2

37 0 0
                                    

Pagpasok ko sa mall, kinuka ko kaagad ang cellphone ko at nag-text kay Kelly.

To: TCC – Kelly Sanchez

Kel! Asan na kau? Nandito na akong mall.

--hit Send--

Luminga-linga muna ako sa paligid ko. Sa sobrang busy ko, ngayon lang ulit ako napunta ng mall. Ganito ba talaga kapag graduating? Hindi naman siguro.

Anyway, pumunta muna ako doon sa may fountain sa may gitna ng mall. Wow! Ganito ba kapag malapit na ang V-Day? Naisip ko kasi, ang daming lovers sa paligid. Kaliwa’t kanan, harap at likod. Muntanga tuloy ako. Akmang aalis na ako ng naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko.

From: +639*********

Hey Girl! Kelly S. here! We’re here sa may fountain. Just in front of Starbucks. Punta ka na here! Bilis! XD

Fountain? Nandito lang pala sila. Wait? Eh, nandito rin ako eh. At nasa may harap din ako ng Starbucks oh. Lumingon ako sa right just to make sure that I’m really standing by Starbucks. Tapos, I turned to my left…check! Nandito pa naman ang fountain. Hindi pa rin umaalis. Pero nasaan sila?

Tumingin-tingin ulit ako sa paligid, pero all I see are couples smooching around as if walang nakakapansin sa kanila. May iba nga, may necking pang nalalaman. Eeew! Gross! Get a room people! Ugh!

So I decided to text Kelly again. I texted her dun sa number na pinang-reply niya sa akin kanina.

To: +639*********

Kel. Jade here. Kanina pa ako nandito sa may fountain. Nasan ba kau banda?

--hit Send--

And just as I hit send, may isang pamilyar na mukha akong nahagip sa may kaliwa ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino yun.

Si Kelly…

Yes, si Kelly po. At may kasamang guy. Familiar din yung face pero, hindi ko matandaan kung saan ko nakita. Baka sa university? And it dawned to me…SI KELLY AT YUNG GUY ANG NAKITA KONG NAGHAHALIKAN KANINA!!!! Yung kulang na lang hubaran na yung girl kasi pati leeg hinahalikan. Si Kelly pala yun!

Oh my gosh! This can’t be! Halatang halata yata yung gulat ko kasi may batang biglang lumapit sa akin. “Ate, ok ka lang po ba?” tanong nung bata. Nagtaka siguro yung bata kung ano yung tinitignan ko. Akmang lilingunin na niya sina Kelly (at hindi maganda ang posisyon nila kasi naka-kandong si Kel dun sa guy), umupo ako, hinawakan ko siya sa balikat at iniharap sa akin. “Hi! Ahh…” Sh*t! Hindi ko alam ang sasabihin ko.

“Jade. Kanina ka pa kita hinihintay,” sabi ng isang malalim na boses. Napatingin kaming dalawa sa nagsalita. Oh my gulay! Ang gwapo! Hindi ko na napansin ang mga nasa paligid ko. Anghel na bumaba ng langit! Nagsisimula na akong mag-pantasya nang magsalita ulit yung bata. “Kuya Michael? Kakilala mo po si ate?” sabi nung bata. Aba! Michael pala pangalan ng napakagandang nilalang na nasa harap ko.

“Yes Princess. She’s my girlfriend,” kumindat siya sa akin tapos yumuko siya at nag-smile sa bata. GIRLFRIEND?! Napatayo akong bigla sa sinabi niya. Bakit niya sinabi yun? Hindi ba niya alam na masamang magsinungaling sa bata? “Talaga Kuya?”

Tapos, tumingin sa akin yung batang babae at ngumiti nang pagkaganda-ganda. “Hi ate! Ako po pala si Princess Rose Martinez. Six years old po. Pinsan po ako ni Kuya Michael; ng boyfriend niyo po,” Princess said, then she smiled wider. Hindi ko alam kung may maigaganda pa ang ngiti ng batang ito, pero ngumiti pa siya. Hindi naman talaga ako mahilig sa bata eh. Pero, may something sa batang ito na nakakagaan ng loob ko.

Tumingin ulit ako dun sa lalaking nag-ngangalang Michael. Tumango lang siya na parang nagsasabing Go on.

Double Sh*t! Ano ba ‘to? Tumingin ulit ako kay Princess at nag-smile. “Hi Princess!” Isipin mo na lang Jade, play lang ito ng inyong theater guild. “I’m Jade Delos Reyes,” I forced a smile again. Pero habang patagal nang patagal ang pag tingin ko sa batang nasa harap ko, napapansin kong nagiging normal ang pag ngiti ko. Nakakahawa ang smile ng batang ‘to!!

“Princess, baby, there you are!” sabi ng isang magandang boses sa aking likuran.

“MOMMMMMYYYY!!!” takbo ni Princess papunta sa mommy niya at yumakap dito. “We were looking all over for you!” sabi ulit ng magandang babae.

“Honey, I told you she won’t go far,” sabi ng isang lalaking biglang sumulpot sa tabi ng mommy ni Princess. Grabe! Nasa mall pero naka-business suit. “Carl, can you send Princess back to the car now?” sabi nung lalaki. Sobrang lakas ng aura niya, alam mong isa siyang taong makapangyarihan. “Yes Sir,” sabi nung isa pang lalaki sa likod.

“Aww! Daddy, I don’t wanna go home yet!” angal ni Princess sa papa niya. Nakayakap pa din siya sa mom niya. “Look oh! Kuya Michael is here. Kakapakilala pa nga lang niya ng girlfriend niya sa akin, then you’re sending me home na,” she added with a pout sabay turo sa akin. Ang cute naman ng batang ito! Pwede ko bang iuwi na lang siya?

“Girlfriend?” sabi ng mommy ni Princess. Tumingin ito sa akin na parang gulat na gulat. Pati rin ang dad niya, napatingin. At gulat din ito. Bakit ba? Nakakagulat bang magkagirlfriend ang isang gwapong nilalang na tulad niya? Oh sadyang panget lang talaga ako, kaya hindi katanggap-tanggap?

Happy Valentines, Jade♥Where stories live. Discover now