Chapter 12

19 0 0
                                    

Big Event

Zellistian's POV

Nagising ako ng mag ring ang cellphone.

May tumatawag?

Kaagad akong bumangon sa pagkakahiga, at kinuha ang cellphone ko sa table ko.

Pagkakuha ko ng cellphone. Unknown number agad ang bumungad.

Tsk. Si Lucas 'ata 'to. Wag ko na lang kaya sagutin, may kasalanan pa Sakin yan eh.

"Inamo, kakagising kolang ikaw agad bumungad" inis kong sabi sa cellphone. For sure uutusan lang ako non. Pero ang aga pa?

Pinatay ko ang tawag at bumalik na sa pagkakahiga.

Bwiset! Madaling araw palang! Taena hindi na ako makakatulog nito!

Nag ring ulit ang cellphone, kaya kaagad ko yung pinatay. Istorbo!

Ilang segundo lang ang nakakalipas ay hindi nag ring ang phone ko.

Kung sino ka man, sumuko kana! Wala ako sa mood ngayon makipag murahan!

Napamura ako ng may mag ring nanaman. Kulang ba sa pansin ang taong 'to?

Kinuha ko ang cellphone ko, pagkabukas na pagkabukas ko palang sa cellphone ko, bumungad na ang madaming message mula sa unknown person.

Pipindutin ko palang sana ang mga message ng unknown person, Pero Tumawag nanaman sya.

Bumuntong hininga ako at sinagot ang tawag.

"Sino 'to?"
"[Uhm.... Hi Zell]" teka? Familiar sakin ang boses na 'to ah?

"Pano mo nalaman ang phone number ko?" Tanong ko.

"[Hindi na importante kung pano ko nalaman ang number mo. I just want to say na matutuloy ang sports contest natin. Get ready]"

Kaagad akong bumangon. "Ano? Bakit? Ngayon na agad?" Tanong ko sa kabilang linya.

"[Yeah, nagulat din ako eh. Tinawagan ako ni Ma'am, tawagan ko daw kayo Isa Isa para sabihin na matutuloy ang Sports Contest]" ani ni Nash sa kabilang linya.

"Ah, osige bye na" paalam ko kay Nash.

"[Okay, and good morning too]" ang sweet naman ng Vice President namin na yan.

Pinatay ko na ang tawag at bumaba na para kumain.

Pagkababa na pagkababa ko palang ay nakita ko na sina Mama at Papa na nag aalmusal.

"Oh? Ang aga mo naman gumising?" Takang sabi ni Mama.

"Ewan ko din" sagot ko. Pumunta na ako sa dining table at uminom ng tubig.

"Oh" naglapag ng pagkain si Mama sa harap ko.

"Thanks" sinimulan ko na kainin ang pagkain na nasa harap ko.

"Kamusta Pag-aaral mo?" Tanong ni Mama. Nabulunan ako ng marinig ko ang pinaka iniiwas iwasan ko na tanong.

Kaagad akong uminom ng tubig.

Hehe, paktay.

"A-ah eh, ayos naman" sagot ko habang iniiwasan ang mga titig ni Mama.

Narinig kong mahinang tumawa si Papa. "Pinepleasure mo yung anak mo eh" sabi ni Papa habang kumakain.

CHOOSE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon