WARNING SIGNS #9: Beware of Making promises

22 3 0
                                    

Shan (2018)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Shan (2018)

"Promise ko sayo, Shan... ikaw lang ang babaeng pakakasalan ko balang-araw..."

Naaalala ko pa noon yung promise mo sa'kin. Yung promise mo na ako ang babaeng pakakasalan mo balang-araw.

Naaalala ko pa rin yun hanggang ngayon at dala-dala ko ang pangako mong yun kahit saan ako magpunta.

Kahit mga musmos na bata pa lang tayo nung sinabi mo yung promise mo, pinanghawakan ko yun. Kasi 'di ba nga sabi nila, hindi nagsisinungaling ang mga bata?

Alam mo hanggang ngayon, hinihintay pa rin kita. Syempre, promise yun e. Promise na hanggang ngayon e hawak-hawak ko pa.

"Promise ko sayo, Shan... ikaw lang ang babaeng ihaharap ko sa altar. Ikaw lang ang babaeng ihaharap ko sa Diyos..."

Nung nagkita ulit tayong dalawa, nangako ka ulit sa'kin na ako lang ang babaeng ihaharap mo sa Diyos. Ako lang ang babaeng pakakasalan mo sa harapan ng Diyos.

Sa pangalawang pagkakataon, muli ko na namang pinanghawakan ang pangako mo. Ang pangakong iniwan mo nung umalis ka ulit.

"Promise, Shan... pagbalik ko, magpapakasal na tayong dalawa..."

"Promise, Ivan?"

"Promise, Shan..."

Sa pangatlong pagkakataon na nangako ka, nagduda na ko. Pero, pinanghawakan ko pa rin yun dahil mahal na mahal kita.

Naghintay ako sa pagbabalik mo. Mas lalo akong nasabik na makita kang muli dahil sa pangako mo. Masakit na mawalay ka sa'kin pero kailangan kong tanggapin dahil kinakailangan.

"Promise, Shan..."

♫︎ ♫︎ ♫︎

♫︎Di di ko inakalang♫︎

♫︎darating din sa akin♫︎

♫︎nung ako'y nanalangin kay Bathala♫︎

♫︎naubusan ng bakit♫︎

♫︎Bakit umalis nang walang sabi♫︎

♫︎bakit 'di siya lumaban kahit konti♫︎

♫︎bakit 'di maitama ang tadhana♫︎

♫︎At nakita kita sa tagpuan ni Bathala♫︎

♫︎may kinang sa mata na di maintindihan♫︎

♫︎Tumingin kung saan♫︎

♫︎sinubukan kong lumisan♫︎

♫︎at tumigil ang mundo♫︎

♫︎Nung ako'y ituro mo♫︎

♫︎siya ang panalangin ko♫︎

♫︎ ♫︎ ♫︎

Sa araw ng kasal nating dalawa, nabali ang pangakong binitawan mo. Kasabay ng pag-alis mo sa mundo, ang siya namang paglabo ng lahat ng kulay sa paligid ko.

Hindi na ko masaya sa bawat araw na maaalala kong hindi mo tinupad ang pangako mo. Hindi na ko excited sa bawat araw dahil naaalala kita. Nawalan na ko ng gana sa lahat dahil wala ka na.

Alam mo, naghihintay pa rin ako sayo. Hinihintay pa rin kitang magbalik dahil hindi ko pa rin binibitawan ang pangako mo sa'kin.

Sabi nga nila 'di ba? Promise meant to be broken. Pero naniniwala akong babalik ka ulit para tuparin ang pangako mo. Naniniwala pa rin akong hindi mo sisirain ang pangako mo kahit wala ka na.

Naniniwala akong balang-araw ay matutupad din ang pinangako mo sa'kin.

Hindi man mangyari ngayon, pero umaasa akong magkikita ulit tayong dalawa lumipas man ang mahabang panahon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WARNING SIGNS ⚠︎Where stories live. Discover now