CHAPTER 10

197 15 18
                                    

Nabilaukan naman ang kanang kamay ni inaros nang narinig niya ang deal ng dalawa.

“Ikaw sana ang gusto ko, pero hindi na rin masama ang second king.“ Sabi ng Succubus ko.

Ngumiti lang si inaros at nagsalita.

“So, ano na?“ Sabi niya.

Huminga naman ng malalim ang succubus ko at nagsalita.

“First of all, isa akong elves. Elf na succubus na isang Vampire. Kaming mga elves ay sa gubat lang kami makikita kung may mag hahanap samin, pero syempre hindi naman kami magpapakita sa mga tao.“ sabi niya at nag salita pa.

“Dahil kami mismo ang pipili ng taong karapat-dapat sa kapangyarihan namin. At e'te-test namin sila kung kaya ba nilang e handle ang kapangyarihan namin sa pamamagitan ng pag gamit sa mga normal na hayop doon sa gubat.“ Dagdag pa niya.

“At pag napatunayan niyang karapat dapat siya sa kapangyarihan namin ay tsaka lang kami magpapakita. Take note, papayag lang kami na ipapagamit ang kapangyarihan namin sa mga walang talent at skill, para hindi kami piliting gumawa ng hindi namin gusto.“ Dagdag pa niya.

“I see, pero kailan kayo mag papakita sa mga taong napili ninyo bilang isang elves?“ Tanong ni inaros.

Sumagot naman ang succubus ko.

“Hindi kami magpapakita hangga't hindi makikipag kaibigan samin ang taong napili namin.“ Sabi niya.

“Ganun ba, maraming salamat minerva's friend.“ Sabi ni inaros.

“At syempre, mapipilitan rin kaming magpakita pag naramdaman naming natatakot o walang laban ang mga napili naming tao para ipagtanggol sila.“ Dagdag pa ni Succubus.

Pagkatapos ng pag uusap na yun ay agad nang nag anyong paniki ang succubus ko, kaya dini-sappear ko muna siya para matulog.

“Salamat sa oras miss minerva, maari kanang bumalik doon sa A5 room.“ Sabi niya sakin.

Agad akong tumalikod at naglakad paalis.

*AIKO'S POV*

1,497… 1,498… 1,499… 1,500…” pag bibilang ko pa habang si dragu ay nag bibigay ng lakas sakin.

Napahiga ako sa lupa dahil sa pagod, habang nakahiga ako ay napansin kong paparating si miss minerva sakin. kaya agad akong tumayo at binati ko ang guro ko.

“Hello! (Sabay kaway sa kanya) goodmorning! saan ka po galing!?“ Sigaw ko.

Agad naman niya akong nilakihan ng mata at dito nga ay bigla niyang pinalabas ang napakadaming mga paniki at binuhat nila ako tsaka naglakad si miss minerva papunta sa A5 room.

Pagkarating namin doon sa loob ay agad niyang sinara ang pinto at nagsalita.

“Oras na para sa seryosong training.“ Sabi niya.

Nabigla naman silang lahat sa narinig.

“Wow! For all this time? Seseryosohin nyo na po kami?“ Tanong ni josh.

Agad namang sumimangot si miss minerva at nagsalita.

“DARK ELEMENT: voodoo doll!!.“ Sigaw niya.

Nabigla ako sa narinig ko, dark element rin pala siya kagaya kay hazel. Tsaka napansin kong may isamg manika na kamukha ko ang lumabas.

“Haha, lagot kang bata ka. Hawak kana ni miss minerva sa leeg.“ Sabi ni josh.

Di ko alam kung para saan yun, pero hindi lang ako umimik.

“Okay mga bata, oras na para makilala ninyo at makausap ang inyong mga hayop.“ Sabi niya.

Nabigla ako sa narinig ko, pwede pala namin silang makausap?

“Yeeyy!! Sa wakas!! Malalaman ko na rin kung paano kinakausap ni miss minerva ang mga paniki niya!!“ Sigaw ni Mia, yung dolphin ang hayop.

“Diba kusa nalang lumapit sa inyo ang mga hayop na nasa balikat ninyo?“ Sabi niya..

Tumango naman kaming lahat kaya nagsalita pa si guro.

“Kasi nga, kayo ang napili ng mga hayop na yan upang magiging kaibigan nila.“ Sabi pa niya at nagsalita pa.

“Pero ang kapalit nun, ipapagamit nila sa inyo ang kapangyarihan nila bilang isang palatandaan na seryoso sila sa pakikipag kaibigan sa inyo.“ Dagdag pa niya.

Tumingin ako sa mga magic mates ko, tsaka nagsalita pa si miss.

“Ngayon, hindi lalabas ang totoong anyo nila pag hindi ninyo sila kinikilala.“ Sabi niya.

Naguguluhan ako at nag tanong si josh.

“Paano namin sila kilalanin?“ Tanong ni josh.

“Simple lang, kailangan nyo lang naman kumbinsihin sila na magpapakita sa inyo at doon ay gumawa kayo ng paraan para may mabubuong relasyon sa inyong dalawa.“ Sabi niya at dito nga ay bigla niyang pinikit ang kaniyang mga mata at umilaw siya ng kulay dark violet.

“Wow! Kakaiba talaga si miss.“ Sabi ni josh.

Nang umilaw na si miss ay nagsilabasan bigla ang mga anino ng paniki galing sa katawan niya at ang mga aninong paniki na yun ay nag tipon tipon at unti unting nagiging isang shadow elve.

Nang mabuo na ang aninong yun ay tsaka lang siya naging isang elve pero sa bampirang anyo.

“Wooooww!!!!!“ Manghang sabi ni josh.

Tiningnan ko si mia at hazel, napakasaya ng mga mata nila, kahit ako ay masaya rin dahil makikita ko nanaman yung puting babae na nakikita ko doon sa gubat.

“Magandang umaga mga bata.“ Bati nung babaeng bampira pero malaki yung teynga.

“Magandang umaga rin po.“ Sagot namin.

Pagkatapos maipakita ni miss minerva ang elve form ng kanyang paniki ay agad rin niya itong dini-sappear.

“Ngayong nakita nyo na ang elve form ng paniki ko, oras na para ipakita nyo rin sakin ang elve form ng mga hayop ninyo.“ Sabi pa niya.

Tumalon talon si josh sa tuwa.

“Hindi na ako makapaghintay na makilala ang elve form ni salamander!!“ Sigaw niya.

Ngumiti lang si miss at nagbigay ng steps.

“Una, ramdamin nyo ang puso ng hayop.“ Sabi niya.

“H-ha!? Paano??“ Sagot ni josh.

Ngumiti lang si miss at nagsalita.

“Mahirap ito sa umpisa, pero sa ganitong paraa—”

Naputol ang pagsasalita niya nang biglang may isang skeleton ang bumagsak sa loob ng room namin na galing pa sa labas ng bintana, tsaka may armor ito at espada.

“Teka, ano yan?“ Sabi ko at tumingin kay miss.

Nang makita ko si miss ay agad akong nagulat, dahil yung mukha niya ay biglang sumeryoso at parang nagugulat siya, kaya nagsalita si mia, yung may dolphin na hayop.

“Uhm… miss minerva, isa ba yan sa mga hayo—”

Napatigil siya sa kakasalita dahil may mga umiingay pa sa ibang mga room.

“H-hindi!…” Sabi ni miss.

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni miss pero takot na takot siya, kaya aakmang magsasalita na sana ako nang biglang may isang malakas na anunsyo ang bigla naming narinig.

“ATTENTION TO ALL TEACHERS!! PROTEKTAHAN NINYO ANG MGA BATA!! DAHIL PINASOK TAYO NG MGA UNDEAD SOLDIERS!!.“ Sabi nung boses na hindi ko malaman kung saan galing.

“AGAIN!!… ATTENTION TO ALL TEACHERS!! PROTEKTAHAN NINYO ANG MGA BATA!! DAHIL PINASOK TAYO NG MGA UNDEAD SOLDIERS!!.“ dagdag pa niya.

To be Continue…

PLEASE DO FOLLOW ME AND DONT FORGET TO VOTE!

SENYORITONG ANEL.

FANTASY: Aiko Fritchzerحيث تعيش القصص. اكتشف الآن