41: Pangarap lang kita :"]

Magsimula sa umpisa
                                    

Maswerte ako kasi pinagbigyan ako ng Diyos, maswerte ako kasi tinupad nya ang pangarap ko.

"Pangarap lang kita Mike" takteng luha 'to! Tumutulo nanaman *sniff*

"Oo, pero dati lang yun. Pangarap lang kita dati, at 'di ko alam na darating sa puntong matutupad ang pangarap ko"

Ano ba 'to! Para kong tanga kinakausap ko na nga yung tulog umiiyak pa ko. Tama na nga!

Pinunasan ko ang luha ko. Ang galing mo talagang magpaiyak mylabs. *sniff*

"Gab?"

(O.O) shemay! Nagising si mylabs! *sniff*

"Are you crying?" bumangon sya sa pagkakahiga tapos niyakap ako, nakaupo sya sa kama, ako naman eto gulat na gulat sa pagkakayakap nya

"Hindi ah, hindi ako umiiyak mylabs" palusot ko. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap nya.

"Teka lang mylabs, hehe bakit? Namiss mo ko no? Ikaw ah" pinipilit kong kumawala sa yakap nya para tignan ang mukha nya, ang itsura nya, pero masyadong mahigpit ang mga yakap na yun

"Wag kang gumalaw, ganito muna tayo.. Kahit saglit lang.." sabi nya sa tinig na napakalambing. napangiti ako sa sinabi nyang yun kaya naman gumanti din ako ng yakap na napakahigpit

"T-teka"

Dubdub dubdub. Badtrip na puso 'to! Bakit nanaman ako kinakabahan ng ganito?

"Pakiusap ganito muna tayo" ayiiiee.. Si mylabs talaga ang lakas magpakilig :">

Dubdub dubdub.

"B-bakit mylabs? May problema ka ba?"

"Gusto ko lang yakapin ka, kahit saglit lang" talaga naman oh! Lakas talaga! E kasi naman e, nakakakilig talaga! Hihi.

 

"Hala! Hala!" nagulat ako ng biglang humiga si Mike, syempre kasama ako kasi yakap nya ko e.

MAYGAAAHD!! eto nanaman po kame sa awkward moment namen! Nakahiga sya tapos ako nakapaibabaw sakanya, ang awkward talaga ng posisyon namen.

Pero honestly, i love it! =) *evillaugh

Ayan, nakatingin nanaman po sya ng napakalagkit. Yang titig na yan ang tumutunaw sakin e.. Mike talaga!

"Mylabs saglit lang baka naiipit na kita" pinilit kong tumayo pero pinigilan nya ko.

"No! Stay here" utos nya. Pinigilan nya ang pagsalag ng kamay ko kaya naman hindi na ako gumalaw

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon