iii: kwentuhan

59 1 0
                                    

──── ikatlong tagpo ────

tatawa tayo
sabay seryoso
unti-unti kang
nakilala, ang
sarap-sarap
mo palang
kasama

kwentuhan,
sugarfree

──── ──── ──────


Ganap na akong PRO.

Sana pro rin sa mga gawain.

Hindi ako tarantahing tao. Hindi nga rin lang palaging matalas ang pokus. Kaya tuwing natitiyempuhang siksik ang tungkuling kailangan kong asikasuhin sa iba't ibang aspeto, delikado akong makalimot.

Pagtapos ng unang araw ng klase, mayroon agad kaming assignment sa Personal Development: kumuha ng panayam sa isang tao para mailarawan ang pagkakakilala sa open self o sa bukas niyang sarili.

Ngayong semestre din ang elective ko sa Digital Photography na nagsimula ng Martes. Kaya imbis na sa condo, dumiretso akong uwi sa Makati para konsultahin ang Tatay Eli sa magandang uri ng kamera na pwedeng gamitin.

"Ano bang tema mo, bunso?" itinanong niya.

"Feature article, Tatay," sagot ko sa kanya. "Pwedeng literary portrait ang atake." 'Ka ko pa, hindi pa ako desidido kung sino ang gusto kong ilarawan. "Ikaw, gusto mo?"

"Aanhin ko 'yan, bunso? Danas ko nang maidyaryo dahil kay Ferdinand." Tinawanan ko 'yong pahuli niyang salita: "Mag-interbyu ka ng matigas ang ulong pamumurahin 'yang si Rodrigo."

Dahil sa malalang rayuma, puno ng ingat niyang ipinakitang gilas ang luma niyang kagamitang kinalkal niya pa sa literal niyang baul: mula sa iba't ibang modelo, iba't ibang lente, at iba't iba nitong dagdag. Puno ng yabang (at lambing, syempre) ang ngiti ko habang pinanonood siya.

Tama lang naman.

Si Eleazar Samson Aguirre Manjares, batsilyer 'yan ng pelikula sa UP Diliman noong dekada sesenta, kaya magandang lalaki siya kapag bilib sa sarili.

Ipinabaon niya sa 'kin ang huli niyang nabiling camera niya noong 2000.

Gayon pa man, hindi ko nadala ang taglay niyang gilas papunta ng klase ngayong Miyerkules. Sira ang LRT. Mabigat ang trapiko sa kahabaan ng Maynila. Ayon pa kay Sir Andrade, bukas na ang pasahan ng interbyu.

Wala naman sanang kaso sa 'kin kung hindi lang dumagdag 'tong si Sir Gil sa internship. Wala daw akong ipinasang forms na kailangan para magkaroon ako ng grade.

"Sir, direkta kong ipinasa sa 'yo 'yon."

"Sa 'kin? When?"

Timpi akong tumango kahit umiikot ang sikmura ko. "Ipinatong ko noon sa lamesa ninyo kasama ng sa mga kaklase ko dahil ikaw na 'ka mo ang bahala magsalansan."

"Ba't doon?"

Kunot-noo ako. "Sabi ninyo, e."

Nakakayamot naman.

Imbis tuloy na unahin ko ang naskedyul naming meeting para mag-ayos ng thesis, hindi na muna ako sumama sa mga kagrupo kong gagawi sa library. Ako pa naman ang lider. Kung hindi lang 'yon kailangang maipa-check na dahil kulang pa kami sa RRL.

Sa OJT Office ako dumiretso para mag-request ng bagong forms. In-email ko pa si Sir at hinintay ng isang oras (dahil hindi rin siya mahagilap bigla) para maipakita siya sa receiving desk. At naghintay pa ulit ng kalahating oras para makapag-print sila ng bagong forms.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Feb 02 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

reaching throughOù les histoires vivent. Découvrez maintenant