PROLOGUE

42 5 2
                                    

MY BEST DECISION
PROROGUE

~MICA POV~
Galing akong skwelahan kakatapos lang ng aming klase sa ika anim na baitang hindi ako hatid sundo ng papa at mama ko dahil busy ito sa kanilang mga gawin si Papa ay nag tratrabaho sa coffee shop at si Mama naman ay nag titinda ng damit sa tiyangge.

"Naku yung anak ni Aling pasing na si Sophia, magdamag ng nawawala" rinig ko sa isang ale.

"Sigurado ako mare mga sindikato ang may gawa no'n" saad naman ng isang ale.

"Ano na kaya ang nangyari sa batang 'yon jusko" saad naman ng kaninang ale.

Nanatili lang akong nakatayo at pinapakinggan ang mga sinasabi nila delikado na ba ngayon? ano naba ang nangyayari sa mundo.

"Balita ko kung kani-kaninong pinapamigay tapos ibebenta"saad naman ng isang ale.

Nakita nila akong nakikinig at lumapit sila sa akin.

"Ikaw ba yung anak ni Maymay? Naku mag ingat ka dilikado ang panahon ngayon"saad sa akin ng isang ale.

"Oo nga iha ang ganda mo pa namang bata" saad naman ng isa pang ale.

"O'sya mare tska iha mauna na ako hah mag luluto at mag susundo pa ako ng anak ko" saad ng isang ale.

Nakita kong nag paalam na sila sa isa't isa kaya minabuti ko ng umalis na sa lugar na iyon at patuloy na mag lakad papa uwi baka ano pang-mangyari sa akin.

Habang nag lalakad ako may biglang huminto sa aking isang itim na van bumakas ang pinto nito at bigla nalang akong dinampot.

Wala akong kamalay malay sa nangyayari ngayon dahil biglaan.

"Sino kayo!" Malakas na tanong ko.

"Wag kang magulo!" Malakas na sagot ng isang lalaki na nakasuot ng itim na mask naka longsleeve rin siya ng itim halos lahat sila ganon ang pananamit.

Natakot na ako at hindi na ako umimik pa at tsaka ramdam ko rin na malayo na ako sa lugar namin hindi kona alam kung ano ang pwede kong gawin.

"Teka boss nawalan tayo ng preno" saad ng lalaking nag mamaneho.

"Napaka tanga mo naman!" Bulyaw sa kanya ng isang lalaki.

"Boss ano na gagawin natin" kabadong saad ng lalaki.

Nag simula na ang lahat mag panik siguro ito na ang pagkakataon ko upang makatakas. magulo na ang maneho ng lalaki at hindi mag tatagal ay babangga na kami sa isang poste.

~AUTHOR'S POV~
Kalahati ng van na sinasakyan ng sindikato ay warak at umuusok na rin ito. May isang lalaki ang kumuha kay Mica.

Inalis ng lalaki si Mica, sa lugar na i'yon dahil sasabog na ang sinasakyan nito at hindi nag tagal ay sumabog nga lahat ng sindikato namatay liban nalang kay Mica.

Inuwi ng lalaki sa bahay nila si Mica, nayusan niya ito at kinuha niya ang gamit ni Mica, binuksan niya ito at tumambad sakanya ang mga notebook na ginagamit ng bata doon niya napag tanto ang totoong pangalan ng batang tinulugan niya.

"Mica Anya Sapio, grade 6 student"Sabi ng lalaki at pinag masdan ang dalaga.

Nilapitan niya ang batang si Mica at hinawakan niya ang pulso ng bata. Buhay pa siya.

Tumayo yung lalaki at kumuha ng maligamgam na inumin at pagbalik niya ay nadatnan niya ang batang si Mica na gising na.

"Sino po kayo ano po ang nangyari sa akin at nasaan po ako?" Tanong sakanya ng bata.

Napaisip ang lalaki tila hindi matandaan ng batang si Mica ang nangyari sakanya.

"Bata ano pangalan mo?" Tanong ng lalaki.

MY BEST DECISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon