Chapter 4

987 41 0
                                    

“Magandang umaga po, ma'am.” Bati ng guard sa’kin ng makarating ako sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko.

“Magandang umaga din po, manong.” Magalang na bati ko sa kaniya, pilit na ngiting ani ko sa kaniya.

Hindi ko dapat kailangan’ dalhin ang mga problema ko sa pagtatrabaho dahil baka makaapekto ito sa’kin.

Hanggang ngayon ay lalong lumala ang pagkamuhi na nararamdaman ko sa mga magulang ko ng dahil sa kanilang ginawang pag d-desisyon sa taong gusto kung pakasalan balang araw.

Tuwing naalala kung ikakasal na ako sa taong hindi ko naman mahal o hindi ko pa nakikita ay parang gusto kung umiyak at magpakamatay na lng.

Bakit ba kasi merong mga magulang na ipinipilit nila ikasal ang mga anak nila sa taong napili nilang ipakasal sa anak.

Wala na ba akong kalayaan para pumili ng taong papakasalan ko? Wala na ba akong karapatan mag desisyon sa lahat ng mga bagay? Bakit gano’n?

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa elevator. Lahat ng mga na dadaanan ko ay napapatingin sa’kin, meron din’ ngumingiti o bumabati sa’kin, gano’n din ang sinukli ko sa kanila bilang isang pagbati.


Nang makarating sa opisina ay agad akong pumasok. Inilibot ko ang aking paningin ng mapansing wala pa dito ang antipatikong boss ko. Ay agad akong nagtungo sa kaniyang table upang ayusin ang kaniyang schedule ngayong araw.


Hindi pa din ako na niniwala na siya ang magiging boss ko, na ang taong muntik na akong mabundol na ikinasanhi ng muntik ko ng ikamatay ng maaga.

Makalipas ang ilang minutong pag aayos sa kaniyang mga papeles na gulo-gulo ay agad akong na pa baling sa pintuan ng bigla itong bumukas.

Pumasok ang pinaka gwapong nilalang ubod din ng kasama ang pag uugali.

Ngumiti ako ng sa taong pumasok at binati ito bilang isang pagbati galang. “Good morning, Sir,” magalang na bati ko sa kaniya.

Tinignan lng ako nito at nagpatuloy sa kaniyang paglalakad patungo sa kaniyang table.

Amp. Ang sungit talaga. Inikutan ko itong ng mga mata at padabog na umikot sa kaniyang harapan.

Peking ngumiti ako sa kaniya. Tinitigan ako nitong nagtatakang nakatingin.

“Sir, you have a meeting at Ms. Salvador this 9: 30am.” Pagpapahayag ko sa kaniya. Tango lng ang itinugon nito sa’kin na siyang palihim na inikutan ki ng mata.

Hindi naman s’ya pepe bakit hindi nagsasalita?  Parang wala akong kausap ah! Ang galing ng boss ko. Pa kiss nga ako.


“Sir, kapag may kailangan ka po ay na sa labas lng ako.” Saad ko dito at tumalikod na sa kaniyang harapan.

Bahala siya d’yan, ma pepe sanang tuluyan. Joke lng kapag na pepe siyang tuluyan paano siya magsasabi sa’kin ng ‘I do’ kapag na sa harapan na kami ng altar?   (╥﹏╥)

Hindi ko na ito pinansin at lumabas sa kaniyang opisina at nagtungo sa sariling table ko. Ang table ko at ang table ng amo ko ay magkaiba.

“Hello,” napa baling ang aking paningin sa taong nagsalita. Inangat ko ang aking mukha upang matignan kung sinong nilalang ang mabait na nakikipag usap sa’kin.

Ngumiti ako sa kaniya at bumati din pabalik “Ikaw ba ‘yung bagong secretary ng boss natin?” Muli nitong saad sa’kin na siyang ikinatango ko ng maharan.

“Oo, ako nga ‘yun. Ako nga pala si Lara. Ikaw?” Pagpapakilala ko sa kaniya. Inilahad ko ang aking kamay sa kaniya upang makipag kamay.

“It's nice to meet you, Lara. Ako naman si Justine.” Inilahad nito ang kamay niya at nakipag handshake sa’kin. Nakangiti itong nakatingin sa’kin.

“Alam mo ba? wala pang nagtatagal na secretary diyan kay boss.” Biglaan saad nito. Nagtatakang nakatingin ako sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi.

“Bakit daw wala pa?” Takang tanong ko sa kaniya.

“Kasi nakaka intimidates daw si boss kahit na gwapo siya ay takot lahat sa kaniya. Kahit isang week ay wala pang umaabot sa kaniyang pag uugali, napaka sungit daw kasi niya. Iyun ang mga naririnig kung mga chismis dito.” Pagkukuwento nito.

“Baka walang ka mwah mwahh kaya gano’n.” Ngiwing ani ko sa kaniya. Tumawa ito ng malakas na siyang ikinatingin ng ibang co-workers namin.

“Siraulong ‘to, pero parang gano’n na nga. O siya, alis na ako madami pa kasi akong tatapusin na paperworks. Byee.” Pagpapaalam nito sa’kin na siyang ikinatango ko dito. Bumalik na ako sa dati kung ginagawa at nagpatuloy.

I'M HIS WIFE NOT A SECRETARY Where stories live. Discover now