Chapter 14

882 30 1
                                    

Aalis na sana ako ng biglang higitin nito ang aking kamay na siyang ikinataas nang aking dalawang kilay.

Bumaling ako ng tingin sa kaniya na nagtatanong na tingin. “What do you want?” Malamunay na tanong ko sa taong biglang humigit ng aking kamay, hanggat maari ay kailangan kung magpanggap na hindi ko alam na hindi niya ako sinusundan.

“Who are you?” Seryusong tanong nito sa akin na siyang ikinanganga ng aking bibig. Seryuso? Siya na nga ‘yung biglang nanghihigit  nang maganda kung kamay at pagkatapos bigla akong tatanongin kung sino ako?

Huh! May sira ba ‘to sa ulo? Ni hindi ko nga siya kilala at bigla bigla na lng mang hihigit.

“Ako dapat ang magtatanong niyan sa’yo, sino ka? Bakit bigla bigla ka na lng naghihigit nang kamay ko? Do I know you?” Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

Bigla nitong ibinitawan ang aking kamay nang mapagtanto niyang hanggang ngayon ay hawak pa nito ang aking kamay.

Tinignan ako nitong mapanuring tingin, kinikilatis ang aking kabuohan bago nagsalita. “Ohh! Sorry I thought ikaw ‘yung taong hinahanap ko. May pagkaparehas kasi kayo ng mukha. Nevermind, forget about it.” Bumuntong hininga ito.

“Okay?” weird. “I got to go.” Paalam ko dito. Na siyang ikinatango nito. Tumalikod na ako sa kaniya na siyang ikinangisi ko ng palihim.

“Hanggang ngayon pala hinahanap mo pa ako. Magkikita tayong muli, bitch.” saad ko sa aking isip.

Nang lumabas ako ay agad kong kinalma ang aking sarili, ngumiti ako ng malawak ng makarating ako sa tapat ng aking boss na ngayon ay nagtatakang nakatingin ito sa akin, siguro iniisip niya kung bakit malawak ang ngiti ang iginawad ko sa kaniya, nagtataka kasi halos maging pusa’t aso kami kung mag away sa mga nakalipas na araw. Hindi kami in a good term niyan.

“What's with that smile of yours?” Malamig man ang kaniyang boses sa pagtanong ngunit hindi mawawala ang pagkalito sa kaniyang boses.

Ngumiwi ng bahagya ako sa kaniyang bago nagsalit.

“Bakit bawal na po ba ngumiti ngayon, Sir?” Nag alin-langan na tanong ko sa kaniya dahil baka kung saan naman ‘to pumunta ang usapan namin, at baka magbardagulan kami dito nang wala sa oras.

Mahirap na madami pa naman ang tao ngayon dito. Thought kung mag sigawan man kami dito ay wala kaming paki alam lalo’t na ang isang ‘yun ay walang paki alam sa paligid pero ako ito na baka talaga mangyari iyun ay paniguradong kahihiyan ang aabutin ko nito sa mga tao.

“Tsk! Let's go.” Tumayo ito at agad na umalis sa harapan ko na siyang ikina-ikot nang dalawang eyeballs ko.

Aangal pa sana ako sa kaniya dahil hindi ko pa nauubos ang aking pagkain, hindi pa nga
nakakalahati ‘yung kinain tapos aalis kaagad.

Ampotchi! Badtrip na babae na ‘yun kung hindi ba naman ako hinigit at kinausap bigla edi sana hindi ako matatagalan sa loob nang cr.

Edi sana ngayon busog na busog ako. Naka ngusong binalingan ko ng tingin ang aking nakapa bait na amo sa buong mundo, sobrang bait.

Gosh! Nagpapadyak akong lumabas nang kinainan namin at nagmamadaling maglakad ng makitang papasok na ito sa kaniyang sasakyan, mahirap na at baka ako’y iwan dito bigla.

Baka masumpong bigla ng kasungitan. No’ng umulan siguro nang kasungitan ay isinalo niya lahat kaya naging ganiyan siya.

Napa irap na lng ako bigla ng hindi man lng niya pagbuksaan kotse, basta lng itong sumakay. As always what an ungentleman. Tsk!

Padabog akong pumasok at hindi siya tinignan. Gwapo sana panget naman ang ugali. Oo aaminin ko na kahit ako ay na a’attract sa kaniyang mukha at ang kaniyang buong maskuladong katawan.

Sinong hindi ma’attract sa kaniyang? Bulag siguro ang hindi ma appreciate ang view. Wews I'm being manyak now.

“Stop starring will you?” Malamig na saad nito na siyang ikinabalik ko sa katinuan. Napanganga na lng ako bigla nang dahil sa kaniyang sinabi?

W-What? Ako nakatitig sa kaniya? Dahil siguro sa sobrang pagka out of mind ko ay hindi ko namalayan na nakatitig na ako sa kaniya nang matagal pero hindi ko talaga napansin na nakatingin ako sa kaniya.

“Okay, daddy.” Shit, Lara.

What did you say?” Napatampal na lng ako bigla sa aking noo nang dahil sa kagagahan ngayon.

‘Nakakahiya ka talaga, Lara.’ Pangangaral ko sa aking sarili. Yumuko ako at mariin na napapikit dahil sa kahihiyan na nararamdaman.

Ramdam ko ngayon ang kabang nararamdaman ko nang nakatitig ito sa akin na mariin. Nakakatunaw ang kaniyang mga tingin kung iyung pagtutuonan ng pansin, pagtinignan mo ng matagal ni kahit siguro ay walang mangangahas na tignan siya sa mata.

“W-Wala po, Sir.” Kanda utal-utal na saad ko sa kaniya at tumingin sa kaniya. Nang makasalubong ko ang kaniyang tingin ay nakataas na ang isang kilay nito sa akin na siyang ikinadagdag ko ng kabang nararamdaman.

Kinuyom ko ang aking kamao dahil sa panginginig. Hindi naman ako ganito pero pagdating sa kaniya ay para akong nabababkla kung kumilos, mas malambot pa. Siguro kung nakatayo kami ngayon ay paniguradong kanina pa ako naka salampak sa sahig dahil sa panghihina ng mga tuhod ko.

Hindi na ako nito pinansin pa at simulan paandarin ang sinasakyan namin ngayon na siyang ikinahinga ko ng malalim dahil sa tense na nararamdaman ko.

Kapag tumatama ang aming mga mata ay milyong milyong bultahe ang dumadapo sa akin na siyang ikinababahala ko ng husto dahil sa mga paro-paro sa aking tiyan na nararamdaman, at naiintimate ako nang sobra sa kaniya, nahihirapn huminga at higit sa lahat nahihirapan mag isip.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto nito sa akin. This past few days ay meron pa akong lakas loob na sagut-sagutin siya pero ngayon hindi na.

Ipinilig ko ang aking sarili nang maramdaman na huminto ang sinasakyan namin, binalingan ko ito ng nagtatakang tingin na sa kaniya.

“Get out.” Nagtatakang nakatingin ako sa kaniya nang sabihin lumabas ako. Dahil ayaw ko man na sigawan niya ulit ay agad kung sinunod ang kaniyang sinabi.

Lumabas ako sa kotse nang makalabas ay siya din na pagtanto kong nandito na pala kami sa next venue na m’metting-an namin. Gaya nang dati kung ginagawa as a secretary lahat nang importanting mga bagay na pinag uusapan nila ay sinusulat ko sa aking dalang note.

Hanggang sa matapos ang lahat ng meeting niya ay gano’n ang ginagawa ko. Kung tutuusin ay masakit na ang aking kamay sa kakasulat pero hindi ko magawang umangal dahil una sa lahat binabayaran niya ako at pangawala wala akong karapatan magreklamo dahil sa dugo’t pawis na pinaghihirapan ko ay bayad niya.

I'M HIS WIFE NOT A SECRETARY Where stories live. Discover now