Chapter 11

8 0 0
                                    

Sorry

Zellistian's POV

"Dahil sa babae" nagulat ako sa sagot nya.

"What the f*ck? Dahil sa babae?" Tumango sya.

Grabe naman pala ang naging away ng dalawang weirdo, kaya pala sila ganon makatingin sa isa't isa.

Pero sino naman kaya ang babae na yon?

Ayoko nalang magtanong ulit kay Mark. Baka sabihin nya na nanghihimasok ako sa dalawang ugok.

Ang swerte siguro ng babae may nagkakagusto sakanyang dalawang lalaking campus crush. Pero I know na mahirap din yon para sakanya, kasi dalawa na nga nagkakagusto sakanya, eh mga sikat pa. Baka laging target ng mga tagahanga ng campus crush yung babae nayon.

Mahirap pala.

"Ano kaya magiging reaction ni Pat sa nangyayari ngayon? Baka magparamdam na yon beh" narinig ko ang usapan ng isang grupo ng mga kababaihan. Pero hindi ko alam kung ano sinasabi ng babae, ang alam ko lang nabanggit nya si Pat.

Yung patpatin.

"Ang swerte ng babae kanina, what if sakanya na magkagusto yung dalawang lalaki?" Sabi ng isang medyo chubby ang mukha.

"No, huhu iiyak ako, hindi bagay yung dalawa, sa babaeng dugyutin na yon, tapos mukha pang tomboy kung umasta" irita na sabi ng isa pang babae.

Kawawa naman yung babaeng nilalait nila. Mabait kaya yung nilalait nila?

"Wait nalang tayo, malay nyo eme eme lang yung mga eksena kanina. Pero ang swerte talaga ng babae, huhu"

Ang cocorny naman ng pinag-uusapan ng mga 'to, bakit ba kasi ako nakikinig?

"Tapos kana kumain?" Napatingin ako kay Mark ng bigla syang magsalita.

Tiningnan ko sya na para bang 'Hindi ba obvious, kanina pa kita hinihintay, tapos ako tatanungin mo?' look.

"Hindi." Pilosopo kong sagot.

"Ay" tumawa sya. "Sorry, akala ko hindi kapa tapos. Tara na sa room" tumango ako atsaka tumayo na. Tumayo na din sya. Kaya nagpunta na kami sa room.

Pagkarating namin sa room, wala ni isang tao sa room maliban saming dalawa.

Ang aga pa kasi.

Umupo na ako sa upuan ko at sumandal sa upuan ko.

Hayst... Kapagod, ang daming nangyari ngayong araw na nakakapagod.

Buti hindi na masakit yung braso ko. Kung makahila kasi wagas eh. Kung maibabalik kolang ang time na yon, Sana tumakas nalang ako nung time na bumibili ako ng pagkain. Kaurat kasi eh.

Tumingin ako sa bintana. Ang sarap ng simoy ng hangin ngayon, mainit pero sobrang lakas naman ng hangin, isama mo pa yung mga naglalakihang puno na tinatakpan ang tirik na araw.

Kitang kita ang mga taong nasa baba ng building. Garden kasi ang view mula dito sa bintana, masarap din tumambay dun tuwing hapon dahil malakas ang simoy ng hangin, at hindi gaano tirik ang araw.

Hay.... Buti nalang at nagpalit kami ni David ng upuan nung first day ko.

Bakit ko ba sinasama sa usapan yung weirdong lalaking yon?

Kainis! Sya ang puno't dulo ng lahat ng away kanina sa Cafeteria, kung hindi sana sya pumunta sa Cafeteria Edi Sana walang mangyayaring away kanina.

Pero hindi ba gusto nya lang akong ilayo kanina kay Lucas non? Dapat pala maging thankful ako sa weirdo na David na yon. Kung hindi sya pumunta don, Edi hanggang ngayon nasa Cafeteria pa din ako nagmumukmok.

CHOOSE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon