Bugambilya

24 5 0
                                    

Binibining marikit na umiibig
Ginoong iba-iba ang ipinapahiwatig
Sumugal kahit hindi naman sigurado
Ngunit iniwan din lang pala sa dulo

O kay gandang pag-ibig mula una
Tula,sulat at musikang nagbibigay ginhawa
Ipinaramdam ang pag-irog na wagas
Ngunit ito pala ay may wakas

Ang ginoo ay hindi pala sigurado
Nararamdaman ay hindi daang porsyento
Sapagkat puso ay nadagit agad ng iba
Habang siya'y umaasa, nahanap na pala sa iba ang ligaya

Naghintay ang kaibig-ibig na bugambilya
Ngunit mapait nga naman talaga ang tadhana
Nasagot na ang kaniyang mga katanungan at sana
Sa kaniyang pagdayo sa ibayo ay nakita

Ang ginoong iniibig ay
Maluha-luhang hinihingi ang kamay
Ng isang marikit at sa mga mata nila'y tunay na pag-ibig
Gulong-gulo ang isip at kaniyang mata'y nanubig

Hakbang patalikod at siya'y lumisan
Dalisay na puso ay malalim na nasugatan
Una't totoong pag-ibig ay napakasakit
Isang malumbay na kwento ang kaniyang sinapit

Naglakbay at dinala ng kaniyang mga paa
Sa Mayon kung saan nawawala ang mga masakit na alaala
Nagpaubaya at nangakong hindi na luluha pa
Nakangiting nakamasid sa bulkan ang binibining bugambilya


"Ang pag-ibig ay hindi laging masaya. Dadaan at dadaan pa rin sa mapait at masakit na tadhana."
-bulanxx_zene

Ang ABAKADA Where stories live. Discover now