Me plus You

768 12 4
                                    

Engfa's POV

Kanina pa ako palinga linga sa labas ng simbahan. Hinahanap ko yung kaibigan kong nanay ng batang aanakin ko ngayon sa binyag.

Nag chat ako ulit sakaniya.

Nudee? Hello! Asan kayo?

Napakaraming tao sa labas ng simbahan mejo mataas na rin ang araw at kahit na manipis ang white na button down na suot ko eh ramdam kong pawis na ako.

The introvert in me already wanted to go home and watch Netflix.

Aatras na sana ako at uuwi nung may kumalabit saakin.

"Mars, kanina ka pa ba? Nandun sila sa gilid. Tara."

Si Mew. Asawa ni Nudee. Nakahinga ako ng maluwag nung makita ko siya. Tumango ako bago naglakad kasabay niya.

"Busy si Nudee kaya baka di niya nababasa mga chats mo."

Sabi niya. Tumango lang ako ulit tapos ngumiti ng kaunti.

Nakita ko kaagad si Nudee habang karga karga ang baby boy niya na mukhang nagtatantrums na sa sobrang init. Nagmamadali siyang lumapit saakin nung makita ako tapos bumeso.

"Fa! Naku. Kanina ka pa ba? Halika muna rito umupo ka muna kasi di pa tayo makapasok. Sobrang dami kasi ng nagpapabiyan ngayon."

Sabi niya. Tinapik ko lang siga ng mahina sa braso bago ngumiti.

"Okay lang ako. Don't worry."

Sabi ko. Sinamahan nila ako sa isa sa mga upuan na gawa sa kahoy na nandun tapos umupo sa magkabilang side ko.

"Uy siya nga pala, pakilala kita sa mga kumpare at kumare mo. Win! Win! Dali halika!"

Sigaw ni Nudee sabay kaway sa isang lalaking naka puting polo shirt at black na denim pants. Maputi, matangkad tapos mukhang malinis. Lumapit ito at ngumiti sakin.

"Win, this is my best friend, Engfa."

Pakilala ni Nudee sakin. Nag smile naman si Win sakin tapos nilahad ang kamay. Kinamayan ko siya. Lambot ng kamay ah. Mukhang laki sa layaw.

"Hi."

Tipid kong sabi bago bawiin ang kamay ko.

"Hello, Engfa. Nice meeting you."

Sabi ni Win. Siniko ako ni Mew sabay nguso sa dalawang babaeng papalapit.

Parang mga super models.

Yung isa mukhang may lahing american or european. Naka lugay yung super shiny niyang black hair. She's wearing a simple white top and emerald green na trousers na bumagay sa suot niyang white na sneakers.


"Best friend ko yan. Si Heidi."

Bulong sakin ni Mew habang kumakaway sa dalawa. Agad namang nila kaming nakita. Nakaramdam ako ng tensyon at kaba nung nasa harap ko na sila.

"Fa, Win, this is my best friend Heidi and her partner, Charl."

Pakilala ni Mew. Si Heidi yung katabi nung magandang babaeng black ang hair na Charl daw ang name. Pareho silang maganda pero kakaiba talaga dating ni Charl sakin.

"Hi."

Bati nila saamin sabay kamay. Sobrang lambot ng kamay nila pareho. Pero may parang kuryenteng dumaloy sa katawan ko nung nakamayan ko si Charl. I smiled at her and she smiled back.

May sinasabi pa sila pero hindi ko na maintindihan tapos maya maya nagbabye na at umalis.

"Huy. Laway mo tumutulo."

ENGLOT ONE SHOTSWhere stories live. Discover now