Chapter 3

1K 45 2
                                    

Nandito ako sa tapat ng bahay ng mga magulang ko, kahit nagtataka kung tungkol saan ang pag uusapan namin ngayon ay dumalo pa rin ako dahil 'yun ang sinabi ng magulang ko, kapag sinabi niya dapat mong gawin.

Medyo late na akong nakarating dahil bukod sa traffic na ay madami pa akong inasikasong mga bagay na kailangan' gawin bilang isang secretary ng isang kompanya.

"Magandang gabi Ma'am Lara." Magalang na bati ng isang kasambahay sa'kin ng madaanan ko ito, yumuko ito na nagpapahiwatig na pag galang sa'kin.

Tumango ako bilang isang tugon at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa hapagkainan dahil siguradong nando'n silang lahat.

Nang makarating sa hapagkainan ay nagtaka ako dahil may dalawang estranghero ang aking nakita.

Pinagsawalang bahala ko na lng 'to at bumati sa aking mga magulang gano'n na din sa dalawang bisita.

"Ohh! Anak nandiyan ka na pala, halika umupo ka na dito." Nakangiting sabi ni mommy sa'kin at iginaya ako sa isang bakanteng upuan, tumungo ako doon at nagsimula nang umupo.

"Ano pag uusapan natin ngayon? Paki sabi na ng mabilis dahil madami pa akong gagawin' mga bagay bagay. Importante ba 'yan dahil kailangan ko pang dumalo dito?" Tanong ko sa magulang ko.

Taimtim akong nakatitig sa magulang. Wala akong pakialam kung wala kang galang sa paraan ng aking pananalita dahil unang una sa lahat ay hindi sila kagalang galang na pamilya.

"Your mouth! Nasa'n na ang galang mo sa'min? Wala kang respeto sa'min." Malakas na sigaw ni Daddy sa'kin na nagpapahiwatig na galit siya sa aking ginawang hindi pag galang sa kanila.

Inikutan ko ito ng mata bago nagsalita.

"Dahil hindi ka karespeto." Saad ko dito na siyang tuluyan na ikinagalit nito mag sobra sa'kin.

Tumayo ito at akmang lalapit sa na sa'kin ng biglang pigilan ito ni mommy.

"Hun, calm down." Pagpapakalma nito sa asawa at binalingan ako ng tingin.

"Lara, 'yan ba ang nakuha mo sa paglalayas huh?" Malumanay na sagot ni mommy sa'kin pero sa totoo niyan ay alam kung galit na galit na ito sa akin ngayon ng dahil sa pinapakita kung pag uugali lalo't mga bisita ito sa harapan namin.

Wala akong pakialam sa mga bisita nila dahil hindi naman sila ang aking pinunta dito.

"So, anong pag uusapan natin ngayon? ng makaalis na ako dito sa mala empyern*ng bahay." Kumuha ako ng isang buting alak na nasa harapan ko ngayon at nagsalin sa sariling baso.

Tumingin mo na ako sa aking magulang ng magtikhim ito bago inilipat ang aking baso sa bunganga ko.

"You're getting married," walang pagdalawahan pagsabi nito sa'kin na siyang ikinagulat ko ng husto. Nabilaukan ako ng dahil sa aking narinig.

Hindi siguro tama ang narinig ko, na bingi ata ngayon ah!

"Paki ulit nga ang sinabi mo, na bingi lng siguro ako sa pagkakarinig." Kinakabahan na sagot ko sa kanila. Tinignan ko sila ng mariin nagpapahiwatig na ayaw kung pinagloloko ako.

"Ikakasal ka na sa ikatlong buwan." Pag uulit na sabi nito sa'kin na siyang ikinapintig ng mga taenga ko, nag iinit ang aking mukha tandang galit na galit na ako.

Kumuyom ang dalawang palad ko sa sobrang galit na nararamdaman.

Paano nila nagawang ipakasal ako sa taong hindi ko naman kilala, ni hindi ko pa nga nakikita ang taong papakasalan ko.

At ang kapal din naman nilang pakialam ang buhay ko. Hindi nila pwedeng ipakasal na lng ako basta basta sa kahit sinong napili nila sa'kin.

Paanong kung matanda na 'yun? I can't.

"Ipapakasal niyo ako sa taong hindi ko naman kilala, nag iisip ba kayo huh?" Malakas na sigaw ko sa kanila at sinabayan pang tumayo.

"Makikilala mo sa na ang anak ko ngayon kaso mas'yadong busy s'ya ngayon, baka sa susunod na buwan ang pagkikita n'yo." Napabaling ang aking tingin sa taong nagsalita na lng bigla.

Nagtatakang tinignan ko ang isang magandang babae na siyang nagsalita, nginitian ako ito malawak ginantihan ko din ito ng isang tipid na ngiti.

Ibinalik ko ang tingin ko sa mga magulang ko. Hindi ko pinansin ang babaeng nagsalita.

"Bakit hindi na lng 'yan na magaling mong anak ang ipakasal mo?" Turo ko sa kapatid kung tamihik na nanonood sa'min ngayon.

"Total alam kong mas pabor 'yun sainyo dahil siya lng naman ang itinuring n'yong anak. At hanggang ngayon ba naman pinapakialam n'yo pa ang buhay ko? Bullsh-t pati sa kalayaan kong pumili ng taong papakasalan n'yo pinagkait niyo pa sa'kin, anak ba talaga ang turing niyo sa'kin.

Sawang sawa na ako sainyong pinag gagawa niyo sa buhay ko. Halos lahat walang akong kalayaan pumili sa lahat ng bagay." Umiiyak na panunumbat ko sa kanila.

"Anak, 'wag kang magsalita ng ganiyan. Para lng sa ikakabuti mo ang iniisip namin sa'yo."

Para sa ikakabuti nga ba talaga? Pagak akong natawa sa itinuran ng magulang ko.

Tinignan ko silang lahat bago padabog umalis sa harapan nila nagtungo ako sa saksakyan at doon inilabas lahat nang sakit, galit na nararamdaman ko.

"Aaaaaahhhhh bakit ganito. Bakit ganito ang naging takbo ng buhay ko. Ayaw ko na. Nakakawalang kwenta niyong mga magulang. Ang iniisip niyo lng ang sarili niyo." Malakas na sigaw ko habang pinaghahampas ko ang manubela ng kotse ko.

"Pati sa pagpili ko ng taong mamahalin ko pinagkait niyo pa sa'kin." Sigaw lng ako sigaw sa loob ng kotse hanggang sa maibsan ang sakit na nararamdaman ko bago umalis sa mansiyon' minsan ko nang ayaw pumunta dito.

I'M HIS WIFE NOT A SECRETARY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon