CHAPTER 23

12 3 0
                                    

CHAPTER 23

~MICA'S POV~
ISANG LINGGO, na akong nagtratrabaho rito sa karenderya nila ate Liz, at masasabi ko namang maayos dahil maayos yung sahod ko naayos yung trato sa akin pati na rin sa anak ko.

Ngayon nga eh pinayagan niya kaming mamasyal ni Micay nandito kami ngayon sa mall at nag gro grocery ako ng mga pangangailangan namin halos lahat naman nang pinagbubili ko mga pangangailangan ni baby gatas, diaper, laruan, at biscuit.

Sakanya ko lang nilaan lahat wala akong binili sa sarili ko.

"M-mica?" biglang tawag sa akin.

"F-flora?" kaagad akong napangiti.

Nilapitan ko siya at kaagad na niyakap, ghad dito pa talaga kami sa mall mag kikita napaka saya ko talaga.

"Omg, Mica kamusta kana nasaan na yung inaanak ko?" kaagad kong binuhat si Baby Micay.

"Ito po Ninang 7 months napo ako penge po pamasko" ipit na boses ko.

"Hoy tapos na pasko pero tara Mica, coffee muna tayo may kailangan kang malaman" aya niya sa akin.

Sumama na ako sakanya at ang bait niya at hindi 'yun nag bago dahil siya lang naman yung nag buhat nang pinamili ko imbis na ako ay siya na sumunod lang ako sakanya grabe ang sosyal na ngayon ng kaibigan ko ang layo na sa dating siya.

Pumasok na kami sa Starbucks grabe siya dito pa talaga ako dinala masyadong mahal dito eh pero hinayaan ko nalang siya mayaman naman siya at hindi naman ako gagastos saka hindi naman ako nag aya.

"Upo ka lang dyan Mica, oorder lang ako" sabi niya.

Kaagad naman akong umupo sa tabi ng salamin na ako umupo para kita ko parin yung labas hayss ang ganda talaga ng QC buti nalang mabilis lang kami nakapunta dito ni Micay.

Maya maya lang ay umupo na siya kaharap ko siya at si Baby naman ay kalong kalong ko lang.

"Mica Anya Sapio" sabi niya kaya kumunot ang aking kilay

"Basilyo yung ginamit ko" naguguluhang sabi ko.

"Alam ko" naging seryoso ang mukha niya."Kasi yung kapitbahay ko hinahanap yung nawawalang anak nila 8 yrs narin nila itong hinahanap" naging seryoso narin ang aking mukha.

"Ampon lang ako ng mga Basilyo at 8 yrs nilang itinago sa akin 'yon" nakita ko sa mukha ni Flora, yung gulat.

"Pano kung si Ate Maymay, nga yung tunay mong Nanay" sabi niya.

Paano kung siya nga maliit ang mundo at posibleng siya nga may awa ang dyos siguro gumagawa siya ng paraan upang magtagpo ulit kami sana nga siya.

"Saan ko siya makikita?" nakangiting saad ko.

"Flora Lea Atienza, Please take your order" hindi niya nasagot yung tanong ko dahil tinawag na siya ng cashier.

"Saglit lang hah"

Kinuha niya yung mga order niya para sa amin at pagkatapos ay saka umupo sa table namin.

"Ito na yung sayo" binigay niya sa akin yung inorder niya para sa akin na Caffèè Mocha.

"Thank you"

"About doon sa mga sinabi mo kung nasaan sila ate Maymay, amm wala kasi sila doon sa bahay nila pumuntang probinsya pero babalik na 'yun bukas" sabi niya kaya napatango nalang ako. "Pero pwede ko naman silang dalhin sayo basta sabihin mo lang sa akin kung saan ka nakatuloy ngayon."

"Doon lang ako nakikitira kila ate Liz"

"Kayla ate Liz? Kilala ko 'yun malapit lang doon yung trabaho ko" nakangiti saad niya.

"Talaga!" nakangiting sabi ko. "Basta puntahan mo nalang ako ahh" pareho kaming napangiti.

Bukas kona makikita yung Rumured mother ko sana nga siya talaga yung tunay kong ina.

~KENT'S POV~
I'm here in airport kakahatid lang sa akin nila Arth, Mateo at kasama rin sila Luna and Ivan, kaso umalis na sila ngayon ay nag mamadali na akong sumakay ng eroplano dahil konti nalang ma lalate na ako.

Pero hindi ako sumuko dahil kailangan ko talagang maka punta ng ibang bansa baka magalit pa sa akin yung pamilyang Velasquez.

At sa wakas na i-ayos kona lahat sasakay nalang ako ng eroplano malapit na nga ako maka sakay konting lakad nalang hays goodbye phillipines na talaga ako.

Nandito na ako at ilang lakad nalang ay makakapunta na ako sa eroplano, at nakarating na ako sa eroplanong sasakyan ko.

Kaagad na akong sumakay at umupo ako malapit sa bintana para makita ko yung mga ulap.

This is my first time on a plane, I feel a little happy and sad now even though it hurts because I didn't even get to say goodbye to Mica and our Daughter.

Sa mga sandaling ito pinapangarap kona yung mga bagay na maibibigay ko sa pamilya ko kapag muli ko silang nakita walang katapusang paghingi ng tawad ang gagawin ko para lang mapatawad ako ni Mica.

Sana dumating ang araw na iyan at successful na ako sa buhay sa ngayon sarili ko muna.

PURPLEMOON💜

MY BEST DECISIONWhere stories live. Discover now