Chapter 3: Freshman's Party

12 6 0
                                    

Matapos nilang kumain ng light breakfast sa cafeteria, dumiretso na sila sa Wings Exchange, parang store kung saan makukuha ang uniforms nila. Meron ding binebenta roong T-shirt, jacket, tumblr, lace, at iba pang merch na may logo ng Hamilton University.

Habang nasa pilahan, nagsalubong ang mga kilay ni Diodelo nang mapansin ang mga matang nakitingin sa kanya.

"It's him, right?"

"Yes, I think it's him."

"Proud na proud maging scholar, 'no?"

"Of course, who wouldn't? It's HU."

Iyon ang mga ilan sa usapan na narinig niya. Wala siyang idea kung ano'ng pinag-uusapan nila o kung siya ba ang tinutukoy ng mga ito. Kaya hindi niya na lang iyon pinansin.

Harvey nudged him. "Bro, may nagawa ka bang mali na hindi namin alam?"

Nagkibit-balikat si Diodelo. "As far as I know, wala. Kaya wala rin akong pakialam kung ako man ang pinag-uusapan nila," sabi niya, pero ang totoo'y curious na curious din siya kung siya ba ang pinag-uusapan ng mga ito at kung sakaling siya nga, ano namang kahihiyan kaya ang nagawa niya?

Tumayo nang tuwid si Diodelo at malalim na huminga. Tumingin lang siya sa harap ng pila, hinihintay ang turn niya sa pagkuha ng uniform.

"I think I know what they're talking about . . ." sabi ni Harlene, focused ang mga mata sa phone. Maya-maya lang ay iniharap nito ang screen sa mukha ni Diodelo.

Lumayo pa nang kaunti si Diodelo dahil medyo naduling siya sa lapit no'n. At nang makita ang sarili sa screen ng phone, pakiramdam niya ay umangat lahat ng dugo sa ulo niya.

"Hello po, I'm Diodelo Florencia, freshman scholar ng Hamilton University."

Napapikit siya nang marinig ang sariling tinig. Narinig niya naman ang pagtawa nina Harvey at Diodelo habang pinapaulit-ulit ang short video.

Napangiwi siya at kinuha ang phone kay Harlene. Itinaas niya ito para hindi makuha ng dalawa.

Napangisi siya nang subukan ni Harlene tumalon para kunin ang phone sa kanya at nang mapagtantong hindi iyon effective, inutusan nito si Harvey pero ang huli ay tinawan lang si Harlene at chineer si Diodelo.

Sinipa ni Harlene ang kapatid dahil sa pagkampi nito kay Diodelo.

"Akin na 'yan! Phone mo ba 'yan?" sabi ni Harlene. May pagkamataray ang tinig nito, pero ewan niya ba, hindi siya natatakot sa dalaga.

"Ibibigay ko ulit 'to sa 'yo kung mangangako kang hindi mo na ulit papanoorin 'yong video lalo na sa presence ko," sabi ni Diodelo, titig na titig ang mata kay Harlene.

Umiwas ng tingin sa kanya ang dalaga at ipinagkrus ang braso sa dibdib nito bago tumango at inilahad ang palad sa harap niya. "K."

"What? I can't hear you?" sabi ni Diodelo, inilagay pa ang isang kamay sa tainga at umasta na parang hindi narinig ang sinabi nito.

Tumingin sa kanya si Harlene at bumuntonghininga. "Fine, I promise, I won't watch it again."

"Mawalan ka man ng scholarship?" ani Diodelo. Humagikgik naman si Harvey sa tabi nila na parang enjoy na enjoy ang pinapanood na usapan sa pagitan niya at ni Harlene.

Harlene's brow shot. "Anong kinalaman ng scholarship ko sa video mo?"

"Nothing. Just say it."

"Fine, promise, mawalan man ako ng scholarship. Happy?" sarkastikong sabi nito.

Kumurba ang mga labi ni Diodelo at ginulo ang buhok ni Harlene bago ibinalik dito ang phone. "Good."

Narinig niya naman itong mahinang nagmura at mabilis na tumalikod, pero hindi niya na iyon pinansin.

The Salted Fish Has Gone MadHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin