Alaala

15 5 0
                                    

Nakatayo sa may tulay na tila nawalan ng kulay
Ang kapaligiran na dati ay ramdam ang sigla't pagkabuhay
Ang puso ay sumasabay sa musikang nababalot ng lumbay
Inaalala ang mga maliligayang alaala noong ika'y nabubuhay

Ang mga lantang dahon na nagkalat sa may daanan.
Naglalakad habang bumabalik ang maliligayang alaala na akala mo'y walang hangganan.
Mga ngiti at tawanang hindi na maibabalik kailan man.
Malakas na ihip ng hangin, biglang buhos ng ulan.

Sumilong sa may hintayan kung saan ang unang tagpuan.
Kung saan unang narinig ang boses mong nagbibigay gaan.
Ngunit ngayon ay patak nalamang ng ulan ang napapakinggan.
Mapait na napangiti at pinagmasdan ang naka-ukit nating ngalan.

Ikaw ang isa sa pinakamagandang pangyayari sa aking buhay.
Ang nagturo sa akin kung paano umibig ng tunay.
Ang pangarap man natin ay hindi mo na nahintay.

Mananatili naman ang ating kwento sa aking puso habang-buhay

Mananatili naman ang ating kwento sa aking puso habang-buhay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Ang ABAKADA Where stories live. Discover now