Chapter 18

842 25 0
                                    

“Eat, Lara.” Umiling ako sa kaniyang sinabi, ayaw kong kumain ng nandito siya sa harapan ko.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa kong kahihiyan. Nahihiya ako sa kaniya dahil sa katangahan ko.

Nakayuko ako dahil ayaw kong salubungin ang kaniyang mga titig, hindi ko kaya.

Nandito kaming dalawa sa hapag kainan, pagkatapos mag mangyaring pagkahulog ko ay dito niya ako dinala, hindi ako umiimik sa pagpunta namin dito, hindi ko ito magawang tignan ang nakaka akit na mga mata nito.

“I said eat, Lara. Or else I will be the one to feed you, Choose.” Malakas na sigaw nito, nagtitimping nakatingin ito sa akin.

Kinabahan ako kaya dahan dahan kung inabot ang kutsaretang na sa harapan ko.

Nakangusong sumusubo ako. Sabing ayaw ko nga kumain eh. Ang kulit din ng isang ‘to.

Nakakailan subo na ako pero ang isang ‘to ay ni hindi ko nakitang ginalaw ang kaniyang pagkain na nasa harapan niya kaya nag tatakang nag angat ako ng tingin at tinanong ito dahil nakaka ilang ang kaniyang mga titig baka sakaling mawala ang kaniyang atensyon sa akin.

Ang ayaw ko pa naman sa lahat kapag kumakain ako ay ‘yung tinitignan ako nakakailang kasi ang gano’n.

“Bakit hindi ka pa kumakain?” 

“I'm full.” Baliwang sagot nito sa akin na siyang ikinanganga ko dahil sa kabaliwan na sagot nito.

Huh? Ano daw busog na siya? Ni hindi nga ginalaw ang pagkain niya, ni tignan man lng niya ang pagkain na nakahain sa kaniyang harapan ay hindi magawa dahil na sa akin ang kaniyang paningin, hindi ba naman lubayan ang mukha ko.

Naggagandahan na siguro ‘to sa akin kaya gano’n. Ngumiwi ako sa kaniya sabay sabing “Stop staring at me, I might melt.”

Pero hindi nito sinunod ang sinabi ko kaya hinayaan ko na lng, nagkibit balikat ako at nagpatuloy sa pagkain.

Bahala siya diyan kung ayaw niyang kumain, edi hindi. Hindi naman ako ang magugutom kung hindi siya. Bakit ba nga kasi ako nag aalala sa kaniya? Malaki na siya kaya na niya ang kaniyang sarili.

Ay! Sino ba kasing nagsabing nag aalala ako sa antipatikong boss ko? Psh. Napatigil ako sa pakikipag talo sa aking sarili sa aking utak ng biglang may nagsalita.

“You don't remember last night?” He serious asked me without emotion in his face. Hindi na bago ‘yun sa akin. I'm used to it sanay na ako na walang emosyon ito palagi kaya gano’n hindi na ako natatakot sa kaniya, medyo lng pala.

Napa isip ako ano nga ba ang nangyayari kagabi? Wala akong maalala siguro dahil na rin sa kalasingan kaya gano’n, hindi ko sinagot ang kaniyang tanong dahil wala akong maisasagot sa kaniya. Nagpatuloy ako sa pagsubo ng pagkain.

Hindi ko na ito pinagtutunan nang pansin ang sarap kasi ng pagkain, sino kaya ang nagluto nito? Magpapaturo sana ako kung sakali para naman kahit papaano ay may kunting alam ako sa pagluluto.

“Anong ginagawa mo, Lara kanina sa labas ng bintana?” Naibuga ko bigla ang pagkain na sa loob ng bunganga ko.

“I'm sorry, I'm sorry Naduraan kaba? hindi ko sinasadya.” Natatarantang tumayo ako at lumapit sa kaniya at pinag pagan baka kasi natapunan siya ng dura ko.

Nagmamadali  akong kumuha ng malinis na basahan na pwedeng ipunas sa lamesa. Malulha-luha akong binilisan ang pagpupunas.

Narinig ko pa itong nag sabi ng ‘stupid’ Mahina lng ang pagkasabi niya no’n pero dahil dakilang matalas yata ang pang dinig ko ay dinig ko pa rin naman ang kaniyang sinabi.

“Sit now, Lara.” Nagmamadaling bumalik ako sa aking kinauupoan ng biglang nagsalita ito ng napaka lamig. Grabe pinaglihi talaga ‘to yelo. Hindi mas malala pa nga sa yelo eh!

Nang makaupo ay agad kung iniyuko ang aking ulo. Ayaw ko nga siyang tignan. Kung galit siya, galit din naman ako.

Bwesit naman oh! Nakakahiya kana naman, Lara. Ano ba naman kasi ‘yan bakit ‘yun pa ang itinanong niya. Hindi niya ba alam na hanggang ngayon ay hiyang hiya pa ako.

Akala ko nga hindi na siya magtatanong tungkol doon, akala ko papalampasin na niya ayun pala ay hindi. Hays naniniwala talaga sa kasabihan ng ang akala daw ang nakakamatay.

“Ilang beses kitang tinatawag hindi ka sumasagot that time.  Are you deaf now or are you stupid?” Muling galit na saad nito na siyang ikina angat ng tingin ko.

Bingi na nga tapos stupid pa daw ako, hays. Double kill ‘yun.

Ang dami naman ng tanong nitong lalaking ‘to, Hindi ko na nga siya tinatanong kong bakit ako nandito sa bahay niya. Hindi ko pa naman sure kung bahay niya ba talaga ‘to hindi ko pa kasi natanong. Hindi ko din naman alam kung saang lugar ‘to.

“Answer me kung anong ginagawa mo doon.

Lumunok mona ako bago nagsalit. “A-Ano kasi akala ko na kidnap ako kaya naisipang kung gawin ‘yun, ang tumakas.” Pahina ng pahina ang salitang lumalabas sa aking bibig.

“I am more handsome than to become your kidnapper.” Walang halong kayabangan ang kaniyang sinabi pero para sa akin ay nagmumukhang mayabang.

Pero hindi ko naman siya masisi dahil ang gwapo talaga niya sa totoo lng. Pero ang kapal masyado ng mukha, Inikutan ko ito ng dalawang mata ko.

Dinaig niya pa siguro ang artista dito sa bansa. Kahit hindi siya artsista ay pinagkaka guluhan pa rin naman siya sa tuwing lalabas kaya minsan tudo disguise siya kung lalabas para walang makapansin, ewan ko nga kung bakit pinag kakaguluhan.

Bukod sa gwapo na, mayaman din ang isang ‘to kaya hindi na ako magtatakang ang dami kong kaagaw sa kaniya pero hindi ako magpapatalo sa kanila, baka si Lara kaya ‘to.

Hindi ako tumatanggap ng talo mula kahit kanino.

“Stupid reason. Bilisan mo kumain dahil may pupuntahan pa tayo.” Tumayo na ito sa kaniyang pagkaka upo at umalis sa aking harapan.

Aba! Kanina pa siya salita ng salitang stupid sa akin ah! na mumuro na siya sa akin, kaunti na lng uubos na pasensya ko. At ano daw ang sabi niya may pupuntahan kami? At saan na naman ‘yun? Sa pagkakaalam ko day off ko ngayon.

I'M HIS WIFE NOT A SECRETARY Where stories live. Discover now