Ako Naman Muna

36 5 0
                                    

Salitang ako ang laging nasa huli
Laging sila muna bago ang sarili
Hindi namamalayan na habang sila'y pinupuno
Ako pala ay unti-unting nagiging pira-piraso
Minsa'y napapa-isip kung may puwang ba ako sa mundo

Parang spongha na pinipiga-piga
Hanggang sa ako ay walang-wala
Ang punong matatag at madahon
Mga daho'y nalaglag at mahirap ibangon
Ako'y parang isang manika na nakalagay lamang sa kahon

Ang alon na dinadala ako sa kawalan
Ako'y nakatingin lamang sa kalangitan
Sa aking pag-iisa ay napagtanto
Bakit makikinig sa mundo kung may Diyos at ako
May hiram na buhay at may sarili ring kwento

Huwag hayaang nakawin nila ang iyong pangarap
Pasan mo man ngayon ay walang hanggang hirap
Darating ang araw na makakamtan mo rin ang alapaap
Huwag mong hayaang mawala ang sarili para sa iba
Karapatdapat ka sa anumang pagpapala mula sa Ama

Dahan-dahan sa iyong mga hakbang
Tungo sa plano ng Diyos na naka-abang
Sa paglalakbay ay lagi mo Siyang kasama
Tama na ang pag-aaksaya at piliin ang sariling ligaya
Tumingin ka sa salamin at sabihing AKO NAMAN MUNA

Dahan-dahan sa iyong mga hakbangTungo sa plano ng Diyos na naka-abangSa paglalakbay ay lagi mo Siyang kasamaTama na ang pag-aaksaya at piliin ang sariling ligayaTumingin ka sa salamin at sabihing AKO NAMAN MUNA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Hindi mo man naiintindihan ang mga nangyayari ngayon. Darating din ang tamang panahon at ikaw ay aahon mula sa naglalakihang mga alon."







Ang ABAKADA Where stories live. Discover now