Chapter 56 - Happily Ever After

Magsimula sa umpisa
                                    



Ginalaw niya ng kaunti ang baso niya dahilan para makagawa ng tunog ang ilang cubes ng yelo na nakalagay sa baso niya. "I am drinking so that I can kill anyone later on without any inch of conscience." nakangiti pa niyang sambit habang nakatingin sa repleksyon niya sa babasaging baso. 



Nakailang subo na ako at tanging ang paghigop lang niya mula sa baso at ang pagpasok ng malakas na simoy ng hangin mula sa nakabukas na mga sliding doors lang ang nakakaabot sa pandinig ko. Ramdam ko na ang lamig na mas mararanasan ko mamaya kapag napalibutan na ako ng mga di mabilang na mga bangkay. Sigurado na ako na susuong ako sa baha na siyang dulot ng dugo. We have to do this in order to attain peace and to achieve the most awaited end to all of the ongoing feuds. 



"Sky, anong pangarap mo para kay Alex?" napatingin ako sa taong nasa harap ko. Bagsak ang mga balikat pati ang mga kilay. She has this pale smile that made me curious about the real reason why is she showing that kind of expression in front of me for the first time. But even so, I managed to give an answer to her. "Simula pagkabata, naisip ko na na napakaswerte ng mapapangasawa ng pinsan ko. Maganda, matalino, mayaman, mabait, talented, tanga na lang ang hindi magkakagusto sa kanya. Noong mga panahon na iyon, I didn't bother to daydream or to imagine what will happen in the future. For someone like who has the rank, skills, and wealth, you can say na sigurado na ang future niya. Na she is destined to be a leader. Kapag naisip mo kung gaano ka-istrikto si Xander sa mapapangasawa niya, it is already obvious that she'll be having a one of a kind man as her husband. Together, they'll have my cute little nieces and nephews. The only image that I can picture is a portrait of a big happy family experiencing their happily ever after." mapait akong ngumiti habang sinasariwa ang mga panahon noon. 



"But then ... totoo nga talaga siguro ang sinasabi nila na despite all your money, fame, influence, and luxury, hinding hindi ka makakaligtas sa ambon ng pagsubok. Actually hindi lang yata ang ambon ang bumagsak sa pamilya namin kundi malakas na bagyo. Naisip ko, ito na kaya ang kabayaran ng lahat ng buhay na nawaksi ng mga ninuno namin? Na ito na kaya ang tamang oras para kaharapin namin lahat ng buhol na dulot ng mga nangyari noon? Ngayon, ang pangarap ko na lang kay Alex ay ang ligtas natin siyang mabawi. Na pagkatapos ng lahat ng ito, magkakaroon na rin siya ng matiwasay na buhay kasama si Spade. Then after ng graduation natin, ikakasal sila o kaya hihintayin muna na makatapos sila ng college. Tapos, katulad sa mga fairytales, they'll live happily ever after."



I don't know if that dream is still possible. For a week long of silence, malay ba namin kung ano na ang ginagawa nila sa pinsan ko. Gusto na namin sumugod pero pinaulit ulit sa amin ni Xander ang isang kasabihan na madalas niyang pinapaalala sa bawat reaper. 



'Live today, fight tomorrow' 



After giving it some thought, I realized he is right. If we really want to have her back then we should be careful on planning everything out, rejecting any ideas of negativity. Hindi naman kasi namin maaatim na umuwi ng talunan. Remember the gallery walk kung saan nakasabit lahat ng portraits ng mga ancestors namin? Noong mga bata pa kami, laging pinagmamalaki ni uncle Johan lahat ng naachieve nila at kung paanong kahit kailan ay hindi natikman ng angkan namin ang pagkatalo. Sumagi sa utak ko na, 'Ahh ... pwes ito na siguro nga ang kapalit ng lahat ng iyon. Imbes na pagkatalo, hinagpis at mga problema nga lang ang naibagsak sa henerasyon namin.' 

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon