CHAPTER 5: Old Feeling

127 3 0
                                    


Pilit na ngumingiti ako sa mga bisita na dumarating. Karamihan sa kanila ay matatanda na at mga kakilala nina Mommy at Daddy pati na rin ni Tiya Rita sa San Cristobal. Kaarawan ni Tiya Rita at nagpahanda ng handaan ang mga magulang ko. Hindi ko rin inaasahan na gagawa ng ganitong handaan. Inaasahan ko na isang simpleng family gathering lamang iyon. Noong nasa ibang bansa kami ay napaka-pribadong tao ng mga magulang ko. Pero sabi nga ni Daddy, si Tiya Rita ay madaming kaibigan at kakilala sa San Cristobal.

Napalingon ako sa may dining room kung saan may buffet table roon at nakatayo sa may gilid sina Mommy at Daddy habang kausap ang ilang bisita. Si Tiya Rita naman ay masayang nakikipag-kwentuhan sa mga kaklase nito noong high school. Halatang masayang-masaya si Tiya. Kanina ay nag-overseas call si Ate Jenna para batiin si Tiya. Nang makausap ko ito ay tinatanong ako kung kumusta na ako. Alam ko na gusto na rin ni Ate na sa Pilipinas tumira, kaso ay nag-aaral ang dalawa kong pamangkin at maganda ang trabaho ng asawa nito.

Natigilan ako nang mag-ring ang nasa likod ko na cellphone. Agad na kinuha ko iyon at nang makita na si Rian ang nasa caller id ay magalang na nagpaalam ako sa mga bisita na nasa sala at mabilis na tinungo ang veranda ng lumang bahay ni Lolo.

"Rian? Asan na kayo ni Kier?" Bungad ko nang marinig ang tinig nito sa kabilang linya.

"Jessie! I am so sorry nasa SLEX pa kami. 'Tong si Kier kasi ang bagal-bagal sinabi nang huwag nang sagutin ang tawag ng boss niya eh! Ayan napa-meeting tuloy," paninisi nito sa boyfriend. Narinig ko ang tinig ni Kier sa background na humihingi ng pasensya. Pinapagalitan pa ito ni Rian. I looked at my watch. It's already four in the afternoon. Any time soon, bibigat na ang traffic sa SLEX dahil Sabado ngayon.

"You should hurry. Aabutan na kayo ng traffic," sabi ko na lamang. Napatingin ako sa loob. Marami pa rin bisita at tanging ako lamang ang walang makausap dahil halos hindi ko naman kilala ang iba na matatanda sa loob. Maliban sa kapitbahay namin na siyang tumulong sa ilang araw na lamay sa Lolo.

"Marami bang bisita si Tiya Rita?" tanong ni Rian sa kabilang linya nang matapos na ito sa paglitanya kay Kier. Na as usual ay natatahimik na lamang kapag hindi na tumitigil si Rian sa kakasalita.

"Oo. At hindi ko naman sila kilala. Ako lamang ang walang kausap dito. Tapos ang tagal n'yo pa."

Natawa ang nasa kabilang linya. "Pasalamat ka kamo at hindi ka tinatanong bakit hindi ka pa nag-aasawa." Binuntunan iyon ng tawa.

I sighed in defeat. She was right. One of them asked me if I was married or if I have kids. Sigurado susunod na iyon na ang itatanong.

"Don't worry, alam ko nasa San Cristobal na si Kuya. Malamang pupunta siya dahil siya mismo ang nagbanggit sa akin na may handaan sa inyo dahil birthday ni Tiya Rita. Teka, tatawagan ko para---"

Pakiramdam ko nabingi ako sa sinabi ni Rian sa lakas ng naging tahip ng dibdib ko. At kung bakit naman biglang nag-angat ang tingin ko at nakita ko ang lalaki na paakyat ng veranda. My heart even thumped faster as I saw him smile sa ilang matanda na bumati sa kanya. If Rigs captured my young heart then because of his serious look and charming eyes, it surely can kill me with his smile. I stared at him for a few seconds as he listened and laughed at the old woman who was kidding him.

"Are you listening? Jessie?!"

I swallowed hard as I heard Rian's voice from afar. And then he looked up and his smile slowly faded as he saw me staring at him. I wanted to wet my dry lips as his gaze penetrated mine. My hands were sweating and I felt I hardly breathe at all. As if I were in a dream, I saw how he politely excused himself with the old woman without removing his gaze from me. I felt the urge to run away from where I stood.

Asan na ang tapang mo, Gabriela?


"He---He is here, Rian. I--I have to go. He is--"


I was stammering and felt like a fool when I heard Rian's laughter at the background and urging me to calm down. Telling me his brother is no Tom Cruise para ako magkandautal.

But he didn't need to be a Hollywood actor to make me feel like this. He had the same effect on me fifteen years ago. I guess it didn't change after fifteen years.

Not at all.

ONGOING PREORDERING WITH FREE VVIP ACCESS

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



ONGOING PREORDERING WITH FREE VVIP ACCESS

📌 Year 2024 new preordering in hardbound bundle
📌 PROMO form is available until January 31 ONLY
📌 REGULAR PREORDERING after January 31
📌 FULL PAYMENT/INSTALLMENT
📌 SOLD AS BUNDLE only (With You Softbound/Hardbound)
📌 AVAILABLE IN VVIP 2 membership

E-book at www.nobelista.com

To inquire: www.facebook.com/mechanicladypublication

A Mistaken Love Affair (2018)Where stories live. Discover now