02: Change of Plans

Start from the beginning
                                    

"THAMSSSS!"

Bahagya kong inilayo ang cellphone mula sa tenga ko. Sobrang lakas talaga ng boses ng babaeng 'to, konting-konti nalang talaga at bibigay na ang tenga ko sakanya.

"Hinaan mo nga 'yang boses mo, paawat ka naman," reklamo ko.

"Ay hehe, sorry naman,"

"Bakit ka ba napatawag ha?" sunod-sunod kong tanong.

"Ang almusal natin for today ay chismis!"

"Hmm, chismis!" sabay naming sabi at nagtawanan din naman. Basta chismis palong-palo talaga eh.

"Ano ba 'yan?" tanong ko.

"Omg! so diba nagkaroon ng meeting yung mga faculty about sa mga bagong transferees? And guess what? usap-usapan na isa ang Blazing Phoenix sa lilipat dito! Ackk! makikita ko na palagi si Bebe Shadow ko!" kinikilig niyang sumbong.

"Really? edi landi well!" natatawa kong sagot.

"Omsim! ako na 'to eh, may motivation na para bumangon at mag-aral, eyy!" wika niya at tumili pa talaga.

Natawa naman ako.

Serine's school kasi which is Northford Academy is the breeding ground of esports champions. May esports major kasi ang academy na 'to na pwedeng mag-apply ang mga students at sabi nila mahirap daw makapasa at konti lang yung kinukuha dahil mataas ang standard ng program na ito. Professional players lang ata talaga ang papalaring makapasok.

If you pass you will be under observation or trainings and you will learn a lot about tactics ang strategies in gaming, parang dagdag subject niyo kumbaga.

And if ma-notice kang nage-excel ay pwede kang makapasok sa esports team ng school that will compete every Inter-school Esports League. It's a competition between schools who have Esports major din.

That's all I know about that school. Dati kasi dream school ko 'yan. Maganda kasi ang quality of education at idagdag mo pang may Esports major sila. I really want to learn more about technologies and gaming since gaming really helps me, it's my escape from reality and it really has a special place in my heart.

But I gave up that dream na makakapag-aral ako sa Northford. Nasa city kasi ito sobrang layo dito sa lugar namin tsaka ang mahal ng tuition, hindi keri ng bulsa.

"Hoy Thamina! nandiyan ka pa ba?" wika niya sa kabilang linya. Luh, nakalimutan kong may kausap pa pala ako.

"H-ha? oo nandito pa ako, may sinasabi ka ba?" tanong ko.

"My ghad! halos maubos na ang laway ko dito hindi ka pala nakikinig," wika niya. Alam kong iniirapan na ako ng bruhang 'to sa kabilang linya.

"Sorry naman, bakit ano ba 'yon?"

"Did you hear about the news? Blazing Phoenix is coming back!" sigaw niya.

Bumuntong hininga ako, "Halos lahat ng estudyante dito sa school 'yan ang pinag-uusapan," sagot ko.

"Of course friendship, marami kasi ang nadismaya last season. I just really hope na makabawi na sila this year huhu." ani niya.

"Bakit ano bang nangyari last season? tsaka sino yung Ace? bakit galit ang lahat sakanya?" sunod-sunod kong tanong.

"Last season kasi natalo sila dahil sa katarantaduhan niyang si Ace, pina-iiral kasi ang kayabangan. Then, mayroon pa sana silang chance para makapasok sa OPPML kaso nagka-issue nanaman si Ace that causes Blazing Phoenix to withdraw from the competition. First time 'yon nangyari sakanila," paliwanag niya.

It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)Where stories live. Discover now