"H-huh? What do you mean?" zion looked at me blankly.

Pa-irap itong umiling. "Wala. Sabi ko ang harot mo. Bawal 'yan huy, labag sa batas ang magkaroon ng relasyon sa propesora." kibit balikat niyang sambit na ikinaawang ng bibig ko.

"What the actual fuck—!"

"Leatherson! Go to the detention room!" imbes na sumagot ay tumayo na ako sa inuupuan at pinanigkitan ng mata si zion. Pero tangina, pinakyuhan lang niya ako ng patago. "One!" pagbibilang ni miss. "Two!" patuloy pa din ito sa pagbilang.

Humarap ako sa propesora matapos kong irapan si zion. "Three." pagsasakay ko kay ma'am na kaagad kong pinagsisihan. Mabilis akong lumabas sa luob ng silid bago pa man niya ako mabato ng eraser.

That girl, ugh. Lagot lang talaga sa akin ang gagong 'yon. Asa siya, hindi ako pumapatol sa mas matanda sakin no. At tulad ng sinabi ni ma'am, dito ako dumiretso sa detention room.

Walang pasintabing binuksan ko ang pintuan na hindi kumakatok. Sumalobong sa akin si Miss. Alvarez at President. Alfonso. Bakit siya nandito? Kaya pala siya wala kanina sa room.

Nagtaka ako nang umiwas ito nang magtama ang mata namin. Hindi din nakaligtas sa paningin ko ang pagpula ng magkabilang pisngi niya. Dalawa kaya ang aircon dito, imposibleng naiinitan siya.

"Why are you here Leatherson?" taas kilay na tanong ni Miss. Alvarez. "It's my first time." ha? First time niyang ano? na makakita ng pretty handsome? Well, pogi naman talaga ako.

"Stop being so mahangin, Leatherson. I mean, first time kong makita ka na pumasok dito." natatawa niyang sambit na hindi ko pinag-tuunan ng pansin. Tumuloy ako ng pasok sa luob saka umupo sa couch. "Anyway, bakit ka nga ba nandito?" umiba ang timpla ng mukha niya. Kung kanina ay malawak ang ngiti nito, ngayon hindi na.

"I shouted." sagot ko.

"What—"

"Tita. Nagmamadali ako." putol sa kanya ng pamangkin niya. Yes, magtita silang dalawa. "Daddy needs me right now." dagdag nito. Sa pananalita nito ay hindi mawawala ang pagkasungit niya.

"I don't have my key, theya. And about your father. May pakialam ka pa pala sa kanya." hindi ako chismosa. Sayang narinig ko lang. May ear ako eh.

"He's still my father."

"Alright." tumingin sa gawi ko si Miss Alvarez. "Can you come with her?" nakangisi niyang tanong. "Nasa hospital ang daddy niya. Pero hindi niya dala ang kanyang kotse. Can you drive her?"

namula ang pisngi ko.

"Tita—"

"I mean, pwede mo ba siyang ihatid?" tipid akong ngumiti sabay tango. "Thank you, Paris. Mabuti nalang talaga at na detention ka." and then she winked.

"Tita, I can—"

"Wala kang dalang kotse hindi ba? Then go with her." wala ng nagawa si dar-este si monster kundi ang tumayo. Masungit niya akong inirapan saka niya ako nilagpasan.

Bumaling ako ng tingin kay Miss Alvarez. She looked at me with an apologized look and i just nodded.

Sinundan ko si theya kung saan mang lupalop siya naruon. "Wait!" sigaw ko dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. Humarap siya sabay cross arms. Shit. Kailan ba papangit ang isang to? Bakit ang ganda niya?!

MOON NIGHT (GXG)Where stories live. Discover now