Chapter 10

3 0 0
                                    

Lunch

Zellistian's POV

Kainis!

Ano ba kasing pumasok sa utak ko na kalokohan!

Wala palang laman utak ko.

"I told you na mag-ingat ka don sa Kasovo na yon" nakasimangot akong tumingin sakanya, na kasalukuyang nakatingin din sakin.

"Kasovo's is dangerous" dagdag nya.

Kasovo's? So marami sila?

Malamang.

"Tsk. Hindi ko naman kasi alam, ang akala ko lang talaga tarantado yon!" inis kong sabi.

Kanina pa talaga ako nagtataka.
Nakaka-ilang kasi na pinapanood kami ng mga kaklase namin habang nag-uusap. Eh wala naman silang maririnig sa usapan namin. Yung iba ay gulat kaming pinapanood. Wala namang paki si David sa mga kaklase naming ma issue.

Pero kasi nakaka-ilang.

"I warning you before, but your too much stubborn. Hindi ka sumunod sa mga paalala ko" parang kuya na sermon nya sakin.

Maka 'too much' naman si koya.

Teka? Paano nya nalaman na nag usap kami ni Lucas the monkey?

"Paano mo nga pala nalaman?" tanong ko.

Umiwas sya ng tingin. "I just hear it somewhere" sagot nya.

"Paano ko ba 'to matatapos 'tong problemang 'to" mahina pero may halong inis na sabi ko.

Maya-maya lang ay dumating na ang teacher namin na si Ma'am Reyes. First subject palang kasi.

"Class, I have announcement" nagsitahimik ang mga kaklase naming kanina pa nag-iingay, at making kay Ma'am. "there will be a math contest. and it will be held tomorrow, bukas na bukas na agad, at mag ready na kayo, dahil ang kalaban natin ay Grade 12 students"

Tumango lahat. Kahit yung iba kabado na sa loob loob nila.

Gusto ko umabsent bukas.

"By the way, ngayon ko na din ieexplain ang magiging laban. Kapag ang isang section sa Grade 11 ang nanalo, yuon din ang ipanglalaban sa Grade 12 na nanalo"

Hindi ko maintindihan yung explanation mo anteh.

"So, that's it. We'll start a lesson" huling sabi ni Ma'am bago mag start ng lesson.

Bakit Math? Ang obob ko panaman sa Math.

Matapos ang nagdaang klase, nag ring na ang bell, hudyat na Lunch break na, kaya nagsilabasan na ang mga kaklase ko–pati yung katabi ko?

Akala ko hindi sya kumakain?

Binalewala ko nalang yon at kinuha ang wallet ko sa bag.

Isasarado ko na sana ang bag ko, ngunit may nag ring sa bag ko.

May tumatawag?

Taka kung kinuha ang cellphone ko.

Unknown number.

Sasagutin ko ba? Wag na. Baka stalker ko pa 'to.

Sinagot ko ang tawag.

CHOOSE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon