28. Birthday Boy's Request

6.9K 280 21
                                    

CHAPTER TWENTY-EIGHT

Just like what Gotham has promised, he purchased the surrounding land of my brother's small lot. Sinimulan na ang pagtatayo ng mansyon sa permiso ko. I was asked what design I wanted.

Ang tanging gusto ko lang, iyong mae-enjoy ng kapatid ko kung nabubuhay pa siya. At magugustuhan ni Voight. Hinayaan kong ang bata ang pumili ng mga desenyo na gusto niya.

Nagising akong mayroong dalawang pares ng matang nakaantabay sa pagtulog ko. Nakaupo ang dalawa sa gilid ng kama.

Voight's eyes lit up seeing I opened my eyes.

"What are you two doing?" I asked them. "Why are you looking at me like that?"

"Mommy, we made you b-breakfast! We're w-waiting for you to wake up."

Ibinuka ko naman ang aking kamay para sa isang yakap. Agad siyang yumakap sa akin.

Gotham also went to hug me. Napangiti ako.

Natutuwa akong gumising sa bawat umagang sila ang natutunghayan ko. Hindi na ako gaanong malungkot. Bahagyang nagkaroon ng panibagong kulay ang aking buhay.

"Can I have a few more minutes?" I closed my eyes again.

"Take your time, sweetheart."

"Mommy, daddy, I'm sandwiched!" Voight exclaimed.

Kumalas naman si Gotham para makahinga ang anak naming nagrereklamo. Ilang minuto nila akong hinayaang humiga bago bumangon. Our breakfast was ready.

Simula noong nabaril ako, hindi na nila ako halos pagalawin sa kusina. I already recovered. Magaling na magaling na ako, tanging bakas na lang sa balat ang naiwan ng trahedya.

S'yempre, kailangan ko ring gumalaw at mag-ehersisyo para manumbalik ang aking lakas. Isa pa, gusto kong ipagluto si Voight ng mga paborito niya.

Eating together was part of our daily routine.

Hindi p'wedeng hindi sabay sa pagkain lalo na kapag wala namang work si Gotham. Mas madalas siyang lumagi sa bahay, marami na siyang pera, hindi na niya kailangang magtrabaho.

We were spending more time with each other. Sinusulit namin ang mga araw na gusto pa ni Voight na makasama niya kami.

Pagkatapos ng agahan nagpaalam ang dalawang may bibilhin ang mga ito, mayroong laruan na namang nagustuhan ang batang makulit. They were going to the mall to buy it.

Hindi na ako sumama dahil balak kong maglinis ng mansyon. I was going to clean my brother's room for the first time.

At saka, minsan lang naman lumabas ang mag-ama ng silang dalawa lang. Kailangan din nila ng bonding time.

Voight promised to buy me a pasalubong on their way home. I didn't say anything specific but I wanted some chicken in a fast food restaurant and ice cream. Lately, I've been craving ice cream.

Ilang beses akong huminga nang malalim, tumapat ako sa kuwarto ni Russle. Hindi ko matandaan ang huling ayos niyon. Minsan naglalaro din si Voight sa kuwarto ng kapatid ko.

Pinihit ko ang seradura ng pinto.

When I opened the door, I was overwhelmed with feelings. Humakbang ako papasok, hindi naman iyon gaanong makalat gaya ng inaasahan ko.

Inilapag ko ang kandila sa bedside table niya at sinindihan iyon. Kinuha ko ang isang picture frame na nakalagay sa table, pinagmasdan ko ito habang naupo ako sa gilid ng kanyang kama.

It was us.

Ako, si Gotham at ang kapatid ko.

The other frame had a picture of him and Voight. There was also a picture of us in the cruise ship together with his classmates. Iyon ang huling beses namin sa cruise ship at ayaw niyang umalis pa.

Guarded ✔ (Alpha Sigma Omicron #5)Where stories live. Discover now