5

23 0 0
                                    

“BOYFRIEND?!” Sabay-sabay na sigaw nilang lahat. Napahawak naman ako sa may tenga ko. “Aray naman. Exag much?” sabi ko while rolling my eyes. Nang makita kong gulat na gulat na sila, lalo na si Kelly, nilingon ko si Michael. “Really Michael? Nagulat ka pa? Eh kanina lang, tinatanong mo ako kung sasagutin na kita. Tch!” sabi ko sa kanya, then I sighed.

“Ahh..” – Yan lang ang nasabi niya. Grabe naman ‘tong lalaking ‘to. Siya naglagay sa akin sa sitwasyong ‘to tapos di man lang ako tinutulungan? Hay. Kung hindi ka lang wafu eh.

Lumapit ako sa kanya, tiptoed, then gave him a peck on the lips. “Oo, sinasagot na kita.” Ang landi mo Jade! Maharot! I, then, turned around and smiled. “So guys, I’d like you to formally meet my boyfriend, Michael,” I said flasing my widest smile. “Michael,” I turned to him and held his hand. “My friends,” I said turning to Kelly, smiling. Gosh! My drama classes should pay off! I should definitely ask for extra credits for this!

“No way! Girl! Boyfriend mo talaga si Michael?” sabi ni Kelly. Medyo na-out-of-balance pa kasi napahawak sa katabi niyang guy. “At, siya yung sinasabi mong girl na gusto mo since first years tayo?” tanong nung guy na nakaalalay kay Kelly.

Mukhang walang planong sumagot ‘tong katabi ko, kaya ako na nagsalita. “Kakasagot ko lang oh. Di ba obvious? Kelly naman.”

Napansin kong naka-adjust na si Michael kasi humigpit ang hawak niya sa kamay ko. “Sinasagot mo na talaga ako?” tanong niya nang nakatingin sa akin. Tinignan ko siya nang parang nagsasabing, Get a grip dude! We still have a show to do. Tumango ako sa tanong niya at nag-smile ulit. Tapos parang nakita kong nakahinga siya ng maluwang, kaso di ko na yun nabigyan ng pansin kasi niyakap na niya ako ng maghigpit at nagsisisigaw ng ‘Yes!’ at ‘Whoo!’ ng paulit-ulit.

Natawa na lang ako sa ginawa niya tas napayakap na rin sa kanya. Grabe naman talaga powers mo Michael. Napasagot mo ako ng walang kahirap-hirap.

Nag-cecelebrate na rin ang mga barkada niyang guys na kasama namin dun sa may lobby ng mall. Kino-congratulate siya. Ito namang magaling kong kaibigan, hinatak ako with the other girls papalayo sa mga boys. “Oh my gosh Jade! After all those years na nanliligaw sa’yo ang mga guy friends natin, bigla ka na lang magsasabi na may bf ka na? That’s totally unfair!” sabi ni Kelly. Geez! She’s on the roll.

“Yeah! Totally! Di man lang namin naramdaman na nililigawan ka niya,” sabi naman ni Tara. Teka, si Tara ba yung isang girl na nakita kong may kahalikan sa may fountain?

“Oh my gosh! You are so dead! Fill us in girl!” dagdag pa ni Mai. Isa pa ‘to. D*mmit! Sila yung mga couples na nakita ko kaninang naghahalikan sa may fountain. Wait? Napansin ko din pala si Michael nun. Nilingon ko nga siya eh. Kaso busy sa iPad niya.

“Teka teka. Hindi ako ang dapat mag-explain dito. Kayo!” sabay turo ko sa kanila. Napaatras ng konti si Mai. Si Tara naman natigilan. Si Kelly lang ang sumagot, “Wala kaming dapat i-explain.” She crossed her arms again. Minsan, obvious din ‘tong babaeng ‘to pag may dine-deny.

“Oh really Kel?” Ako naman ang nagpamaywang. “I came here rushing and cancelling all my scheduled activities for the day just to come here and witness an extreme kissing and necking session?” sabi ko pa. Magsasalita na sana si Kelly nang magsalita ulit ako. “Hep! Ako muna. Una, dapat rest day ko ngayon kasi rehearsals na naman ng theater guild natin bukas for Thursday’s performance. Hindi pwedeng ma-stress kasi makakasama sa boses. Pero!” I raised my hand to stop Kelly kasi magsasalita na naman siya, “Madadatnan ko ang staff ko na nag-eenjoy i-practice ang mga nababasa nila sa The CC,” lumingon naman ako kina Mai at Tara.

Napatingin ang dalawa sa magkabilang direksyon. “So, ito ba yung emergency natin Kelly?” sabi ko at tumingin na ako kay Kelly. Napatigil na si Kelly. Hindi na niya sinubukang magsalita kaya nagsalita ulit ako. “Michael, mauuna na ako ah! Text na lang kita.”

Akmang aalis na ako nang may humawak sa braso ko. Si Michael. “Hatid na kita,” sabi niya.

“Bro! Don’t tell us, hahatid mo pa si Jade? Wala kaming mga kotse ngayon pre,” sabi nung lalaking kahalikan ni Kelly kanina. “Mag-commute na lang kayo! Maulan,” sabi ni Michael sa kanila. “Baka mapano pa ‘to sa daan,” dagdag niya pero parang kaming girls lang ata nakarinig ah.

Anyway, hindi ko na inalaman pa kung anong reaksyon nung mga girls kasi hinatak na naman ako ni Michael palayo. Kanina pa ako hinahatak nito ah. Kung ganito naman ang hahatak sa’yo araw-araw, papahatak ka talaga. Kyaah! Landi! (>_<)

Noon ko lang na-realize na toned pala ang muscles niya. Hinubad kasi niya ang jacket niya. Naka simple white V-neck na lang siya. Uwaah! Ulam na ulam ang muscles! Ay Jade! Wag malandi. Chill ka lang. Nagpapaka-gentleman na nga ang guy eh. Pagpapantasyahan mo pa.

Maulan pa rin kasi. Medyo umaanggi pa ang ulan dun sa daan papuntang parking lot. Oooh! My guy has his own wheels! Neat! Tas bago kami sumuong, inakbayan niya ako. Half-akbay, half-hug. Oh di ba? Kilig?

Anyway, we finally reached Parking Lot A. Teka? Pang-VIP ‘tong area na ‘to ah? Hindi ko na napagtuonan ang iniisip ko kasi nagulat ako sa tinigilan naming kotse. METALLIC WHITE NA MERCEDES! Oh my gulay! Mercedes ang kotse niya. Pangarap kong kotse ‘to! (Mercedes-Benz SLR McLaren) Grabe lang ha! Teka nga lang ulit. Mahal to ah!

Happy Valentines, Jade♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon