Di Manlang Sinabi

16 2 0
                                    

Pinangakuan na sa simbahan ang hantungan
Nasanay sa presensiya mong aking tahanan
Ang saya natin na walang kahit anong katumbas
Mundo ko ay biglang gumuho ng ika'y umatras

Mga pangarap mo na gusto mong makamit
Ngunit ang ating paghihiwalay ang siyang kapalit
Bakit hindi ba ako kasama sa iyong pangarap?
Ako ba ay pabigat at nagbibigay lang sa iyo ng hirap?

Isang araw ay walang paalam ika'y lumisan
Iniwan mo ako ng wala manlang dahilan
Handa naman akong makinig pero bumitaw ka agad
Tanong sa sarili ay, ganon ba ako kadaling iwan agad?

Makikita na lamang kita na masaya sa piling niya
Mga pangarap mo ay natupad kasama siya
Bakit sa kaniya kaya mo, sa akin ay hindi?
Sana sa akin ay iyong ipina-intindi

Naalala ko, pasensiya na sa iyo mahal ko
Hindi ko hawak ang buhay na mayroon ako
Sana huwag mong gawin sa kaniya ang ginawa mo sa akin
Naghihirap at nag-iisa sa hospital habang ika'y nasa ibang piling

Hinihintay mo lang pala akong bumitaw
Sapagkat ikaw ay aking iiwan rin balang araw
Sa pagdaan ng oras na kailangan kita
Ay tinutupad mo na pala ang pangarap natin sa iba

Ngayong wala na nga ako sa mundo
Sana tuparin mo sa kaniya ang iyong mga pangako
Hiling ko lang sa Diyos na sana ay maging masaya ka
At magkaroon ka ng masayang pamilya kasama siya

Ang pag-ibig ay sadyang mapaglaro di natin alam kung ito ba ay hanggang dulo pero sana huwag tayong manloko kung nakatali pa tayo, dahil hindi natin alam ang epekto nito sa ibang tao."        
                                                 -bulanxx_zene

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang ABAKADA Where stories live. Discover now