Give me a sign take my hand we'll be fine, promise I won't let you down.
Just know that you don't have to do this alone, promise i'll never let you down.

Tumigil ang kanta sa phone ko indikasyon na may tumatawag, pinunasan ko muna ang kamay at mukha ko bago kuhanin at phone. Si mj pala
Hello te, bakit?” Sagot ko at niloudspeak ang tawag bago ipinagpatuloy ang paliligo phone call lang naman.
How are you? You're so wasted last night! Buti buhay ka pa” Tarantadong ito ang sama nang pag uugali.
Still alive and kicking, how are you?” Balik kong tanong buti na lang at patapos na ako maligo.
What are you doing?” Hindi ako sumagot at tinapos na ang pagt-toothbrush ko.
Taking a bath, hindi ka makakarelate hindi ka kasi naliligo” After brushing my teeth I went out of the bath room. May suot naman akong bathrobe.
Kapal ng mukha mo! sige na, kinamusta lang kita. See yah sooner again!” Pinatay ko na ang tawag at nagbihis. 1:30 pa lang at alas kwatro ang bukas ng restobar mag gagala gala muna ako rito sa condo pati na rin sa mall may nakita akong mall malapit rito maraming pasyalan ang malapit dito sa condo ni calvin. Nagsuot lang ako ng jogging pants at black jacket bago lumabas ng unit. Uunahin ko muna maglibot libot rito sa 4th floor nakalampas na ako sa isang unit ng bigla itong bumukas at narinig ko ang familiar na boses, agad akong nagtago sa gilid at nakinig.
I'll see you tomorrow, hon.Hon? Dito na rin ba nakatigil si miss ma'am? Sumilip ako konti para tignan kung si miss ma'am ba yung kausap nya pero hindi ko makita yung mukha.
No, babe. I'll just see you tomorrow puntahan kita bukas” Shit! hindi boses ni ma'am ito masyado itong malandi, manloloko kang panget ka ha. Huli ka ngayon nakita ko pa silang nagkiss kailangan ko itong mapicturan agad akong tumalikod ulit at kinuha ang cellphone ko para picturan sila ngunit pagharap ko ay bato ang nakaharap ko. Nauntog ako ang malas ko naman tangina, tumalikod ako agad ng makitang paharap sya dito sa pwesto ko kailangan kong umalis dito. Sapo ang noong naglakad ako sa kabilang daan ang sakit mag kakabukol pa ata ako.
Ang malas naman! Sayang huli na sana iyon pero sapat na pruweba na siguro ang nakita ko sya nang sarili kong mata, kailangan kong sabihin ito kay ma'am” Bukas na bukas ay sasabihin ko sa kanya ang nakita ko para hiwalayan na nya ang lalaking yon, kawawa naman sya niloloko sya nung mahal na mahal nya. Takip takip ang noo na bumalik ako sa unit ko kumuha agad ako nang ice pack at nilagay sa noo ko. Ang laki ng bukol ko
Hello te” Sagot ko sa tawag.
Nasaan kana te?” Tanong ni Val sa kabilang linya voice call lang.
Nasa bahay, hindi ako papasok masama pakiramdam ko.” Sagot ko bago ibaba ang ice pack mukhang effective naman dahil nawawala ang pamumula ng noo ko medyo malaki pa rin ang bukol pero hindi na malala.
Ayos ka lang ba? Puntahan ka namin dyan mamaya, send mo location ng bahay nyo” Pag ooffer nya, hindi ako sanay na may napuntang kaibigan sa bahay namin. Except sa best friend ko noon, sya lang ang unang friend ko na nakapunta sa bahay namin without judging our lifestyle. Hindi pa ganon ang bahay namin noong nagpunta sya, purong kahoy pa ang bahay namin noon at sira sira ang kwarto ko. But she didn't judged me neither our house, doon pa nga kami tumambay at nanood ng movie kahit walang electric fan.
Hindi na, ayos lang ako. Papasok na rin naman ako bukas, goodluck pasend na lang ng mga notes ninyo ha? Thank you.” Sagot ko bago patayin ang tawag. Bigla ko tuloy namiss ang mga dati kong kaibigan at ang bestfriend ko before. Naging magkaibigan kami nung naging kaklase ko sya ng grade 8 then we became bestfriends until g10 then we just stopped talking with each other nung g11 pandemic. I don't know why but we didn't talk, no one cares to make a move. Ganon rin sa mga kaibigan ko non bigla na lang din hindi nag-usap then boom, I don't know if we're still friends or not. Pero masasabi kong okay naman ang buhay ko ngayon may mga bagong kaibigan at may bagong bestfriend.  I decided to sleep for a while before magpunta sa restobar I still have 2 and half hour bago mag 4pm.

Nagising ako because of my alarm clock, bumangon na ako at nagtimpla ng kape bago naghilamos at nag-ayos nang sarili. Hindi na ako nagpalit ng damit dahil malinis at mabango naman ako magpapabango na lang ulit ako. Kumain muna ako at inubos ang kape then brush my teeth before heading out to my condo.
What's up kuya” Bati ko sa guwardya. Close na kami nyan ni kuyang guard.
Goodafternoon ma'am, mukhang wala po kayong pasok ah” Taray nalalaman din pala ni kuya yung mga ganitong bagay, sabagay hindi ako lumabas maghapon.
Meron po, hindi lang nakapasok sumama po ang pakiramdam ko. Sige kuya, una na ako” Sumaludo ako bago umalis at nagpunta sa parking lot. Katulad ng lagi kong ginagawa suot helmet bago paandarin ang motor. Maya maya lang ay nakarating na ako sa restobar ni pahina.
Pinarking ko muna ang motor ko at sinabit ang helmet sa upuan bago pumasok sa restobar.
Ylra! Akala ko ay sa sabado ka pa?” Si Angie ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa loob. Konti na lang sila mukhang eto ang normal day nila.
Hi ylra! Anong ginagawa mo rito?” Tanong nang kakalapit lang na si akira kasunod ang kapatid nyang si Yara.
Binibisita ko lang kayo tsaka para may alam na rin ako sa mga gagawin ko sa sabado, tutulong na rin ako.” Nakangiting ani ko sa kanila.
Wala naman tayong masyadong ginagawa rito, minsan ay naghuhugas ng kasangkapan tapos minsan ay magseserve ng mga orders nila at kukuhanin ang order nila ganon lang” Mukhang kakayanin ko naman ang trabaho nila rito. Mukhang hindi rin naman mahigpit si paige sa mga tauhan nya.
Sige, tutulong na ako ngayon saan ko kayo pwedeng tulungan? Pwede ako sa kahit saan na pwesto” Saad ko at kinuha ang inabot sa akin na apron ni angie. Wala si belle at jana mukhang mamaya pa silang gabi. Konting chikahan at lokohan pa ay may mga customer nang nagsisidatingan mukhang kilala talaga ang restobar ni Paige. Ang dami na agad tao.
Ylra, table 5” Kinuha ko ang tray na hawak ni akira at dinala sa table 5
Here's your order, ma'am.” Saad ko bago ilagay isa isa ang mga order nila pansin ko naman ang tingin ng isa sa kanila ngunit binalewala ko lang at umalis na. Sunod sunod na ang mga pinagdalahan ko ng mga orders nila nakakapagod pala pero kaya naman ito. Maya maya ay tumawag ng waiter yung table 5 kaya lumapit si ronald ngunit bumalik din agad at lumapit sa akin.
Ikaw ang gusto mag asikaso sa kanila, ylra” Kahit napapagod ay tumungo ako sa table nila para kuhanin ang oorderin nila.
Ano pong ipapadagdag nyo, ma'am?” Tanong ko sa kanilang lahat they're all girls here.
I think I know her, I saw her somewhere. I just can't remember where” Saad nung isang mukhang expensive habang nakatingin sa akin, ano ba ito quiz bee?
Ah miss, pwede po bang umorder na kayo?” Pansin ko kasing marami na ang naorder kila akira at kailangan na nila ng tulong.
Yeah, I think so. Don't you think she's a celebrity and wanted a normal life?” Turo sa akin nung isa. Kung makapag usap naman ang mga ito ay parang wala ako rito sa harapan nila.
I am not a celebrity or kung ano pa man po. So, if you don't mind at kung wala na po kayong oorderin aalis na po ako.” Saad ko bago tumalikod sa kanila hindi pa ako nakakalayo ay nagsalita na yung babaeng kanina pa nakatingin lang sa akin.
What's your name? Can I have it perhaps?” Humarap ako bago ituro ang nasa kaliwang dibdib ko may pangalan kasi rito na naman pin.
Ylra, you have this top vibe are you a lesbian?” Hindi ko gustong maging bastos pero kailangan kong magtrabaho.
Not into a personal question, may kailangan pa po akong asikasuhin na importante, sige po mga ma'am.” At tuluyan na akong umalis at iniwan syang tulala ron.
Anong nangyari?” Pabagsak kong binaba ang hawak kong menu at ballpen.
Hindi naman nag-order, kailangan nyo ba nang tulong pa?” Umiling naman si JB at Yara.
Papunta na rin naman sila Belle rito, pwede ka nang umuwi ylra may pasok ka pa bukas. Salamat sa pagbisita at pagtulong sa amin” Tumango naman ako at ngumiti bago hubarin ang apron na suot ko tinanggal ko na rin ang pin bago ilagay sa lagayan nito.
Mauna na ako angie, aki, yara kayo nang bahala magsabi kila james!” Kumaway lang ako palabas ng restobar at nagtuloy na ako sa motor ko bago paandarin ang sasakyan ay sinuot ko muna ang helmet ko.

Our Love Story (on-going)Where stories live. Discover now