Part 21

3.8K 227 13
                                    


Advance copy (softcopy in PDF) is available to purchase for P520. More details below.



IMOGEN had survived two full days with Eadon in her house. Sa pagtataka niya naman ay hindi siya palaging kinukulit nito, madalas itong nasa laptop, may kausap sa phone, o kaya ay nilalaro si Thackery. She spent most of her time inside the workshop.

Alas-diyes ng umaga nang katukin siya doon ni Eadon, mukhang galing ito sa pagdya-jogging dahil pawisan suot ang gray shirt at blue joggers.

"I'm gonna go get lunch, ano'ng gusto mong kainin?" tanong nito sa kanya.

"Kahit ano. Alam mo naman ang mga ayaw ko," sagot ni Imogen na hindi naglalayo ng tingin sa ginagawang hair vine.

"Nagustuhan pala ni Mommy at ng mga ate ko iyong binili ko sa Kismet."

"Thank you."

Sinilip ni Eadon ang ginagawa niya. "That looks nice. You should wear that on our wedding. It'll look pretty on your hair."

Hindi siya nagsalita. Ang totoo, excited si Raven sa kasal nila ni Eadon, naghahanap na ito ng susuotin. Samantalang siya ay hindi gaano iniisip ang tungkol doon. It wouldn't be a real wedding anyway, and it wouldn't be something special. So why bother?

"Is there anything else you need?" she asked him blandly.

Ilang segundong tumahimik si Eadon bago sumagot. "No."

Tiningala niya ito. "Are you sure?"

"This, I guess."

Hindi siya umiwas nang yumuko ito at gawaran siya ng halik sa bibig. He kissed her tenderly, and she realized, she had missed that kind of kisses. She had missed his kisses.

"I'll be back," nakangiting sabi nito na para bang ina-assure siya na hindi ito mawawala.

Kinibitan lang niya ito ng balikat.

Tumawag sa kanya si Grandma Myrtle, gaya ng inaasahan niya, tinatanong siya nito tungkol sa isusuot niya sa kasal.

"We have to stage this like a real wedding," paalala pa nito.

"I don't have a white dress, Lola. Too late na rin para magpagawa pa."

"Just wear your best dress then, hindi naman dapat puti ang wedding dress, pinauso lang iyan ni Queen Victoria."

"Okay po."

Isang oras na nawala si Eadon at pagbalik nito ay may dala itong Chinese food. Pagkatapos nilang kumain ay hindi niya pinigilan itong maghugas ng mga pinagkainan. Might as well. She actually hated washing the dishes.

Hapon at nagbabasa ng libro si Imogen sa kanyang kama nang katukin siya doon ni Eadon, bukas ang pinto kaya sinabihan niya itong pumasok. The bastard was shirtless, mukhang bagong ligo.

Ibinaba niya ang libro sa night stand at hinintay ang lalaking lumapit sa kama. Umupo ito sa gilid niyon, at wala namang inaksayang sandali si Imogen. Ang usapan ay usapan, baka umurong sa kasal ang loko.

Imogen held Eadon's face with her hands and gave him a kiss. She darted her tongue inside his mouth, wrestled with his. Ngunit nang dumausdos pababa ang kanyang palad para hawakan ang pagkalalaki nito ay pinigil nito ang kamay niya.

He let out a soft chuckle and brought her hand to his face, kissing the back of her palm. Nagtatakang napamata siya rito.

"Let's save this for our honeymoon, shall we?" nakangiting sabi ni Eadon. "Gusto ko ay dalisay at puro akong magpapakasal sa 'yo."

To Charm a PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon