"There's no need for that, Izza my dear. Tatanggalin mo rin naman yun pag mags-swimming na."

Wala na akong nagawa pa ng tuluyan akong hilahin ni Jianna palabas ng kanyang silid at saka kami bumaba at nagtungo sa likuran ng kanilang mansyon kung nasaan ang pool area.

Bigla kong naramdaman ang pagtama ng malamig na hangin sa aking balat dahilan upang agad akong mapayakap sa aking sarili. Heck. Ito na nga ba ang sinasabi ko, hindi talaga ako sanay magsuot ng two-piece o kung ano pa mang mga 'revealing' swimwear.

"Everyone's looking at you, Izza."

Kaagad akong napatingin sa paligid dahil sa sinabing yun ni Jianna and- she's right, nasa akin nga halos lahat ng atensyon ng mga tao rito, specially boys. Nakakahiya!

Ramdam ko ang labis na pag-iinit ng aking mga pisngi dahil sa sobrang kahihiyan. Why are they looking at me? Hindi ba bagay sa'kin 'tong suot ko?

"Wow, you look so freaking hot, Krizza." Komento ng isang lalaki na basta na lang bumungad sa harapan ko. Wait, he seems familiar..

"Ivan?" Hindi makapaniwalang bulalas ko matapos maalala ang 'ngalan nito. He's Ivan, yung nagpakilalang kaibigan ni Sir Jackson pero pinagbantaan naman ng huli.

He chuckled. "I'm glad you still remember me,"

Tumango-tango ako. "Mabuti naman at narito ka."

"Actually, hindi talaga ako invited. Nag gate-crashed lang ako." Aniya at nahihiyang napakamot sa kanyang batok.

Akma na sana akong sasagot– nang biglang may mahagip ang mata ko– shit! Si Sir Jackson!

Kita ko ang pagtiim-bagang nito matapos makita ang aking suot, halatang hindi niya ito nagustuhan.

I could feel my heart beating so fast as I try to looked away.  Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya na ngayon ay nanlilisik sa galit.

Ano namang kinakagalit niya?

"Hey, ayos ka lang?"

Muling natuon ang aking atensyon kay Ivan matapos ako nitong hawakan sa braso. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala habang nakatitig sa akin.

Tipid ko siyang nginitian. "A-ayos lang naman ako,"

"Are you sure? Bigla ka nalang kasing namutla."

"I'm fine, really." I re-assured. "Swimming nalang tayo. Marunong ka ba lumangoy?" Pag c-change topic ko.

"Oo naman! Ikaw ba, marunong ka ba lumangoy?"

Nahihiya akong umiling. "I honestly don't know how to swim."

"Well, puwede kitang turuan ngayon. 'Di naman siguro ako mapapansin dito ni Jackson dahil sa dami ng mga bisita niya." Aniya at saka mahinang natawa.

Speaking of Jackson– ay wala sa sariling napasulyap ako sa direksyon nito at kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwang matapos makitang abala na ito sa pakikipag-usap sa isang may edad na lalaki.

Wala na sa akin ang kanyang atensyon and that means ay malaya na akong gumalaw-galaw rito.

"So, tara?" Ivan offered his hand na masaya ko namang tinanggap and together, we went to the pool at kaagad na lumusong.

"D-mn. Hindi ko alam na ganito pala ka-hot ang PA ni Jackson." Ani ng isang lalaki na basta na lang lumapit sa amin ni Ivan. Matangkad siya at Moreno. May tattoo sa dibdib at kulay pula ang buhok. Masasabi kong gwapo naman ito, yun nga lang ay mukhang mahangin.

"Back off, Euseve." Iritableng tugon ni Ivan saka ako nito hinila sa pinaka dulo ng pool.

"Kilala mo 'yon?" Agad na tanong ko.

He just nodded. "Anak yun ni Congressman Antonio, kapatid ni Fayrah."

Bigla akong natigilan matapos marinig ang huling sinabi nito. Fayrah?

Bakit parang pamilyar ang 'ngalang yun?

"Fayrah?"

"Yes. Hadn't you heard about the news? She's Jackson's fiancé and if I am not mistaken ay next month na ang kasal nilang dalawa."

Parang may kung anong patalim ang biglang bumaon sa dibdib ko upon hearing those words. So it is true, may fiancé na nga talaga si Sir Jackson and malapit na siyang maikasal?

Parang kahapon lang sinabi niya sa akin na papakasalan niya ako tapos ngayon...

"Hey, why r'u crying?"

Bigla kong naramdaman ang pagtapik sa akin ni Ivan, at duon ko lang din napagtanto na umiiyak na pala ako. Heck! Ano ba'ng iniiyak-iyak ko?

Bago pa man ako makasagot, ay nagulat na lamang ako ng bigla niya akong yakapin. I froze.

"Masakit? Its okay, I am here, Krizza.."

I don't know but for some reason ay gumaan kahit papaano ang loob ko dahil sa sinabi niya– not until bigla na lamang may sumuntok sa kanya na naging dahilan kung bakit kami naging center of attention.

"I will fucking kill you for touching what's mine! Estúpido!"

The Governor's Obsession Where stories live. Discover now