Chapter 25

988 24 3
                                    

“Hello! Good day sir and ma'am.” Ngumiti ako sa isang crew ng binati kami niya kami, itong katabi ko naman ay walang reaction na pinapakita.

Nagkibit balikat na lang ako at hinayaan siya, muling bumaling ang aking atensyon sa harap ng magsalita muli ang crew

“Any reservation po?” Tumango ako sa kaniyang tanong bago nagsalita muli.

“Yes, Mr. Arnold table reservation, please.” Tumango ito ay iginaya kami papunta kung na saan si Mr. Arnold.

“This way please.”  Sumunod na kami sa crew hanggang sa may nakita akong babaeng nakaupo sa aming pupuntahan.

Kumunot ang aking noo ng makarating kami sa table dahil babae ang naka upo doon, akala ko ba lalaki si Mr. Arnold? Bakit babae ang nandito sa harapan namin?

Nakatalikod siya sa amin kaya hindi niya mapansin na may tao na sa kaniyang harapan, may hinahalongkat ito sa loob ng kaniyang maliit na pouch.

Saka pa lang ito bumaling ng tingin sa amin ng magsalita na ang crew na kasama namin na magpapaalam na aalisna daw siya, tatawagin ko pa sana ulit at tatanongin kung tama ba ‘tong pinagdalhan niya sa amin ng table, ngunit hindi na natuloy ng makitang medyo malayo na uto pwesto namin.

Napabaling muli ang aking paningin sa babaeng kaharap namin ng tumikhim ito, in fairness ang ganda niya, walang maipintas sa kaniyang kagandahan at napaka amo din ng kaniyang mukha.

Ang kaniyang mga mata ang kumikinang at kumikislap na nakatingin kay Drake, ngumiwi ako bigla.

Biglang dumako ang kaniyang paningin sa akin, ang kaninang maamong mukha at kumikislap na mukha ay biglang napawi at napalitan ng matalim na tingin ang kaniyang pinipukol sa akin.

Napa atras ako bigla ng isang hakbang dahil sa gulat, ngumiwi ako dahil sa naging expression niya, grabe inaano ko ba siya? Kung maka taray naman ‘to wagas, ni hindi ko nga siya kilala at ngayon ko lang siya nakita.

Inalis nito ang kaniyang malalim na tingin sa akin at napalitan ulit ng maamong mukha ng tumingin siya muli kay Drake. Napa nganga na lang ako bigla, ang bilis nagpalit ng emosyon.

Bigla itong tumayo sa kaniyan pagkakaupo at kumapit bigla sa braso ni Drake na siyang ikinagulat at ikinalaki ng dalawa kung mata.

Ngunit ang pagkagulat na nararamdaman ko ay napalitan ng pagtataka, bakit niya hinahayaan na hawak-hawakan siya ng ganoon lang? Tapos pag ako humahawak bigla-bigla niyang tatanggalin o ‘di kaya magagalit at sisigawan niya ako pero bakit itong babaeng ‘to ang humawak wala man lang siya ginagawa?

“Oh my God! I miss you so much, Xian. How are you? You miss me ‘to? Mabuti na lang talaga pumayag si Dad na ako na lang makipag kita sa’yo. Nang malaman ko na ikaw ang ka meeting ni Dad hindi ako nagdalawang isip na makipag usap kay Dad na ako na lang a-attend ng meeting niya with you.” Pabebeng saad nito habang ang kaniyang mga kamay ay nakalambitin pa sa braso ni Boss.

Kaya pala siya ang kaharap namin at hindi si Mr. Arnold, nakipag palit pala siya, ibang klase din.

Xian? Wow naka second name basis pa ah! Napa irap na lang ako sa kawalan.

“Let's have a seat, Xian.” Uupo na sana ako sa katabi ni Drake ng unahan ako ng babaeng ‘to, bahagya niya pa akong tinulak ng pasimple,  siya ang umupo sa katabi ni Drake, pa simpleng tinarayan niya ako na siyang ikinagulat ko ng husto.

Hindi kona lang ito pinagtuunan ng pansin, wala sa sariling akong umupo sa kanilang harap at hinayaan silang dalawa.

“Let's order! Ano gusto mong kainin, Xian?” Malambing na sabi niya kay Drake at tumawag ng waiter.

“Anything.” Baliwalang sagot nito.

“Okay, I will pick your favorite foods. It's that okay with you, babe?”

Napa ismid ako bigla sa sarili kong laway ng marinig ko ang tawag ng babaeng ‘to kay Drake. Napunta ang kanilang atensyon sa akin kaya hindi ko mapigilan humingi ng paumanhin, ang kanilang mga tingin ay mapanuring nakatingin sa akin.

Babe? As in babe?!!! What the!!! So may relasyon silang dalawa? At matagal na nilang kilala ang isat isa.

Akala ko ba meeting ang pupuntahan namin dito? Bakit parang date na ata nilang dalawa ‘to? May pahawak hawak pang nakakamangha, pasimple kong tinarayan silang dalawa, banas na banas na ako sa ginagawa ng babaeng ‘to, kung makadikit kay Boss akala mo linta sa sobrang kapit.

Ginawa pa akong sampid sa date nilang dalawa. Nagmmukha pa akong thirdwell, nakabusangot akong napatingin sa mukha ni Boss, nagulat na lamang ako bigla ng makitang nasa akin ang kaniyang tingin. Umayos ako bigla ng upo at umiwas ng tingin, kinabahan ako bigla baka kung ano isipin niya dahil sa itsura kung hindi maipinta habang nakatingin sa kaniya.

Nawala bigla ang aking atensyon sa kaniya ng dumating na ang aming mga order, tahimik lamang akong kumakain habang ang dalawa ay masayang nag uusap, hindi kona lang sila pinagtutunan ng pansin at patuloy na kumakain lamang ng tahimik.

Maya-maya pa ay bigla na lamang ako nakaramdam na kailangan kung magbanyo kaya tumayo ako bigla aking pagkaka upo kahit na hindi pa nangangalahati ang pagkain na kinakain ko, ang dalawang taong nasa harapan ko ay natigil ang kanilang masayang pag uusapan ng tumayo ako.

“Where are you going?” He curiously asked me habang nakangot noong tanong niya.

“Rest room lang ako sandali.” Hindi kona inantay pa ang sagot niya at umalis na sa kaniyang harapan.

Nang makarating sa cr ay agad akong pumasok sa isang cubicle at umihi, kanina ko pa kasi pinipigilan na umihi, ang pantog ko ay hindi na kinakaya pigilan kaya napagpasyahan kong mag cr na. Nang matapos ay lumabas kaagad ako sa cubicle, nabigla ako ng makita kong nasa sink ang babaeng ka meeting ni Boss na naghuhugas ng kamay niya.

Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad papunta din sa sink para maghugas at mag sanitizer ng kamay.

“Who are you?” Napatigil ako bigla sa aking ginagawa at tinignan itong katabi ko ng biglang magsalita ito.

Ako ka kausap nito? Pero hindi naman siya nakatingin sa akin, baka hindi naman ako kaya binaliwa ko lang ito at nagpatuloy sa ginagawa ko. Nang matapos ay agad akong naglakad papunta sa pintuan, pipihitin kona sana ang sirado ng pinto ng bigla itong nagsalita muli pero ngayon ang kaniyang paningin ay nasa akin na.

“Are you deaf? I'm asking you, b!tch.” Galit na expression ang makikita mo sa kaniyang mukha.

“Huh? Ako po ba kinakausap mo?” Maang na tanong ko at itinuro ko pa ang aking sarili.

“Yes! You, of course. Sino pa bang tao dito kundi tayong dalawa lang? Tanga.” Mataray na saad nito sa akin na siyang ikinataas ng dalawa kong kilay. Napanganga na lang ako dahil sa kaniyang pinapakitang ugali, at sinabihan pa akong tanga.

Magsasalita na sana ako ng unahan niya ako. “Nevermind, I'm not interested in your ugly name. Anyway kaya ako nandito dahil gusto ko lang sabihin sa’yo at ipaalala na stay a way from my boyfriend. He's mine, only.” Pagkatapos nitong sabihin ang mga katagang iyun sa pagmumukha ko ay tuluyan na itong umalis sa aking harapan at nakuha pa nitong banggain ang balikat ko, na muntik konang ikatumba mabuti na lang talaga nakahawak agad ako sa sink para kumuha ng suporta para hindi tuluyang matumba.

Boyfriend? Ano bang ibig sabihin niya? At sino tinutukoy niya si Drake ba?

I'M HIS WIFE NOT A SECRETARY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon