1

51 0 0
                                    

Sirang-sira talaga ang schedule ko ngayong araw. Tignan niyo...

1. Pumunta sa bahay ni Aimee; tumambay. - CANCELLED;

2. Manuod ng movie with Aimee and the gang. - CANCELLED;

3. Pag-uwi galing kina Aimee, maglinis ng kwarto. Darating kasi ang mga pinsan ko mamayang gabi. (They are to stay for, at most, one week.) - CANCELLED;

4. In-charge of making dinner for tonight. (Sabi ko pa naman magba-barbeque ako.) - CANCELLED; at ang pinaka nakakainis...

5. Manunuod ako ng practice ng kapatid ko. (Nasa banda kasi siya, drummer po.) - Isang malaking... CANCELLED!!!

Geez! And to make things worse, kanina pa ako parang minamalas. Ay! Mali ata. Hindi lang parang. Kung hindi, MINAMALAS TALAGA --- INAALAT. Want some proof? Here's another list:

1. Pagkagising ko kanina, nakita ko na lang na nalaglag ang glasses ko. At hindi lang basta laglag, nabasag pa! Hindi ko naman katabi sa may kama yung glasses ko kapag natutulog eh. Kaso, nalaglag. You wanna know why? Kung hindi, sasabihin ko pa rin. Hihiramin daw sana ng magaling kong kapatid (Yung member ng theater guild ng school nila; hindi yung drummer.). Kaso, nagulat siya. Bigla daw kasing tumahol yung aso namin. Wala naman daw tao.

So, ayun, basag. Next on the list.

2. Naubusan ako ng breakfast. Ang sarap pa naman nung breakfast namin. HAM N' EGGS!!!! Favorite breakfast ko yun eh! Kapag minsan nga, yung hindi ako sa bahay kumakaen ng breakfast, yun pa rin yung inoorder ko dun sa may kainan sa tapat ng university namin. Point is. Hindi ako nakakain ng favorite breakfast ko kasi, ubos na yung supply ng ham sa ref namin. Sabi ni manang, kakapamalengke lang daw nila two days ago kaya hindi daw muna sila bibili. Ang daya talaga!

Bakit ba kasi yun ang inihanda nilang breakfast sa mga bisita ng mommy eh. Tsk!

Next na nga lang tayo. Nabi-bitter na naman ako!

3. Yung favorite kong pocket book (Accident by Danielle Steele) ay nilapa nung magaling naming aso! (Strike two ka nang aso ka ah! Kung ipaluto na kaya kita kaw Manong  Rene?) Nakita ko na lang na nakabalandra sa garahe namin (hanggang garden ni daddy - yes! daddy ko po ang nag-aalaga ng garden. Assistant lang po niya si Manong Rene.) halos lahat ng pages nung book. At hindi lang per page ang pagkakahiwa-hiwalay niya, PER PIECE! As in, pira-piraso talaga. Grabe talaga! Hinanap ko pa talaga yun sa Booksale para lang may Hardcopy ako. Ma-corrupt man ang phone at pc ko, meron akong hardcopy. Kaso, WALA NA SIYA! UWAAAAAHHH T.T

Merong pang isa. Ang pinaka-malala sa lahat...

4. Na-corrupt daw ang mga articles namin for next week's issue of The Campus' CupidLahat ng articles, pati pictures at kahit yung blangkong lay-out na wala pang nailalagay na article. Nawala daw! Nang parang bula! Oh! Sarap 'di ba? Special issue pa naman namin yun kasi malapit na ang Valentine's Day. Exactly one week from now, February 14 na! Yun pa naman ang anniversary issue namin. At dahil ako'y Associate Editor ng aming mini-journal, kailangang kong pumunta. Though dapat, hindi muna ako tutulong kasi nagpe-prepare na ako - with the university's theater guild - ng isang special show for Valentine's as well.

Di ba? Ang busy ko?

Kaya ngayon, papunta akong school; sa office ng The CC (short for The Campus Cupid) para tulungan ang ibang mga staff. We need to finish it by 3 o'clock. Yan ang binigay na deadline ng aming adviser, si Ms. Castro. Yan din kasi yung oras na ibinigay nung publishing house ng school para mai-print by Tuesday, February 12. Wednesday iaayos yung stands ng The CC (Pati rin naman yung mga stands ng university at departmental organizations.).

Pasensya na ha. Puro reklamo na ako. Hindi pa pala ako nagpapakilala. I'm Jade Delos Reyes, 19, at B.S. Psychology sa XY University. Hilig kong sumulat kaya sumali ako sa mini-journal namin - ang The CC. More about RomCom and Chicklits yung focus ng journal namin. Mga short stories, one-shots, may konti ring fictions na per chapter kung i-print namin. Medyo complicated yung rules kaya hindi ko na ikukwento. Baka abutin ako ng isang araw na rotation ng Jupiter eh. Hahahaha! Joke lang. Corny no?

Anyway, pampa-lighten talaga ng mood ang purpose ng The CC. Mga pampa-kilig, at pang inspire ng mga boys na natotorpe o nanghihingi ng advice para ligawan ang crush nila, at mga girls na hanggang ngayon ay hinihintay si Prince Charming o ang kanilang Knight-in-Shining Armor o humingi ng advice kung paano magpapapansin kay crush na hindi man lamang sila nililingon. Yan ang The CC.

Well, enough of the introductions. Nandito na rin naman na ako sa mall malapit sa amin. Sabi kasi nila, dito na lang daw kami magkita-kita.

Pagkababa ko ng jeep, nagtataka pa rin ako kung bakit dito kami sa mall makikita. Paano naman ba kasi kami gagawa ng maaayos nito kung nandito kami sa mall, di ba?

Happy Valentines, Jade♥Where stories live. Discover now