1. Weakness Detected

13.9K 346 60
                                    

CHAPTER ONE

"Miss, may size six ba kayo nito?" tanong ko sa cashier.

Abala ang lahat ng tauhan ng malaking tindahan sa ibang namimili. Linggo ngayon kaya maraming tao sa mga pamilihan. Tumingin siya sa akin ng ilang sandali bago umalis sa harap ng counter upang kuhanin ang size ng sapatos na hinahanap ko.

Binuksan ko ang bubble gum at nginuya ko sa aking bibig. Luminga ako sa paligid, nahagip ng aking mata ang CCTV camera. Kumindat ako rito.

I kept my cool. Tumalikod ako sa harap ng mapagmatyag na camera at pasimple kong inabot ang kaha ng pera. Kumuha ng ilang lilibuhing salapi. Naghintay pa ako ng ilang minuto sa harap ng counter ng walang nakakapansin sa ginawa ko.

Mabilis akong tumungo sa dressing room. Kumuha ako ng damit sa nadaanan ko rack na may iba't ibang klase ng dress.

Ibinaba ko ang suot kong jeans at panty nang makapasok ako ng dressing room. Tinupi ko ang pera, siniksik ko iyon sa tinahi kong sisidlan sa bandang pundya. Agad ko itong itinaas ng may kumatok sa pinto.

I opened the door, it was the sales lady.

"Hindi kasya," patungkol ko sa damit. "Itong sapatos na lang ang kukuhanin ko."

Umabante ako patungo sa cashier lane. Inilabas ko ang saktong pera sa bulsa para bayaran ang sapatos. Nginunguya ko pa rin ang bubble gum sa aking bibig ng ilapag ko ang pera sa counter.

Agad kong napagmasdan ang guard na malapit sa gilid. Ngumisi ako matapos bayaran ang sapatos na binili ko para sa aking kapatid.

Hinarang ako ng guwardiyang babae ng maiabot sa akin ng cashier ang supot.

"P'wede ko ho bang makita ang inyong bag, miss?"

Tumaas ang kilay ko. "Anong meron?" maang-maangan ko.

Umirap ako sa ere at ipinakita ang pagkainis ko. Sumunod ako sa sinabi ng babaeng guard, binuksan ko ang bag kong dala. Hinalughog niya ang gamit ko, wala itong napala sa dala kong bag.

Sinong tanga ang maglalagay ng ninakaw sa bag niya? Supot ng pagkain ang nakalagay sa bag ko.

"Tapos na?" Sumimangot ang aking ekspresyon.

Nagpatuloy siya sa pagkapkap sa aking katawan. Pinasadahan niya ako mula balikat hanggang paa.

Tumikhim ang babae. "Pasensya na po, ma'am. Protocol lang po." Muli kong isinukbit ang bag ko at naglakad palayo.

Iniluwa ko ang bubble gum at itinapon sa basurahang nadaanan. Isinilid ko ang kamay sa aking bulsa habang dinadama ang malamig na bagay. Bukod sa pera, nalikot din ng kamay ko ang alahas sa kamay ng guwardiya.

Pasipol - sipol akong sumakay ng jeep. Nag-abot ako kay manong ng tamang pamasahe. Hangga't maaari, hindi naman ako nanlalamang ng kapwa mahirap. Mahirap na nga, gugulangan ko pa. Siguro iyon na lang ang natitira kong prinsipyo, kung prinsipyo itong maituturing.

Bumaba ako sa tapat ng makipot na eskinita, madilim at wala halos ilaw. Hindi ako marunong matakot kalakarang kinalakihan ko. Nagkaisip at lumaki ako sa ganitong sitwasyon. Hinding - hindi ako masisindak ng kadiliman.

Naabutan ko pa sa labas ang mga tambay na lasinggero.

"Uy, Agnes! Tagay muna!" Lumapit ako at pinaunlakan ang isang baso ng gin.

"Isa lang, may naghihintay pa sa akin sa bahay."

Tumawa ang mga ito. Mabilis kong tinungga ang alak para makaalis din ako agad. Nagpaalam ako sa mga tambay ng lugar, binilisan ko na ang lakad ko patungo sa maliit na apartment.

Guarded ✔ (Alpha Sigma Omicron #5)Where stories live. Discover now