Hindi na niya hinintay pang magsalita si Clarence ay dumiretso na siya sa comfort room. Hawak-hawak niya ang dibdib niya pagpasok sa loob. Tumingin siya sa salamin saka bumuga ng hangin.

"Whoa!" sigaw niya saka marahang pinagsusuntok ang dibdib niya para kumalma siya.

Mahal? Endearment na namin iyon?

Huminga siya nang malalim. Nang mahimasmasan na siya ay lumabas na siya ng comfort room. Natigilan siya nang salubungin siya nina Lina at Olivia. Hinawakan ni Olivia ang braso ni Mari at hinila ito papunta sa staircase kung saan walang tao.

"Anong nangyari? Kayo na?" kilig na tanong ni Lina.

"Uhm... parang gano'n na nga."

Tumili ang mga ito at napatalon habang nag-aapiran ng mga kamay.

"Teka. May nangyari na ba sa inyo?" pabulong na tanong ni Olivia.

Napabuga ng hangin si Mari saka umiling siya.

Humaba ang nguso ng mga kaibigan niya. Nag-puppy eyes pa ang mga ito.

"Wala. Walang nangyari sa amin. Pero..." Mas lalong nilakasan ng dalawa ang pandinig nila. "...nakita ko kasi, e."

Humigit ng paghinga ang mga kaibigan niya.

"N-Nakita mo ang sandata?!" pasigaw na gulat na tanong ni Lina.

Agad namang tinakpan ni Mari ang bibig nito. "Shh. Oo. Nakita ko nga. Pero aksidente lang iyon." Nilayo ni Mari ang kamay niya. "At walang nangyari sa amin."

***

MAG-ISANG nilagok ni Kate ang pangatlong bote ng vodka habang nakaupo siya sa harap ng swimming pool. Hindi niya matanggap ang naging kapalaran niya kay Clarence. Tuloy na raw kasi ang inauguration ni Mari bilang CEO ng Harrington Group bukas. At wala siyang magagawa roon.

"This bullsh*t life!" aniya nang maubos ang laman ng vodka saka hinampas ito sa lamesa.

Pilit na nilalabanan ni Kate ang pag-ikot ng paningin niya. Lasing na siya pero gusto pa niyang uminom.

Binaliktad niya ang hawak niyang beer, hinahanap ang laman.

"Wala na bang stock ng vodka, Yaya?" sigaw na tanong niya para dinig siya nito sa loob.

Walang sumagot kaya tumindig siya kahit hilong-hilo na siya. Mas lalong umikot ang paningin niya habang naglalakad siya papasok sa loob para hanapin ang kasambahay.

"Yaya? Where are you? Kailangan ko pa ng vodka..."

Nanghina bigla ang mga tuhod niya dahilan nang matumba siya papuntang sofa. Sumikip ang dibdib nang maalala ang mangyayari bukas. Humikbi si Kate. Nilabas niya lahat ng hinanakit niya.

Bumaba si Silvana para sana uminom ng gatas nang makita niya si Kate na umiiyak.

"Kate!" gulat na sigaw niya nang lapitan ang anak. "Oh my goodness! Get up, Kate! Sa kwarto ka na matulog, not here!"

Inalalayan ni Silvana na bumangon ang anak. Hinayaan naman ni Kate na gawin ng iyon ng mommy niya.

"Mom... wala na bang pag-asa para mapigilan ang inauguration ni Mari bukas? Hindi ko matanggap... hindi ko matanggap na magiging CEO siya. Ikamamatay ko iyon!" naiiyak na sabi ni Kate habang ang nakikiusap ang mga mata niya.

Huminga nang malalim si Silvana. "Wala akong magagawa, Kate. Board of directors na ang nag-decide."

Tinulak ni Kate si Silvana. "No! Mas pinili niyo ang kompanya kasya sa akin. Mas mahalaga naman kasi kay dad ang Harrington Group, e!"

Nagtungo si Kate sa kusina. May kung anong hinahanap siya roon. Sinundan naman siya ni Silvana. Nanlaki ang mata niyang makitang hawak na ng anak niya ang isang matalim na kutsilyo.

"KATE! WHAT ARE YOU DOING?!" galit na sigaw ni Silvana na may halong takot sa nakita niya.

Inunat ni Kate ang braso niya. "Stop right there!" aniya habang tinututok ang talim sa mommy niya saka tinapat niya sa pupulsuhin ng braso niya.

"Don't do that, Kate! Makinig ka sa akin! Please!"

"Bakit? Pinakikinggan niyo rin ba ako? Di ba hindi? So stop right there or else... or else I'll die in front of you!" pagbabanta ni Kate kaya imbis na lumapit si Silvana ay nakatayo lang siya sa harap ng anak niya.

Bumaba si Robert dahil sa naririnig niyang ingay. Nang makita niya ang nangyayari sa kusina ay sumigaw siya ng, "KATE! STOP IT!"

Bumuhos ang luha ni Kate nang makita niya si Robert. Umiling pa siya habang humihikbi. Dinapo na niya ang talim sa pupulsuhin niya.

"Hindi naman ako mahalaga sa inyo, hindi ba? Alam niyo naman na I can't leave without Clarence. Parang unti-unti niyo akong pinapatay dahil sa ginagawa niyo!" naluluhang protesta ni Kate.

"Tama na, Kate. Please," wika ni Robert habang umiiyak naman si Silvana sa takot.

Tumungo si Robert kay Kate para pigilan ito. Pero huli na nang tuluyang mahiwa ng kutsilyo ang pupulsuhin ng anak. Dahil sa lakas ng agos ng dugo ay biglang nanghina ang katawan ni Kate saka siya bumagsak sa sahig.

"KATE! OH MY GHAD!" iyak na sigaw ni Silvana.

Agad na binuhat ni Robert si Kate at nagmadaling puntahan ang garahe ng sasakyan niya. Kasama si Silvana nang pumasok sila sa kotse para dalhin si Kate sa ospital.

Samantala, masayang kausap ni Clarence si Mari habang hinahatid niya ito pauwi. Biglang nag-ring ang cell phone niya. Dahil nagmamaneho siya ng kotse ay si Mari na lang ang sasagot sa tawag.

Nanlaki ang mata ni Mari nang makita ang pangalan ng madrasta niya sa screen ng cell phone.

"Tumatawag si mommy sa'yo. Sasagutin ko ba?"

Nagdalawang isip pa si Clarence bago siya sumagot. Pero minsan lang siya nakakatanggap ng tawag kay Silvana, baka importante ito.

Tumango si Clarence. "Sagutin mo, naka-connect naman iyan sa bluetooth," tugon niya kaya ini-slide right ni Mari iyon.

"Hello, Tita? Napatawag kayo?"

Kumunot ang noo nila nang marinig ang pag-iyak ni Silvana sa kabilang linya.

"What's going on? Bakit umiiyak kayo?"

"Clarence... K-Kate needs you. She's dying right now. She needs your blood."

Napahinto ng sasakyan si Clarence nang marinig iyon. At nagkatinginan sila ni Mari.

###

Please take note that this novel will be self-publish soon this year. Kung gusto niyo ng copy, please join our FB group "Ziellanes Stories (Ziesters)" for my announcement ❤️ Thank you 🤗

You May Now Kiss The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon