V. Curiosity Kills The Cat

10 7 0
                                    

Nang magtama ang mata namin nang natatarantang lola, agad siyang lumapit sa'kin. Pero nang mapagtanto niyang kalmado lang akong nakatayo sa harap ng pinto ng isang hindi kilalang bahay, bumagal ang paglakad niya papunta sa akin at kinunot ang noo.

"Anong ginagawa mo riyan?" Pinanlakihan niya ako ng mata.

"Dito tayo maninirahan mula ngayon, Lola." I showed her the key I'm holding.

"Dito?" Her eyes became wider whilst her neck started to stretch to peek inside.

Sabay kaming pumasok sa loob, ang mga kumpulan naming gamit ay nakatabi na nang maayos sa may gilid.

Nang nagsilabasan na ang mga kabalyero, tsaka ko lamang napagtantong paalis na rin sila.

"The papers of this house are still in my keep, I'll give it once you fully pay your debt." Prince Castellan told me while he's busy fixing his horse.

"Kailan ang due date?" Sana naman nakahanap na ko ng trabaho't nakapag-ipon na ng panahon na iyon para kung ilang daming ginto man ang babayaran ko, may pangdown payment naman ako kahit papaano.

"...There's no due date."

"Huh?" Did I hear him right? Anong utang ang walang due date? Nanlaki ang mata ko sa napagtantong sitwasyon. "May interest?"

Kumunot ang noo niya sa tanong ko, hindi sumagot agad. Sabi ko na nga ba, kung walang due date ang utang, palaki naman nang palaki ang interest. Paano kung hindi ko mabayaran ang lahat ng 'yon? Kasama pa ang buwis na tinutukoy niya.

"Wala." Bago pa lumalim ang iniisip ko, sinagot niya na ang kaninang tanong. "Gusto mo ba?"

Agad akong umiling.

For a prince who doesn't care for his suffering people in front of him, I don't know how to think about this.

It's maybe he thought I'd easily accept the job offer at the palace?

Kung makakahanap ako ng ibang trabahong malapit lang sa lola ko at hindi niya ikapag-aalala, 'yon ang pipiliin ko.

"May kailangan pa ba kayo?"

Agad muli akong umiling sa tanong, masyado ng marami ang nagawa niya para sa amin. Kung malaman niyang isa kaming lobo, ano na lang kaya ang magiging ekspresyon niya?

"We are very honored for your great blessings, your highness." I bowed my head.

Tumango siya at sinenyasan na ang ibang mga kabalyero sa kanilang pag-alis.

"I'm looking for our meeting at the palace, Feronia Ellis." Sakay niya sa kanyang kabayo at umalis kasama ang mga kabalyero, leaving me stunned.

He knows my name?

...He's in charge of us who live in the west after all.

Matapos ang kanilang pag-alis ay tsaka ko lang naalala ang cloak na pinahiram niya sa akin. I guess he doesn't mind because he keeps on looking forward for our next meeting at the palace.

Pagkapasok ay inasakiso ko na ang mga gamit namin para ilagay sa tamang lugar na nasimulan na ni lola Helene.

Sinadya kong unahin ang magiging higaan ni lola para makapagpahinga na siya dahil sa mahabang biyahe.

"E, ikaw?" Tanong niya sa'kin.

We still have some silver we kept for a long time, it's enough for me to buy some food for us in the meantime.

"Hindi pa po kayo nakakakain diba? Pupunta muna po akong bayan para bumili nang makakain." Sabi ko na agad naman niyang pinigilan.

"Hindi pa ko gutom at isa pa, nasa kabisera tayo 'di ba? Mapanganib sa labas, nakuha na nga nila si Niko."

Suppression Of The TamedWhere stories live. Discover now