Chapter 45

10.2K 165 11
                                    

KUYOM ang kamay ni Clarence habang naglalakad sila ni Mari papasok sa emergency room. Lumipad sila kanina mula Baguio hanggang Manila gamit ang private helicopter para puntahan lang si Kate.

They stopped as soon as they entered the room. It was chaotic. Nagtatakbuhan na ang mga nurse dala ang isang kama saka dahan-dahang nilipat ang walang malay na Kate rito. Nang mai-transfer na ito ay nakita ni Clarence ang sugatan na pupulsuhin ni Kate. At saka agad na sinugod ito sa operating room.

He knew that Kate planned this whole thing para makita muli siya nito. Umigting ang panga niya habang pinagmamasdan ang kaganapan patungong operating room.

“Clarence…” Tila nabuhayan ang loob ni Silvanna nang makita niya muli si Clarence. Lumapit siya at mangiyak-ngiyak na hinawakan niya ang braso nito.

May kung anong malamig na bagay ang naramdaman ni Clarence sa braso niya. Napayuko siya rito at nanlaki ang matang makita ang duguan na kamay ni Silvanna. Sa tingin niya ay dugo iyon ni Kate.

“M-My daughter is dying. I-I know this is too much to ask. Pero kailangan ko talaga ng tulong mo. I need your blood again please?” pakiusap niya habang pinipilit niyang pinipigilan ang sariling di humikbi sa harap nito.

Nakapag-donate na ng dugo si Clarence no’ng sinugod si Kate sa ospital dahil sa appendicitis nito. His blood is very rare just like Kate because they are both AB negative. Kailangan ng ospital ng fresh blood para sa operasyon ni Kate noon kaya napilitan siyang mag-donate rito. Silvanna can’t donate blood, dahil may type 2 diabetes siya and secondary hypertension.

Napalingon si  Mari kay Clarence. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit si Clarence lang ang makakasalba kay Kate.

Tanaw ni Clarence ang desperadang mga mata ni Silvanna. Abot hanggang dibdib ang bigat ng nararamdaman niya ngayon nang maalala niya ang sinapit ng mommy niya. Habang pinagmamasdan niya ang mukha ni Silvanna ay mas lalo niyang kinamumuhian ito.

Napalunok si Clarence. Lalong bumabaon ang mga kuko niya sa palad nang mas ikuyom niya pa lalo ang kamay. Nagsalubong naman ang mga kilay niya. Hindi niya gusto ang ang nangyayari ngayon.

Bakit niya dudugtungan ulit ang buhay ng anak nito? Napaka-unfair naman para sa kanya.

“I get it. I really do," mabagsik na sabi ni Clarence. "But you can't just manipulate me into this. I already donated once, and I didn't sign up for a lifetime commitment. Kate and I aren't together anymore."

Biglang bumuhos ang luha ni Silvanna. Mas lalong hinigpitan niya ang pagkahawak niya sa braso ni Clarence para makiusap. “I know, Clarence. I know it's unfair to ask, but she's my daughter. Please, for Kate's sake, help us again. We don't have much time,” hikbi niya rito.

Pinapanuod lang ni Mari ang usapan ng dalawa. Hindi man niya alam ang buong kwento sa pagkamatay ng mommy nito but she could see the pain in Clarence's eyes as he looked at Silvanna.

Natigilan si Mari. May kinalaman ba ito sa nangyari noon?

You May Now Kiss The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon