CHAPTER 13

13 3 0
                                    

CHAPTER 13

~KENT'S POV~
KINABUKASAN, nagising ako sa liwanag na tumagos sa bintana namin hindi kuna naabutan sa kama si Mica, si baby lang ang nandito natutulog pa.

Nilapitan ko yung anak ko at hinawakan ang mga maliliit na kamay nito.

"Ang cute mo talaga anak," bulong ko.

Ganon pa rin mainit pa'rin siya walang nagbago ang sakit mismong birthday kopa nag kasakit yung anak ko.

Konti nalang yung badget ko kailangan pa namin mag bayad ng kuryente, tubig saka nang Upa bibili pa ako nang gamot para sa sakit ni Baby Micay, pangkain pa namin.

Lumabas muna ako nang kwarto upang silipin kung nandoon si Mica, tama nga ang hinala ko nanroon siya sa kusina may niluluto.

"Love, ano niluluto mo?," tanong ko. Kaagad akong lumapit sakanya at yumakap sa kanyang baywang.

"Almusal natin," sagot niya.

Binitawan kona siya at umupo na ako sa mahabang upuan na kaharap nang kwarto namin. "Love, magpapaalam pala ako sayo," saad ko at nilingon niya ako.

"Mag papaalam ka? Bakit saan kaba pupunta?" tanong niya.

Bumuntong hininga ako,"Kila mama at papa susubukan kong manghiram ng pera,"napayuko nalang ako.

"Baka... Magalit lang sila sayo o kaya pagtabuyan tapos kung ano ano ang sasabihin sayo," may pag-alalang saad ni Mica.

"Love, kaya ko naman ang sarili ko," simpatya ko.

"Bahala ka may pamasahe kaba?,"Tanong niya.

"May 1k pa naman ako dito bigay ko sayo 'yung 500 tapos akin 500,"saad ko at nilapitan ko siya.

Tumango nalang siya at umiwas sa akin ng tingin, ito na naman po ako susuyuin kona naman siya.

"Love," tawag ko sakanya.

"Ano?," kalmadong saad niya.

"Gusto mo kape?," tanong ko.

Hindi naman halata sakanya na nagtatampo siya ganon lang siguro yung expression niya.

"Umm" ngumuso siya,"Gawan mo ako,"nakangiti na siya.

"By the way Happy Anniversary" bati ko.

Nagulat rin siya kala niya ako lang ang magugulat niya naalala ko kasi kahapon biglang nag flashback sa akin ang lahat.

Sinagot niya ako pagkatapos ng birthday ko dapat raw saktong birthday ko kaso busy siya sa school kaya hindi niya nagawa pero  But for me it was one of the best gifts I received in my entire life and I will never forget that day.

"Aniversary natin ngayon!," sigaw niya kaya ako naman itong hulakhak nang tawa.

"Oo"

"Sorry Love, medyo nawala lang sa isip ko sorry talaga Love" panghihingi niya ng tawad.

"It's ok Love, ako rin naman nakalimutan ko yung birthday ko," tawang tawa na saad ko.

Nag paalam na ako sakanya para maligo ngayon na rin kasi yung alis ko nag chat ako sa Pinsan ko na si Kennath,parang kapatid na ang turing ko diyan. At alam kona siya rin ang mapagkakatiwalaan ko.

Tapos na akong maligo kaya lumabas na ako ng cr dumiretsyo ako ng kwarto at naabutan ko si Mica, pinapa inom nang gatas si Baby Micay, hawak ni Mica yung bote at naka focus lang ito sa ginagawa niya.

Kumuha ako ng damit sa Drawer, white tshirt na printed at cargo pants yung kuha ko nag soot marin ako ng Ripped Jacket black.

"Pormadong pormado ah," sita ni Mica.

MY BEST DECISIONWhere stories live. Discover now