Kahit Di Mo Na Alam

15 5 0
                                    

Nakatulalang nakatingin sa may bintana

Pinagmamasdan ang mga nagniningning na tala.

Tinatanong ang sarili kung anong nangyayari

Tila may iba at hindi mo na ako kayang mapili

Ang iyong mga ngiti na hindi ko na makita.

Ang pagmamahal na tila unti-unting nawawala.

Ang usapan natin na parang yelo sa lamig.

Mga matang kahit ilang segundo ay hindi makatitig.

Oo nga pala hindi na pala ako.

Ako lang itong hindi sumusuko.

Harap-harapan na nga ang panloloko.

Ang puso ko ay matigas pa rin tulad ng bato.

Buntong-hininga ang aking ginawa.

Mahigpit na nakahawak sa aking palda.

Pigil ang luha at tinapos na ang lahat.

Tama na ang parusa sa sarili at palayain ang bigat.

Tama na ang parusa sa sarili at palayain ang bigat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kapag ayaw na, bitaw na. Huwag lunurin ang sarili para lamang sa taong hindi ka kayang piliin at mahalin."
-bulanxx_zene

Ang ABAKADA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon