CHAPTER 20

27 3 0
                                    

CHAPTER 20

~MICA'S POV~
PAGUWI, ko ng apartment namin dali dali kong kinuha si Micay, kila Eunice, pumasok ako ng apartment namin at kinuha ko yung mga gamit namin ni Micay.

Umalis kami ng apartment namin nandoon pa rin yung sinakyan kona trycicle kanina 500 nalang iyong ibabayad ko sakanya may natitira pa naman sa aking 500 pwede na iyon.

Kaagad na kaming sumakay sa Trycicle habang umaandar yung Trycicle bigla kong naalala ang lahat, lahat nang nakita ko at lahat ng nasabi ko. ANG SAKIT.

Paano? Pano niya nagawa sa akin i'yon? Akala ko panghabang buhay na siya akala ko siya na pero ito ako ngayon nag dudusa nasasaktan at umiiyak.

Malayo na ito sa apartment namin wala na rin akong balak makita pa siya ayoko na it's my birthday but ganto yung regalo sa akin sakit,hinagpis at pasakit.

Ayoko na rin mag mahal mas mag fofocus ako kay Micay, aaminin ko may kaunti pa akong pagmamahal kay Kent, pero ngayon hindi ko alam.

Mas lamang yung sakit sa akin kesa sa pagmamahal ngayon lang ako nasaktan nang ganito mas masakit pa ito sa nalaman kong ampon lang ako.

Mas masakit pa ito Kaisa sa mga lupit na naranasan ko sa ina-inahan ko at kuya-kuyahan ko.

"Kuya dito nalang po" kaagad akong bumaba at ibinayad ang 500 na hawak ko.

"Iha, 200 nalang para may panggastos pa kayo ng anak mo" saad ng Trycicle Driver.

"S-salamat po" pasasalamat ko.

"Iha may pupuntahan kaba ngayon kita ko kasi sa I mosyon mo kanina na parang may problema ka" saad ng Manong.

"Actually wala po" saad ko.

"Doon muna kayo sa bodega ko wag kang mag alala may extra pa naman kaming electricfan ng aking anak sayo muna 'yun doon ka muna mag palipas ng gabi hah" saad ng Driver.

"S-sige po manong" kaagad akong sumakay sa loob ng trycicle.

Pumayag na ako wala naman kaming matutuluyan ngayon ayoko rin naman pumunta kila ate Luna o kaya kila Gillian at Skye, baka puntahan pa ako doon ni Kent, mas lalo ko lang maalala yung pangloloko na ginawa niya sa akin.

NAKARATING na kami sa bahay ni Manong kaagad akong bumaba ng Trycicle at pinapasok niya ako sa bahay nila at pagkatapos inaya niya rin akong kumain at pumayag naman na ako dahil medyo gutom na rin ako.

Pagkatapos namin kumain agad namang tinuro sa akin yung bodega nila medyo may kaliitan ito at may ilaw rin may banig na rin at unan pwede na rin ito dahil kami lang naman ni Micay, ang nandito.

"Ok naba i'yan sainyo?" tanong ni Manong.

"Ahh opo Manong salamat po" saad ko agad na akong pumasok at inilapag ang mga gamit ko.

Kinuha kona rin yung Jacket na dala-dala ko at ikinumot ito kay Baby Micay, tulog na siya kaya kaagad kong kinuha yung cellphone ko sa bag ko at binuksan ang messenger ko.

Nakita ko ang mga chat ni Kent, hindi ko ito seenin hinayaan ko lang siyang mag chat sa akin, ang ginawa ko nalang ay chinat ko si Ate Luna.

Sinabi ko sa kanila ang lahat lahat hindi on ngayon si Ate Luna, pero alam ko namang mababasa niya rin iyon pagkatapos ko naman chinat si ate Luna, sunod ko namang chinat sila Gillian at Skye, sinabi ko rin sa kanila ang lahat.

Pagkatapos ko silang chinat ay kaagad kong binaba ang cellphone ko sa tyan ko ang aking mga mata ay nakatingin lamang sa kisame hanggang ngayon hindi ko parin alam kung saan ba ako nag kulang, nabigay koba lahat?.

"Kung hindi ako kapalit palit bakit naghanap siya ng iba?" tanong ko sa aking sarili.

Masakit lang dahil minahal ko siya,pinaglaban ko siya at higit sa lahat pinagkatiwala ko sakanya yung pinaka iingatan ko tapos sasaktan niya lang pala ako.

Pinunasan kona ang aking luha at itinabi ko sa aking bewang si Baby Micay, na taimtim ngayong natutulog.

KINABUKASAN kumuha ako ng kapirasong papel at sumulat ako nang isang paalam na liham.

Pagkatapos ko iyon isulat inilapag ko ito sa papag na hinigaan namin at saka umalis bitbit ko yung gamit namin.

Umalis na kami sa bahay ni Manong Driver naglakad lakad nalang ako sa kalsada balak ko sanang pumuntang QC para hanapin roon si Flor, kaso, mukhang malayo ang Antipolo papuntang QC.

Pero wala rin naman akong magagawa kailangan kong makaalis dito sa antipolo para hindi na ako mahanap pa ni Kent, pati narin sila Ate Luna, Gillian, Skye,Mateo,Arth, kuya Ivan, at kay Eunice.

Lahat sila blinock kona sa all social media's acc ko pagkatapos kong chinat nila Ate Luna at sila Gillian at Skye ay saka ko naman sila blinock.

Ayaw kong makahap sila ng way para makita ako lahat sila iiwasan ko ay lalayuan ko.

May dumaang Bus papuntang QC kaya kaagad na akong pumara sa bandang dulo na ako pumuwesto kalo ko lang si Micay, sana mura lang yung ibabayad ko.

"Magkano po papuntang QC?" tanong ko sa kondoktor.

"35 po" sagog nang kondoktor.

"QC Diliman nga po" saad ko.

Alam ko kung saan si Flora sa Quezon City buti nalang sinabi niya sa akin bago sila umalis sa Pasig.

MABILIS lang akong nakarating sa Quezon city naglakad lakad nalang ako gusto ko isa isahin yung street nagbabaka sakali akong makita si Flora, sana makita ko siya dahil hindi kona talaga alam yung pupuntahan ko.

Naglalakad lakad lang ako hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko sana dalhin ako sa mabuting direksiyon.
 

Sana hindi ako maligaw dito sa Quezon city,Hayss nakakapagod inaantok at nagugutom ako malapit ng mag tanghali pero ito wala pa akong kain.

PURPLEMOON💜

MY BEST DECISIONWhere stories live. Discover now