Chapter 5

0 0 0
                                    

HININTO ko ang motor sa gilid ng apartment, galing ako sa bahay ni Tiya Linda, may pinautos kasi siya sa akin doon kanina. Tumambay muna ako sa labas para mag-reply sa chat ni Bardo.

Napalingon ako sa likod nang may biglang kumalabit at nakitang si Ashleen 'yon.

"O? Ashleen?" Tinanggal ko ang mask.

"Napansin mo bang dumaan dito si Troy, Zio?"

"Wala, e. Kararating ko lang."

"Gano'n ba?" Bumuntong-hininga siya.

Nasaan na naman ang Troy na 'yon? Ayaw kong mag-isip ng kung ano pero iba na naman ang kutob ko nito. Mukhang nagkalalabuan na nga sila dahil parang aligaga itong si Ashleen. Hindi na ba mahal ng g-gong 'yon ang girlfriend niya?

Lumingon ako sa likod at saktong nakitang magkasama sina Troy at Maeve. Put-ngina! Kasasabi ko lang sa babaeng 'yon na iwasan si Troy mga dalawang linggo na ang nakalipas! Mabilis kong hinarang ang katawan para hindi sila makita ni Ashleen.

"Baka may pinuntahan lang sa kanto, alam mo na, may mga tropa rin kami do'n sa kabilang purok. Baka gustong makipag-bonding sa kanila. Sa'n ka ba galing? Nagkasalisi siguro kayo."

"Day off ko ngayon, pinuntahan ko lang saglit ang kaibigan kong kahihiwalay lang sa boyfriend niya."

Naku...

Napatango na lang ako. Aalis na sana siya pero mabilis kong hinawakan ang kanang braso niya dahil baka makita niya ang dalawa.

"Ah! Hintayin na lang natin siya dito, Ashleen."

"Ashleen."

Sabay kaming napalingon sa likod kaya binitawan ko na ang braso niya pero nakita 'yon ni Troy.

Nilipat ko ang tingin kay Maeve na papasok pa lang ng gate habang nakatingin sa amin.

"Pare..." malamig niyang bati at matalim na tumingin sa akin.

Mukhang mami-misinterpret pa niya. Ayaw kong masiyahan sa reaksiyon niya, pero buti nga! G-go!

"Hon, saan ka galing?"

Lumayo ako kay Ashleen.

"Diyan lang, hon. Mauna ka na. May sasabihin lang ako kay Zio." Muntik na akong mapangisi.

Tinignan naming pumasok si Ashleen sa gate ng apartment nila.

"Ano 'yon, pare?" Mabilis siyang humarap sa akin.

"Ano ba pinag-usapan niyo, huh?" Mukhang magagalit na yata.

"Pakialam mo kung ano'ng pinag-usapan namin?" dahil sa tugon ko, mabilis siyang lumapit sa akin at kuwenilyuhan ako.

Hindi ko mapigilang mapangisi.

"G-go! Ano'ng ngini-ngisi mo diyan?! 'Wag mong sabihing may lihim kang pagtingin sa kanya?!"

"Bakit, pare? Selos ka?"

"Isa na lang susuntukin na kita! Bakit nakahawak ka sa kanya?! Kaibigan ba talaga kita?!" nanggagalaiti niyang singhal.

"Easy, pare... pinagtakpan lang kita dahil nagtanong si Ashleen kung nakita ba kita tapos nakita nga kita, magkasama kayo ni Maeve. Gumawa ako ng paraan para hindi ka niya makitang may ibang kasamang babae. Pare... hindi sa nakikialam ako pero sinabihan na kitang pag-usapan niyo ni Ashleen ang relasyon niyo, kung ayaw mo na sa kanya hiwalayan mo hindi 'yong makikita ka niyang sumasama sa iba habang kayo pa."

Napalingon ako sa gate ng apartment namin, huli na nang magtago si Maeve. Halatang nakikinig ka sa 'min, huh?

Marahas akong binitawan ni Troy.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lazy Me But...Where stories live. Discover now