Chapter 6

33 9 0
                                    

Pagkatapos ng klase ay dumeretso ako sa bahay ni August. Ginawan ko kasi ulit si Caleb ng cookies dahil siya mismo ang nag-request sa akin. Sakto namang may mga ingredients pa akong natira at mukhang kaya pa naman nito makapuno ng isang tupperware at may matitira pang ilang piraso para sa isang asungot.

Actually, sa bahay ni August ako gumawa nito, pati na 'yung una kong ginawa. Sila lang naman kasing mayayaman ang mayroong mga appliances na kailangan ko tulad ng oven at refrigerator.

"Pandak, tirhan mo ako ah. Hindi ko pa natitikman 'yung gawa mong cookies," he said and pouted at me.

Natawa naman ako sa kanyang hitsura. Para kasi siyang batang nanghihingi lang ng barya sa isang matanda.

"Opo, master," pamimilosopo ko. I faked a smile at him saka nagpatuloy sa ginagawa ko.

"Dapat kasi nagpatulong ka na lang gumawa kay Caleb, marunong din naman siyang mag-bake eh," wika ni August.

He's busy playing on his favorite playstation while talking to me. Dapat nga siya ang tumulong sa 'kin dito dahil wala naman siyang ginagawa ngayon. Wala kasi si tita Isabel ngayon, her mom. Nasa bakasyon sila at hindi sumasama si August sa kanila.

"Hindi na kailangan. Kaya ko na 'to."

Matatapos na rin naman ako sa aking ginagawa dahil hinihintay ko na lang maluto ang cookies at nang mailagay ko na ito sa dala kong tupperware.

"Ano ka independent woman?" he laughed. "Alam kong hindi mo kaya kapag hindi mo siya nakikita ng isang araw lang."

I snorted. "Kaya ko kaya!"

Yes, a part of that is true. Madalas kasi ay nalulungkot ako kapag hindi ko nakikita si Caleb, kahit na isang kanto lang naman ang layo ng kanilang bahay sa amin.

Pagkatapos kong gumawa ng cookies ay nag-iwan ako ng mga sobrang piraso sa refrigerator nila. Nagpaalam na rin ako kay August bago umalis. Nang makabalik ako sa amin ay naabutan kong wala sa loob si inay.

"Nay!" sigaw ko. Pagpasok ko ay ibinaba ang ang dalawang tupperware at isinipat ang tingin ko sa buong bahay.

"Sol, nandito ako nagsasampay!"

Napangiti naman ako nang marinig ang boses niya kaya naman agad akong pumunta sa bakuran namin. Napansin kong marami ang kanyang damit na isinasampay ngayon at gabundok pa ang mga ito. Nakasuot siya ng isang puting bistida habang lawlaw naman ang magulang buhok nito na nakatali.

Butas na nga ang paborito niyang damit pero hindi niya pa rin ito tinatapon o ginagawang basahan. Sa susunod ay mabibilhan ko rin siya ng bagong bestida.

"Sabi ko naman kasi sa 'yo 'nay kahit ako na ang magsampay niya ngayon. Tingnan mo tuloy, namumula na naman ang kamay mo sa sobrang paglalaba," sabi ko at kinuha ang kanyang malambot na mga kamay.

Nang tingnan ko ito ay bakas na naman ang pamumula nito dala ng maraming damit na kanyang nilalabhan. At hindi pa kasama rito ang mga service niyang pinalalaba galing sa ibang bayan.

Gusto ko na siyang patigilin sa paglaba at paglalako niya ng bibingka. Para naman kahit papaano ay makapagpahinga siya at ako na muna ang mag-asikaso sa kanya, pero siya itong makulit at ayaw pa ring sumunod sa binilin ko sa kanya.

"Sige na gawin mo muna ang assignment mo at ako na ang bahala rito. Alam kong pagod ka at kailangan mong magpahinga."

Ako nga dapat ang nagaalala sa kanya pero parang ako pa itong inaalala niya. Kitang-kita ko kung paanong ang pagod niyang katawan ay gusto nang sumuko, naglalagatak pa ang pawis sa buong katawan niya.

"Ayan ka na naman, nay. Hindi ka na naman nakikinig. Baka sa susunod niyan ay bumalik ulit tayo sa doktor," aniya ko.

"Ayos lang ako, Sol. Malakas pa naman ako at kayang-kaya ko pa 'to," sabi niya.

Flower of Youth (Youth Series #1)Where stories live. Discover now