CHAPTER 11

166 14 6
                                    

"AGAIN!!... ATTENTION TO ALL TEACHERS!! PROTEKTAHAN NINYO ANG MGA BATA!! DAHIL PINASOK TAYO NG MGA UNDEAD SOLDIERS!!." Sabi nung boses na hindi ko malaman kung saan galing.

Nang marinig ni miss minerva ang anunsyo ay bigla niyang binuksan ang pintuan at aakmang lalabas para tingnan ang ibang room pero nagulat nalang siya nang may napakaraming mga bangkay na kunti nalang ang balat at magiging buto na ang nag daanan sa labas, kaya agad rin niyang sinara ang pinto.

"Mia!! Maging isa kayo ng dolphin mo at proteksyonan mo sila sa female knight form mo!" Pag uutos pa ni miss kay mia.

"Ikaw naman hazel at josh, kayo ang mag silbing a-assist kay mia." Dagdag pa niya.

"Ikaw aiko, gamitin mo si dragu para pagalingin ninyo ang isa't isa!" Sigaw ni miss minerva at hindi na hinintay ang sagot namin dahil agad na siyang lumabas sa A5 Room para makipag laban kasama yung paniki niyang naging Succubus elves vampire form.

"Teka!! Ano ba ang nagyare!?" Tanong ni mia at dali daling inutusan ang dolphin na magiging water armor.

"Ewan, baka mga kalaban natin yan." Sagot ni josh at ang salamander niya ay nasa balikat lang niya.

Magsasalita sana ako pero biglang gumalaw yung buto na may sout pang armor.

"Buhay ba yan?" Sabi ni hazel.

"Siguro, kasi gumalaw eh." Sabi ni josh.

Agad na bumangon ang buto, pero nahihirapan siya kasi kulang ng isa ang paa niya.

"Isa siguro yan sa mga undead na nasa labas." Sabi ko.

Umiling lang yung lalaking kulay orange ang sout at napansin kong may maliit siyang tiger sa balikat.

"Hindi, ma'aaring kasama yan mga sa undead soldiers pero isa yang skeleton, magkaiba ang undead at siya." Sabi nung lalaki.

Napansin kong may wand siyang dala, at tinaas niya ito.

"DARK ELEMENT: Circle oath!!" Sabi niya at dito nga ay biglang may itim na bilog at lumipad ito patungo samin.

"Ilaaagg!!" sigaw ni mia.

Umilag kaming lahat at tinignan ko yung pader kung saan tumama yung magic niya at nagulat nalang ako dahil umuusok yung mga matatamaan nito.

Dahil dun ay lumapit si mia sa skeleton, pero hindi siya makalapit dahil tira ng tira yung skeleton ng magic.

"Umalis ka mia!" sigaw ni josh at dito nga ay binugahan ng salamander niya yung skeleton ng apoy.

Pero wala na itong balat at puso kaya hindi makakaramdam ng sakit ang skeleton mage na yun at hindi p mapapaso sa apoy.

"DARK ELEMENT: Rapid Circle oath!!" ganting atake niya at napakadaming mga itim na mahika ang nag kalat sa ere.

"Matunaw kayo!!" Sigaw ng skeleton at tinira niya yung mga itim na bilog.

At dahil nasa loob kami ng room ay limited lang ang kilos namin at maliit lang yung lugar.

"Panther!!" Sigaw ni hazel dahil matatamaan na sana siya ng magic pero biglang lumaki yung alaga niya at dini-depensahan siya nito.

Agad kong pinapalipad si dragu sa malaking pusa na yun at hini-heal naman niya.

Dahil hindi makalapit si mia ay bumalik siya sa normal niyang anyo at inutusan niyang bumuga ng tubig yung dolphin.

Binugahan naman nung dolphin kaso kulang pa sa lakas at tumilapon lang yung undead sa pader tsaka naupo.

Walang epekto ang magic ni salamander at dolphin, tsaka yung maitim na malaking pusa ay may sugat pa. Kaya naisip ko kung titirahin ko ito gamit ang physical ay baka may chansa pa.

Pero paano naman? Hindi nga nakalapit si mia na nasa female knight water form, ako pa kaya na walang wala?

Habang tinitigan ko yung undead ay may napansin akong umiilaw sa loob ng armor niya, doon mismo sa bandang dibdib.

Ewan ko lang kung ano yun, pero di kaya kino-kontrol lang ang mga bangkay nato?

Hahang nag iisip ako ng strategy ay biglang sumugod yung lalaking kulay orange ang sout na nakasakay sa ibabaw ng tiger niya.

"Aiko!! I-aassist kita! Gamitin mo ang physical na lakas mo para suntukin mo yung umiilaw sa dibdib!" Sabi niya.

Agad akong sumugod palapit sa skeleton na'yun.

"DARK ELEMENT: Circle Oath!!" Sabi niya.

Agad na may nagsilabasang mga itim na bilog at tumama ito sa katawan ng tiger, dahilan para mapahinto ito sa kakatakbo.

At dahil malapit na siya sa skeleton ay kinuha ko ang chansang yun para dumaan sa likod ng tiger at makalapit sa kanya.

"Ikaw na ang bahala aiko!!" Sigaw niya.

Nang makalapit na ako sa kanya ay aakmang mag ka-cast siya ng spell pero huli na ang lahat, nakalapit na ako.

"Okay!!" Sagot ko at sinuntok ko yung dibdib niya sa pinakamalakas kong tira kahit may armor pang nakaharang sa harap niya.

"Kyaaaahhhh!!!" Sigaw ko at dito nga ay tumaob ang kamao ko sa armor na yun at natamaan ko ang dibdib niya.

"Aaaarrggghhh!!!!" Sigaw ng skeleton at biglang nawala ang itim na ilaw sa dibdib niya.

Agad akong nablanko, tsaka hindi ko na maramdaman ang mga hinlalaki ko sa kamay dahil sa sobrang lakas ng pagkakasuntok na yun ay biglang nagsi-basagan ang mga buto ko at nabali pa yung iba.

"Yeeyyy!!!" Sigaw ni hazel.

"Natalo natin!" Dagdag pa ni josh.

Nakatayo lang ako habang yung isa kong kamay ay nakahawak sa kamay kong nakalaylay dahil sa mga butong nabasag.

Naramdaman yata ni dragu na kailangan ko ang tulong niya kaya agad siyang lumipad papunta sakin na ipinagtaka ni hazel, dahil hindi pa gumaling ang pusa niya.

Nang makalapit na sakin si dragu ay agad niya akong hineal at ako naman ay nakatayo lang samantalang nakatingin sakin sila mia.

"A-aiko!! Okay kalang!?" Sigaw nung lalaking naka orange.

Ngumiti lang ako at sumagot.

"Oo, nabasag lang ang iba kong buto dahil sa armor niyang napakatigas. Pero wag kayong mag alala dahil e'hi-heal naman ako ni dragu." Sabi ko.

Ilang minutong pag he-heal ay naramdaman ko na ulit yung kamay ko at unti unti ko nang magalaw, hanggang sa tuluyan na akong makarecover kaya bumalik na si dragu sa pusa ni hazel.

Kinabahan talaga ako dun, dahil ang akala ko ay katapusan na ng kamay ko.

Nang gumaling na yung pusa ni hazel ay pumunta naman si dragu doon sa tiger at hineal niya ang mga pasa nito sa katawan.

*MISS MINERVA's POV*

Sa sobrang dami ng mga undead ay agad akong nakipagkaisa kay succubus at nagiging armor ko ang katawan niya, at dahil dito ay magagamit ko rin ang spell niya.

Tsaka napag alaman din ni stevan na kinukontrol ang mga undead na ito ng isang batang royalty na kalaban ni aiko kanina sa sparring ground.

To be Continue...

PLEASE DO FOLLOW ME AND DONT FORGET TO VOTE!

SENYORITONG ANEL.

FANTASY: Aiko FritchzerOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz