Unti-unti kong naramdaman ang pagbigat ng mga mata ko. Kaya pumikit ako. Masyadong mabigat ang nangyari, pagod na rin akong mag-isip.

Ngayon kailangan kong maghintay para bukas.

Ngunit ano ang mangyayari bukas?

Magiging maayos ba ako? Magiging normal ba ako?

Kakayanin ko bang makitang may kasama si Andre?

"Tangina naman, Maxine! Putcha naman! Malakas ka 'di ba? Bakit ka nag iisip ng kung ano-ano?!" Agad akong napaupo habang sinasabunutan ang sarili.

Nababaliw na 'ko sayo Andre! Tanginang puso 'to!

Grabe ang nararamdaman ko ngayon. Kahit gaano pa ako kaantok ay hindi ko magawang matulog. Binabagabag ako ng isipan ko!

Why did I even loved you, Andre?! Tangina! If only I knew then!

My breathing deepened, trying to calmed myself down. I grabbed my cell phone and texted Angel.

Me: Gel g?

Nag-seen agad si Angel.

Angel Pangit: Di ako pwedeng uminom ngayon

Me: onti lang

Angel Pangit: G, kita tayo sa xylo

Inirapan ko ang reply niya. Hindi daw puwede pero g na g siya.

Me: layo masyado

Angel Pangit: korean mart?

Me: oo soju lang

Angel Pangit: okie

Medyo nakaramdaman ako ng kaluwagan. Kahit na sobrang bigat ng nararamdaman ko, hindi pa rin mawawala sa isip ko na may kaibigan akong maasahan.

Kapag may kailangan ako ay si Angel ang sandalan ko. Lagi siyang nakahanda para saakin. And I can guarantee that I will be fine.

Tumayo ako at nagsuot ng jacket. Kinuha ko ang susi ko at lumabas ng dorm. 8 pm na, pero wala akong pakialam. Gusto kong mag-rant ngayon. Hindi ko kayang mag-isip ng ganito. Para akong mababaliw.

It took me a few minutes to walk to the Korean mart. There is a table outside the mart so we can drink soju there.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko na si Angel na kumakaway sa akin. I have a downward smile as I wave back at her, at tumakbo papunta sa kanya.

"Bakla ka! Anong oras na, ano ba nangyari?" Tanong agad ni Angel saakin nang makita niya na nakabusangot ako.

"Bili muna tayo ng soju, no?" I said with a grimace.

Bumili kami ng tatlong bote ng soju at umupo sa labas na may dalang mainit na cup noodles.

"So anong chika? Buntis ka? Si Andre ama?" Sambit ng babae kaya agad ko siyang pinandilatan ng mata.

"Gaga, may girlfriend na iyong tao. Mababaliw na nga ako sa kakaisip." Diretsong sabi ko at napansin kong natigilan siya.

Her eyes suddenly widened. "Seryoso? Pa'no mo naman nasabi?"

Lost Love In Silence | College Series 1Onde histórias criam vida. Descubra agora