Chapter 2: That guy

55 0 1
                                    

Author's Note:

2nd chapter agad baka mawala lahat ng ideas ko for this story :)

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Oh gising ka na pala." sabi niya

Agad ako kinuha ang kumot sa kama at tinakip sa katawan ko.

"Aa-anong ginawa mo sakin?" nauutal kong tanong, hindi siya sumasagot instead lumakad siya palapit sakin. "Hanggang diyan ka lang." pananakot ko sakanya pero lumalapit pa rin siya. Kinuha ko yung alarm clock sa side table at binato sakanya, tinamaan siya sa noo.

"Aray!" paos na sigaw niya "Ganyan ka ba mag pasalamat sa taong nag ligtas sayo?" sagot niya na halos walang boses na lumabas sa bibig niya. Paos pala siya kaya hindi siya nag sasalita kanina, dapat kasi kahit paos siya nag salita pa rin siya, yan tuloy nabato ko siya. teka ano sabi niya?

"Nag ligtas?" naguguluhang tanong ko

"Oo, niligtas kita dun sa manyak mong kasama kagabi. Sino ba yung kasama mo? Boyfriend mo?" Sagot niya, pilit ko inalala kung ano pa mga nangyari kagabi kaso di ko talaga maalala.

"Si Jon? Hindi ko siya boyfriend, eh kagabi ko lang siya nakilala." sagot ko sakanya

"Eh bakit ka sumama dun?" medjo iritang sagot niya, teka bakit ganito mga tanong ng lalakeng to. eh hindi ko rin naman siya kilala.

"Eh akala ko kasi matinong lala---" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng mapansin ko na dumudugo yung noo niya gawa nung alarm clock na binato ko sakanya."Oh my gosh, you're bleeding." natataranta kong sinabi at kinuha ko yung first aid kit ko sa bag at lumapit agad ako sakanya at pinaupo ko siya sa sofa. Oo na may first aid kit ako sa bag ko, girl scout ako eh (^_^) Nakapikit siya habang ginagamot ko yung sugat niya, infairness cute siya. Teka ano ba tong iniisip ko.

"Ok na, sorry uli." sabi ko sakanya pag katapos ko ilagay yung bandage sa noo niya

"Ok lang ginamot mo naman eh, salamat." sagot niya sabay ngumiti, oh my that smile

"Wa-walang anuman, salamat rin" sagot ko

"Welcome"

"Asan pala tayo?" tanong ko sakanya

"Makati Shang, hindi ko kasi alam kung saan ka umuuwi eh hindi rin kita pwede iuwi sa place ko baka kung ano isipin ng parents at mga kapatid ko. So I just decided to take you here." pagpapaliwanag niya

"Ahh ok." Matipid kong sagot dahil hinahanap ko yung damit ko at iniisip ko kung siya ba ang nag palit ng damit ko.

"Yung damit mo pala nasa CR na, pina-laundry ko na rin sa room service." sabi niya na ikinagulat ko dahil iniisip ko pa lang yun. "Tsaka wag ka mag alala hindi ako ang nag bihis sayo, sa hotel attendant kita pinabihisan." pahabol niya, marunong ba siya mag basa ng isip.

"Salamat uli. Mag papalit na ako ng damit." sabi ko sakanya at tumayo na ako sa sofa.

"Ahh sige dito lang ako sa sala wag ka mag alala." naka ngiti niyang sinabi

after 30 minutes natapos na ako maligo at mag bihis, pag labas ko ng CR kinuha ko na agad yung bag ko at lumabas na ako sa kwarto para mag paalam sakanya.

"Uuwi na a---" hindi ko na tinuloy yung sasabihin ko ng marealize ko na nakatulog siya sa sofa. Nag sulat na lang ako sa papel ng note para sakanya at iniwan ko sa coffee table yung polo niya at bayad sa hotel at umalis na ako.

I may not remember exactly what happened last night dahil sa kalasingan ko pero naaalala ko pa rin yung sakit na nararamdaman ko dahil sa ginawa ni Arman. Masyadong marami ang nangyari kahapon. Pag dating ko sa bahay, agad ako pumasok sa kwarto ko at umiyak ng umiyak hanggang sa nakatulog uli ako.

Meanwhile . . . back at the Hotel . . .

His POV

Grabe nakatulog pala ako sa sofa, teka asan na yung babae? nagulat ako dahil may nakita akong papel sa ibabaw ng polo ko. Agad ko binasa yung note, galing sakanya yung sulat . . .

To you:

Hi! Didn't want to wake you up, sorry uli sa pag bato ko sayo ha? If we ever meet again I'll make it up to you. Thank you again for saving me last night.

-Rina :)

"So Rina pala pangalan niya"

Loving you [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon