinugasan ang mga baso,kutsara,tinidor at platito.

Ayokong mabasa. Tss,

Pagkatapos kong maghugas mabilis akong pumunta sa kotse at pumunta sa kompanya ni papa.

Pagkadating ko sa entrance walang guards.. Muntikan ko nang maapakan ang isang wire na makakapagkuryente sa buo kong katawan.

"Tss, kaya pala.." nakangiti kong sinabi at tumalon para maiwasan ang wire.

Bago ko pumasok tumingin ako sa itaas ng pintuan.

"Si papa talaga.. Lagi akong handa" pagkasabi ko noon ay napansin ko ang isa sa mga tauhan sa kompanya hinila ko siya kaagad at pinapasok sa pintuan.

Nagsilaglagan lahat ng kutsilyo at tumusok sa buo niyang katawan. Halos nagulat ang ibang empleyado sa nangyare.

Hinayaan ko lang ang patay sa sahig. "Linisin niyo nga 'yan.. Pakalat-kalat" walang gana kong sagot at pumunta sa elevator.

Pagkapasok ko magsasara na sana ang elevator ng may makasabay akong lalake. Iniwan ko sya sa loob.

After 3 seconds.. Nagstock ang elevator. Hindi nga ko nagkamali. I'll just used stairs instead elevator.

Baka lahat ng elevator may trap. Mahirap na..

Pagkaapak kong hagdan muntikan na akong madulas.

Hinipo ko ang mala-basa sa buong hagdanan at inamoy. Langis.. Tss, sinadya 'to ni papa. Alam niyang gagamit ako ng hagdan.

Dahan-dahan ako umaakyat ng hagdan upang maiwasan ang pagkadulas. Pagkarating ko sa floor na pupuntahan ko..

Naglakad ako papunta sa opisina ni papa. Habang naglalakad iniiwasan ko ang mga tumitilapong bala, at mga babasagin.. Na nagmumula sa mga empleyado na sinigurado ko naman na inutusan ni papa.

My Boyfriend Is A KillerWhere stories live. Discover now