Chapter 1

20 0 0
                                    

Simula


Zellistian's POV

"Ma, ayoko talaga. Bakit nyo ba ako pinipilit!" inis na Sabi ko Kay Mama. Tumingin sakin si Mama.

"Hindi na talaga pwede anak. Andami na nating atraso sa dati mong school, at ayoko ng madagdagan Yun" Kalmadong sermon sakin ni Mama.

Biglang nagsalita si Papa Habang nagdadrive. "Mas maganda sa bago mong school anak" nakangiting Sabi ni Papa. I know na pinapagaan lang ni Papa ang loob ko,I'm so lucky I have a father like him. He's so kind.

Pero sa totoo lang hindi ako kinakabahan.

"Mag-ayos kana, mukha kanang bruha kakasabunot mo sa sarili mo" utos sakin ni Mama.

Sinong hindi masasabunutan ang sarili eh nilayo nila ako sa dati kong pinapasukan na school.

"Mas gusto ko talaga duon" nakanguso kong pagmamaktol.

"Anak, sana naman mag-ayos kana" pakiusap ni Mama. Hindi ako tumango dahil hindi naman ako sigurado kung maipapangako ko ang sinabi ni Mama.

"Hindi ko maipapangako ang sinabi mo Ma, dahil hindi ako sigurado kung kaya ko bang magbago" seryoso kong Sabi.

Tumahimik na ang aura sa loob ng kotse.

Makalipas lang ng ilang minuto ay huminto na ang kotse, senyales na nandito na kami sa pupuntahan namin.

Inayos ko ang buhok ko. Hindi naman ako mahilig mag-ayos o mag-makeup.

"Zell" tawag ni Mama't Papa sakin. Tumango ako atsaka nagpasyang bumaba na.

Pagkalabas ko ay isang malaking gate agad ang bumungad sa paningin ko.

Kahanga-hanga ang disenyo ng Eskwelahan, may nakasulat pa sa taas ng gate na 'Aceillies Copper International School' in short ACIS. Ito 'Ata ang pangalan ng School.

Sa totoo lang hindi ako bagay dito. Sobrang sodyal AS IN. Parang nakakahiya hawakan o sandalan ang ding ding sa mga bawat building, kasi sa sobrang puti at malinis baka kapag sandal ko palang sa pader ay bumakat mga libag ko. Atsaka mukha akong taong grasa.

"Woah, sobrang linis pala talaga dito" taka kong tiningnan si Papa. Alam ba ni Papa itong school na 'to?

"Yung mga kasama ko kasi sa trabaho palagi nilang binabanggit ang school na' to, sobrang Ganda daw nito. At totoo nga, buti nalang hindi ako nagkamali na dito ka pag aralin. Napaka ganda dito" hangang-hanga na sabi ni Papa.

Totoo naman talaga maganda dito, eh Yung mga tao Kaya dito? Maganda kaya ugali Nila?

"Goodm–"
"Woh!" napasigaw ako sa gulat ng biglang may sumulpot na Guard sa harap namin.

"Nak" nagbabantang saway sakin ni Mama.

Bakit kasi bigla bigla nalang sumusulpot sa harap namin Yung guard.

Sh*t baka multo Yung mga tao dito sa school na 'to.

"Ah good morning po, kayo po ba si Mr. Aurora?" tanong ng guard kay Papa.

"Ako nga po" tumango Yung guard sa sagot ni Papa

"Diretso nalang po kayo sa Guidance Office" magalang na Sabi ng guard. Buti hindi sya galit pagkatapos ko syang sigawan.

"Saan po ba makikita yung Guidance Office?" tanong ni Papa sa guard.

"Turn right po kayo tapos konting lakad lang po ay mararating nyo na ang Guidance Office" turo nya pa gamit ang kamay nya.

"Thank you" pagpapasalamat ni Mama.

Nagsimula na kami maglakad papuntang gate para hanapin ang Guidance Office.

"Nak, are you excited?" nakangiting tanong ni Mama, ngumiti ako ng peke.

"I'm so exhausted" bored Kong sagot.

Nagsitawanan naman sila Mama't Papa dahil sa sinabi ko, Kaya naiinis akong naglakad ng mabilis.

Buti nalang at Sabado ngayon, Kaya walang mga estudyanteng makakakita sakin.

Nang marating kona ang Guidance Office ay huminto ako Para hintayin sila Mama't Papa.

May biglang pumasok sa isip ko. Kahit wala naman akong utak.

"Bakit sa Guidance Office kami pupunta?"

——————————————————

"What's your name again?" paulit ulit ulit ulit na tanong ng matandang babae sakin. Kanina pa 'to, makakalimutin 'ata.

Malalim na bumuntong hininga muna ako bago sumagot. ULIT!
"Zellistian Aurora po, Zellistian, ZELLISTIAN" halos pasigaw na sagot ko sa mismong mukha ng Matandang Babae.

Inawat na ako nila Mama't Papa.

Umayos ng upo ang Matandang Babaeng kanina pa tanong ng tanong sakin.

Ngumiti sya. "it's okay Mrs. And Mr, it's normal to ACIS, there's a lot of students that doesn't have a manners" parang pinapamukha nya pa sakin na wala akong manners hah.

Napikon lang naman ako :(

"So your name is Zellistian" tumango ako "Such a beautiful name" Peke akong Ngumiti sakanya.

Ul*l di mo ako mabubudol.

"So mag tatransfrered kana sa ACIS?" bwiset punong puno na talaga ako, baka hindi ako makapag pigil at masapak ko na 'to, buti nalang matanda sya.

"Opo" Mahinahon pero may halong inis na sagot ko.

Takte ang weird ng mga tao dito. Kanina yung guard, tapos ngayon naman yung matandang babae.

"Meron kang 36 records sa Guidance Office sa dati mong school" tumango-tango pa sya Habang binabasa ang folder na binigay ni mama kanina.

Pero infairness nag tatagalog din pala 'to, kala ko English-speaking Lang to eh.

——————————————————

Bumuntong hininga ulit ako bago uminom ng tubig.

Kakapagod, tatlong oras ba naman kasi ang tinagal namin sa school bago makauwi.

Madami kasing sinabi yung Matandang babae.

Sinabi nya ang mga rules sa school at mga keneme keneme at blah blah black ship-di kona Alam Kung ano yung Iba nyang sinabi. Ang dami nya kasing sinabi na hindi ko naman maintindihan. Bwiset! panay kasi English eh.

"Zell, sasama kaba samin ng tatay mo?" tanong ni Mama Habang nag-aayos ng mukha.

Umiling ako. "Hindi na Ma, magpapahinga nalang muna ako" sagot ko atsaka nilapag ang baso sa lamesa na pinag-inuman ko ng tubig.

Tumango si Mama. "Osige, bibili na muna kami ng papa mo ng gamit at uniform Para sa bago mong school. Saglit lang naman kami" tumango ako.

Nang Maka-alis na sila Mama't Papa, ay na pag desisyonan kona umakyat sa taas papuntang kuwarto ko para makapag pahinga.

CHOOSE Where stories live. Discover now