THIRTY EIGHT

12 1 0
                                    

Ang kaninang usapan namin ni calvin na sya lang ang pupunta ay nauwi sa isang banda. Lahat sila ay kasama na ang ending tuloy ay dito kaming lahat nagbonding may mga dala silang pagkain at folding chair.
Alam mo boss sa kapogian natin na ganito dapat hindi ka nagmumukmok dito! Halika at mambabae tayo!” Nakangising tumingin sa akin si dikle.
Gago ka talaga dikleson, don't use other girls para lang sa kaligayahan mo they're not some kind of toys that you can throw or give to others if you won't need 'em anymore.” Agad naman tinaas ni dikle ang dalawa nyang kamay na para bang sumusuko. Kapag ganyan na ang topic asahan mong may sasabat na seryosong si Rondie.
Ohh kalma, Rondie kalma wag mo naman ako bigyan ng dahilan para ikiss ka” Pang aasar pa ni dikle. Gago talaga oh
Hoy tama na nga yan, magbago na kayo mga dude!” Agad naman akong napatingin kay calvin.
Wow naman, galing pa talaga sayo yan ah. Hindi ba dapat ako ang nagsasabi nyan?” Tatawa tawa naman syang inakbayan ako.
Couz, people change. I am not a cheater just a playboy  magkaiba yon. And besides I told you that I will be a good guy. Ito na yon nagsisimula na” Taas baba pa ang kilay nya at ngiting ngiti pa. Mukha syang tanga
Oo na, iingay nyo pinagtitinginan na nga tayo rito. Tara na nga!” Iingay naman ng mga taong ito. Nagpunta nga ako rito para matahimik ang buhay ko may mga asungot naman na nang gugulo.

Nandito kami ngayon sa jollibee kakain muna kami bago magpunta sa hideout nila lahat sila ay naka mask at cap except sa akin. Hindi naman ako sikat e
Anong inyo? bilisan nyo malapit na turn ko.” Agad naman nilang sinabi ang mga order nila. Ang dami parang isang buwan silang hindi kumain.
What's your order po ma'am?” Ang ngiti sa mukha ni ateng cashier ay napalitan ng gulat. Panget ba ako? bakit parang nakakita sya ng multo na panget?
Miss? panget ba ako? grabe naman reaction mo” Doon lang natauhan si ate nang ikaway ko sa harapan nya ang kamay ko.
N-no ma'am, kamukha nyo lang po yung pinsan ng leader ng B-band” Saglit akong natigilan at tumingin sa paligid mukhang wala namang nakakakilala sa amin dito. Safe pa rin si ate lang ata ang nakakilala.
Ah h-hindi po ako yon. Anyway, take out na lang yung order namin 2 bucket chicken tapos 12 ri-” Naknamputcha naman talaga ang mga alagad ni satanas.
Boss, ang tagal mo naman!” Tanginaka talaga dikle! Lalo pang nanlaki ang mata ni ateng cashier nang sunod sunod silang nagsilapitan sa akin. Wala pa silang mask!
Omg, omg! ang b-band!” Mahinang tili ni ate agad naman ako lumapit ulit sa kanya.
M-miss shh wag kang maingay hehe, gusto lang naman namin kumain e.” Agad naman ngumiti si ateng cashier, ang ganda nya naman may dimple. Hope all palangiti
C-can I have a picture with you po?” Mahinang bulong ni ate at tumango naman ako dali dali syang lumabas sa pwesto nya at lumapit sa akin maya maya lang ay ang dami ng taong nakapalibot sa amin mga anak ni satanas ay walang mask. Gusto ko lang naman kumain e.

Aahh B-band!! Kasama nila yung poganda nilang kagroup! Ackk omg!
Oh my ghad! Tapakan mo ako kahit wag kana magsorry!

Ilan lang yan sa mga nagsisigawan na tao rito sa loob ng jollibee agad naman kaming pinapasok ng manager sa staff room at pumasok na rin ang mga guard para ayusin yung mga tao. Anak naman talaga ng pating na blue.
We're so sorry po sa inconvenient na nangyari, we don't know na kayo po ang sikat na banda ngayon. No one told us even her.” Yumuko naman si ateng cashier na kausap ko kanina.
Ah ma'am, wala po syang kasalanan. I am the one who asked her not to tell to anyone, gusto lang po kasi talaga namin bumili ng pagkain.” Tumingin naman ako sa cashier at kinindatan sya. Just to tell her that she's safe na sa posibilidad na mapagalitan sya.
Ma'am tanungin mo kung pwedeng makapagpapicture!” Bulong sa kanya nung isang stuff na narinig ko rin naman.
Jennica! Magtigil ka nga halata namang pagod sila hayaan mo na at may next time pa” Ngumiti naman ako sa kanila tsaka sinabing ayos lang dahil pumayag din naman sila calvin. After picture taking ay saktong dating ng pagkain namin na inorder.
Maraming salamat po, ma'am. Pasensya na kayo sa abala nagulo pa ang mga customer ninyo” Magalang na saad ni calvin sunod sunod na rin naman silang nagpasalamat.
Ayos lang po, Sir! kami nga po ang dapat humingi ng dispensa sa gulong nangyari kanina” Hindi naman masyadong magulo kanina medyo lang kung irarate ko 9.9/10 ang gulo.
P-pwede po ba tayong mag picture?” Si ateng cashier pala agad naman syang sinaway nung manager nila.
Keri lang po, ma'am. Halika rito bilis picture tayo akin na yang phone mo.” Ngingiti ngiti naman syang lumapit sa akin at inabot ang phone binigay ko naman iyon kay calvin at sinabing picturan kami.
1, 2, 3 bagay kayo!” Tanginang mga baliw sabay sabay pang nagtawanan. Agad naman namula si ate na katabi ko mas matangkad ako sa kanya hanggang balikat ko lang sya.
Ma'am, sama na po kayo sa picture.” Aya ko sa manager nila at tumabi naman sya sa kaliwa ko inakbayan ko lang si ateng cashier at nagpicture na ulit si calvin.
Pwede pong pahug?” Tumango lang ako at humarap kay ate bago sya niyakap sakto namang nagflash ang phone na hawak ni Calvin. Hindi ko na lang pinansin dahil phone naman iyon ni ateng cashier na cute.
Maraming salamat po! O-okay lang po ba na ipost ko sa social media ang mga pictures natin?” Why not diba? Pictures lang naman iyon at kasiyahan nya yon so why not.
Yeah sure, if you want you can tag me on your post.” Ngumiti lang ako at sumunod na sa mga kasama kong nakalabas na ng staff room. Pagkalabas namin sa staff room ay ang daming tao na nakaabang sa amin hindi naman pwedeng masungit dahil hindi naman kami ganoon pinalaki ni mama at ni tita. Hindi ko lang din maimagine na nadawit pa ako sa pagiging sikat netong mga unggoy na ito. After makipagpicturan sa mga taong nasa loob ng jollibee ay sinamahan kami nung mga guwardya hanggang sa makasakay kami sa kotse. Sa kotse ako ni calvin sumakay dahil hindi ko dala ang motor ko mabuti na rin iyon dahil baka madisgrasya pa ako sa dami ng taong narito.
Couz, tignan mo picture nyo nung cashier” Inabot naman nya sa akin ang phone nya. Ito yung magkahug kami nung cashier phone nya pala ang gamit nya gago talaga ito. Hayaan na ang isesend ko rin ito don sa cashier.
Sikat na kayo calv, hirap nyo na kasama pinagkakaguluhan kayo” Biro ko bago kuhanin ang phone ko, ngayon na ako magm-myday ng picture namin ni mj kahapon ipopost ko na rin.
Ipinasa ko na ang mga pictures natin sa ig ha? Ipopost ko kasi sa ig ko.” Binalik ko na ang phone ni calvin at nagpatuloy sa pag aayos ng imamyday ko.
Baba na, couz. Mamaya mo na ayusin yan nandito na tayo” Sumunod na rin ako at pumasok sa hideout. Maaga pa naman hindi na lang din ako papasok ngayon bukas na lang. Ayokong makita si ma'am magmomove on muna ako ngayong araw.
Oh, nagpalit na naman kayo ng wallpaper?” Iba na kasi ang wallpaper nila masyado ng aesthetic bumagay din naman sa ambiance ng hideout nila. Maganda na syang tignan ngayon.
Yes bossing! Ako ang pumili pogi diba? parang ako lang” Wala na akong nakuhang matinong sagot mula kay dikle. Hindi ko na lang binigyang pansin si dikle na parang tanga, nahiga na lang ako sa mahabang sofa nila na sobrang lambot. Best feeling ever!
Whoa! look at this cal. Sikat na ang pinsan mo, pinost na nung cashier yung picture nila and tinag nya” Agad ko naman kinuha ang phone ko para tignan kung totoo ba ang sinasabi ni morgan.
Hala! gagi ang daming likes ang dami ko na rin followers sa ig at fb!” Isa isa kong tinignan ang mga pictures na pinost ni ateng cashier. Lahat ng pics namin kanina ay narito pati na rin ang picture na kasama sila calvin at ang ibang staff nila.
Mukhang kakailanganin mo na magmodule, couz” Umiling lang ako at hindi sila pinansin. Nagcomment naman ako sa post ni ateng cashier ang nicomment ko lang naman ay ang picture namin na yakap kaming dalawa. Wala pang limang minuto ay lampas dalawang daan na agad ang reacts. Nakakatuwa naman sila grabe talaga mag-idolize ang mga kapwa ko filipino. Nakita ko rin ang comment nila calvin sa picture na nicomment ko. Mga siraulong ito magkakasama lang naman kami
Para kayong mga tanga” Natatawang umupo naman sila at kumain na lang din. Kanina pa ako gutom lalo lang akong nagutom dahil sa kanila. Habang kumakain ay minyday ko na rin ang picture namin ni mj at pinost na sa ig lahat.
You don't have class, couz?” Umiling lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko.
Anyway cal, yung sa cafe shop na pinuntahan natin ay nag text na sa akin kanina pero may nakuha na akong trabaho e, pasabi na lang na hindi na ako tutuloy sa kanila ha? salamat.” Tagal tagal kasi nya magtext pakiramdam ko pa ay masungit yon at isa pa ay baka pagkaguluhan nga ang cafe nya lalo na ngayon at kumalat na ang pictures ko kasama sila calvin.
What job? Where is that?” Eto na naman sya sa pagiging tatay mode.

Our Love Story (on-going)Where stories live. Discover now