Chapter 3

0 0 0
                                    

PINAGMASDAN ko ang plastic container. Nahugasan ko na ito kagabi at binanlawan ng mainit na tubig para walang sebo.

Isasauli ko pa ba ito? Malamang, Zio! Kahit na puwede ko naman itong itapon pero baka gamitin niya dahil reusable naman ang container.

Lumabas ako ng unit at mabilis kong nakita 'yong babae dahil nasa labas din siya.

"Excuse me, miss. Isasauli ko. Salamat ulit."

Napalingon siya sa akin at parang nagulat. Napatingin siya sa inabot ko.

"Oh my, you don't have to..." aniya habang tinatanggap 'yon.

Sabi na, e. Sana tinapon ko na lang. Binaling niya ang tingin sa mga nakahilerang halaman sa likod niya at binalik ang tingin sa akin. Hulaan ko, magpapatulong ulit siya.

"Are you busy?" Nilagay niya ang ilang hibla ng buhok sa tainga.

Hindi ako sumagot.

"Uh, baka sabihin mong abuso ako pero kailangan ko kasing ipasok 'tong plants sa loob. To be honest, hindi talaga ako mahilig magbuhat ng mga mabibigat na bagay. Kaya... will you help me? Again?"

Dahan-dahan akong tumango at lumapit sa mga halaman. Marami pa naman 'to, nasa higit sampu tapos iba-iba pa ang size. Mahilig yata siya sa mga halaman. May halaman din ako pero dalawa lang dahil kinakagat nina Snail at Slug.

"Thank you talaga..." mahinang sambit niya na sumunod sa akin papasok.

"Sa balcony please..."

Tinuro niya ang balkonahe kaya lumapit ako do'n.

Muli akong lumabas at maliliit muna ang kinuha. Napatigil ako sa pag-angat ng paso nang may sumagi sa isip ko.

Bakit hindi niya inutusan ang kung sino man ang naghatid nito? Simple lang naman ang gagawin, ilagay lang sa balkonahe. Dapat inutos niya ito sa kanila para hindi siya nakakaabala ng kapitbahay.

Reklamo ka pa, Zio. Bakit ka ba pumayag? Malamang, kawawa kasi siyang tignan 'pag nagbubuhat ng mabibigat. At saka dapat lang magpakalalaki ako, pinalaki ako ng magulang ko na maging matulungin. Oo, matulungin ako pero tinatamad lang.

"Thank you ulit, uh, La... zio?" aniya nang makalabas kami sa unit niya.

Napabaling ako sa kanya at tinaas ang isang kilay. Mali ang pagbigkas niya sa pangalan ko.

"Lay-zi-yo," pagtatama ko.

"Yeah, right! Lazio," ulit nito habang maarteng ginalaw ang kamay sa ere.

"Zio na lang, 'yon ang tinatawag sa akin ng lahat."

Dahil 'yon ang gusto kong itawag nila sa akin. Kabanas kasi pakinggan ang pangalan ko, katunog ng 'lazy you'. Oo nga't tamad ako pero hindi naman kailangan pati pangalan ko parang tamad din. Ewan ko ba kay Mama, isinunod kasi ito sa pangalan ni Papa na Lazaro. Kung ano-ano na lang siguro ang naisip niya, basta lang makatunog sa pangalan ni Papa.

"Zio..." Ngumuso siya. "You can call me Vee as in v-e-e."

Tumango lang ako.

"By the way, I'll give you kakain later. I think, puto bongbong is fine. I will buy some ingredients today like butter, sugar and such."

"Oh, looks like marami akong bibilhin..." mahina niyang anas at napatingin sa sahig.

"Ah..." Napailing siya. "See yah, later!"

Malapad siyang ngumiti at hinawakan ang doorknob.

"Hindi kailangan. Nagtutulungan naman talaga kami dito."

Lazy Me But...Where stories live. Discover now